The Truth

9 0 0
                                    

Maaga gumising si Mitchie. Ngayong araw nila idedeliver ang furniture na order ni Mr. Yap at Mr. Yamamoto. Magkasosyo sa negosyo ang dalawang negosyante. Sila ang may-ari ng isa sa pinakamalaking hotel sa Baguio. Dahil nga humingi sa kanya ng pabor si Mr. Yamamoto, kasama siya sa pagdedeliver na dapat ay si Santi lang ang makakasama.

Sa kotse ni Santi siya makikisabay. Hindi pumayag ang papa niya na gamitin niya ang kotse niya kaya wala siyang magagawa.

"Kung bakit kasi kelangan pang kasama yung lalaking yun. Pwede namang ako nalang! Nasan na ba yun, ang tagal naman!"

"Sa likod mo! Actually ikaw yung matagal. At wala kang magagwa kung kasama man ako dahil nautusan lang din ako ng papa mo." She did'nt expect that. Pagpasok niya ng building nila, hindi na siya pumasok sa opisina niya. Hinintay na lang niya si Santi sa may entrance. "Ang usapan ay 8:30, sa parking area. Buti nalang pala at may naiwan ako sa office at kelangan ko bumalik, kung hindi, maghihitayan....err..maghihintay kami."

Oo na, hindi na ako magrereact. Tama ka na. Youre the best.

Inirapan niya na lang si Santi para mawala ang pagkahiya niya. Siya nga pala ang nagsabi na sa parking area sila magkikita.

Napailing nalang si Santi.

"Bilisan mo na. Bagal e."

Binukasan na niya ang pinto ngbackseat ng kotse ni Santi pero pinigilan siya nito.

"Dito ka sa unahan."

"Ayoko ngang katabi ka."

"Ayoko ding magmukang driver mo. This is my car, you will seat where I want you to."

"Sana pala nagdala na lang ako ng kotse ko."

"Sige, papagalalahin mo pa si ninong."

Asar na asar na talaga ako sa taong to.! Jason bumalik ka nga dito sa Earth at resbakan mo ang lalaking ito! Sobra na e.

Padabog niyang binuksan ang pinto ng kotse sa harap at padabog din iyong isinara. HIndi niya iniimikan si Santi kahit  nasa daan na sila. sa unahan nila ay ang 3 truck na naglalaman ng mga furnitures na idedeliver sa Baguio.

 "Oi!"

Sinusubukan siyang kausapin ni Santi pero hindi man lang niya ito tinitingnan. Nakatuon lang ang tingin niya sa labas.

"OI!"

"Anu ba? Magdrive ka na lang.!"

"Nakakapanis ng laway ang hindi pagsasalita."

"So? Im pretending na solo lang ako kaya wag ka magsalita okay?!"

"sure ka?"

Tinapunan niya ng isang masamang tingin si Santi.

"Okay."

Grabe ang awkward. Ayoko ng ganito. Sana pala naisama nalang kahit si Cham.

Kumanta nalang siya ng mahina. Hindi niya alam na nakikinig pala ang katabi niya. Matapos ang isang kanta tumigil na siya.

"Next."

"Ha?"

"Next song."

"bakit radyo ba ako? Tsaka sinabi ko bang makinig ka sa pagkanta ko?"

"Magaling ka naman kumanta. Bakit kelangan mo pa itago. Sabi ni ninong, hinding hindi daw niya mapakanta ang anak niya. E ang galing pala naman kumanta ng anak niya e. bakit kaya?"

"Wala ka na dun!"

"Sigurado ako na gagaling ang hari sa awit ng ibong adarna."

"Ano ako ibon? *silence*  Mula ng mamatay si Jason, hindi na ako kumanta."

"Si Jason yung bestfriend mo diba?"

"Oo. Future husband ko sana."

"Ah.... I see."

*Long Silence*

Santi's POV

 "Oo. Future husband ko sana."

"Ah............ I see."

I guess it would give me a hard time para mapalitan si Jason. But I wont give up. Jason always believe in me. Ayoko namang masayang ang tiwalang yon dahil lang wala na siya. Isa pa mahal ko ata ang babaeng ito.

Natahimik na naman ang babeng to.

Ah.. tulog na.

(Inabot na sila ng gabi sa byahe.)

*phone vibrates*

"Hello?"

...

"What?! Rachell baka nagkakamali ka lang!"

...

"Six years kayo ni Jason tapos sasabihin mo na sakin ang dinadala mo? Pathetic! Niloko niyo na nga ako e."

...

"Sakin siya ibinilin ni Jason. Bestfriend niya lang si Mitchie! At higit pa sa pagiging pinsan ang turingan namin ni Jason. Hindi ko ginagaya si Jason para lang  lokohin si Mitchie at gantihan sa panloloko niyo sakin!"

...

"Matagal na tayong wala Rachell. Simula ng lokohin niyo ako ni Jason. Napatawad ko na kayong dalawa. Wag mo na dagdagan pa ang kasinungalingan mo!"

*off!*

"Unbelievable!"

Dahil namatay na si Jason kaya niya sakin niya ibinibigay ang responsibilidan para sa magiging anak niya!

"M-mitchie? G-gising ka na pala."

"Kanina pa."

Shit! Narinig niyang lahat.

"Totoo ba yun?"

...

"Sumagot ka! Totoo ba yun?!"

"Mitchie, let me explain."

"Stop the car!"

"Mitchie, mageexplain ako pagdating natin ng Baguio."

"NO! STOP THIS FUCKING CAR!!"

Itinigil na lang ni Santi ang kotse. Ayaw niyang mas magalit pa si Mitchie sa kanya.

"Hey where are you going? Gabi na!"

"Wala ka nang pakialam!"

Tears are flowing down her face.

Jason! Are you behind this too. bakit mo naman hinayaan na maloko nila ako. Kasabwat kaba nila? Tsaka sino yung Rachell na yun. Bakit hindi mo siya nabanggit kahit minsan sakin? I hate You!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This I Promise You ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon