"Oh ba't ka na naman nakabusangot?! Nagmumukha kang emo dyan!""Pake mo ba?! Kung nandito ka lang para mang-asar mas mabuti pang umalis ka na bago pa kita masapak!" Sigaw ko at pinagpatuloy ang panonood ng mga tao sa cafè at kumain.
Magsasalita pa sana si Seungcheol nang biglang pinikot ni Jeonghan ang tenga niya.
"Nakita mo na ngang wala sa mood si madam kinukulit mo pa."
"A-aray ano ba?! Tinanong ko lang naman siya Hannie eh. Concern lang naman ako."
"Concern mong mukha mo!" Sabat ko. Wow concern? Galing!!
"Oh ano na naman bang problema mo? Si Jun na naman ba?" Biglaang tanong ni Jeonghan matapos nilang umupo sa harap ko at napairap na lang ako.
Inakbayan ni Seungcheol si Jeonghan at pinahinga niya ang kanyang ulo sa balikat ni Seungcheol. Kagigil nitong dalawa sa harap ko pa nakikipaglandian!
"Hindi sya." Walang gana kong sagot.
"Pwet mo wonwoo! Alam kong si Junhui na naman yan"
"Anong pwet, eh wala sya nun." Sabat ni Seungcheol at matalim ko syang tinitigan.
"Tumahimik ka Seungcheol, kiskisin ko yang gilagid mo eh!" Banta ni Jeonghan.
"Ang harsh mo naman Hannie." At nagpacute, eww.
"Wala ka bang napapansing kakaiba sa boyfriend mo Wonwoo?" Biglang pagseseryoso ni Jeonghan.
"Bakit? Wala naman ah!"sagot ko.
Sinungaling. Oo alam ko, nagkakalabuan na kame. Wala na siyang oras sakin. Di na kame masyadong nagkikita. Malimit na rin kaming magtawagan o kahit text man lang. Oo marami akong napapansin!
"Andyan ka na naman Woo hah. Sinasabi ko sayo, ilang mali na ang nagawa niyan sayo't pinapatawad mo pa rin. Open your eyes fren, ang liit na nga sinasara mo pa." Pangaral ni Jeonghan na siyang inirapan ko kahit tama naman talaga yung mga sinasabi niya.
Ehh ganun naman talaga diba? Kung mahal mo, edi papatawarin mo. Ewan ko ba, pagdating kay Jun madali akong manlambot. Ano namang magagawa ko, mahal ko eh.
"Mahal ko kasi hyung." Tanging lumabas sa bunganga ko.
Kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Jeonghan sa sagot ko at nagpatuloy na lang syang kumain at di na ulit umimik.
•••
Nag-ring ang bell at ibig sabihin ay hudyat na ng last subject namin.
"Hyung, sinong kasama mo pauwi?" Tanong ni Seokmin habang nagliligpit ako.
"Bakit, 'di ka ba sasabay sakin?" Tanong ko pabalik dahil nakatira naman kami sa iisang apartment kasama si Soonyoung at Seungkwan.
"Sorry hyung pupuntahan ko pa kasi si Jisoo, kakain kame sa labas. Gusto mo bang sumama?"
"Kakain ba sa labas o a-attend ng prayer meeting?"
"Ano ka ba hyung! Date yun, date!!"
"Oo na! oo na! Defensive mo masyado."
"Ano ba, sasama ka o hindi?"
"Aba 'wag na! Sa pogi kong 'to gagawin niyo lang akong third wheel?"
"Lakas ng hangin hah! Oh sige hyung kung ganon mauuna na lang ako. See you later mwapss." At nagflying kiss pa ang gago.
"Kadiri ka. Sige na." Sagot ko at kumaripas na ng takbo ang kabayo.
Bago lumabas ay naisipan ko munang text-an si Jun.
Junnie!!
Sabay tayo umuwi!
Hihintayin kita sa gate
kakatapos lang ng klase ko hehe
Sent 4:12 pmPagdating ko ng gate ay sya namang pag-vibrate ng phone ko. Madalian kong binuksan ang mensahe galing kay Jun.
Sorry woo busy kasi talaga ako
ngayon, tinatapos pa namin ang thesis
namin.Mauna ka na lang.
Received 4:16 pm
Ahh ganun ba?
Sige mauuna na ako
Mag-iingat ka pauwi
I love you!!
Sent 4:17 pm
Okay, sige ingat rin.
Received 4:20 pm
Ano ba yan, wala man lang bang "I love you too Wonwoo ko"? Hoyy ang sakit hah!!
Parati na lang akong umuuwi magisa, kung hindi naman magisa ang mga katropa ko kasama kong umuwi. Naiintindihan ko naman since thesis ang pinagkaka-abalahan niya pero nakakainis pa rin.
Nagsimula na akong maglakad at naisipan kong dumaan muna sa coffee shop para bumili ng pink drink. Paborito ko kasi 'to at nadadaanan ko talaga ang shop na ito pauwi.
"Good afternoon Sir!! Your usual order po?" Masiglang bati at tanong ng barista.
"Yes, please. Thank you." Sagot ko sabay bayad sa kanya.
Umupo muna ako saglit malapit sa counter at saktong pag-upo ko, ay may nakita akong pamilyar na lalake na nakaupo sa dulo. I mean dalawang lalake. Pamilyar na pamilyar.
Biglang nanikip ang dibdib ko nang marealize kung sino 'yon.
Mabilis kong kinuha ang order ko at kumaripas palabas ng shop dahil nagsimula nang uminit ang gilid ng mga mata ko.
Dumiretso ako sa kwarto pagdating ko ng apartment at sinara ang pinto. Pagsara ng pinto ay siyang pagbuhos ng luhang pinipigilan ko kanina pa.
Ang sakit, ang sakit sakit! Pilit kong binubura ang imaheng nakita ko kanina sa isipan ko. Sana 'di na lang ako dumaan doon, sana 'di na lang totoo yung nakita ko, sana biro lang ang lahat ng 'to, sana nananaginip lang ako!
Pero hindi eh, kitang-kita ng mga mata ko yung halik ni Junhui sa isang lalake.
Ang galing mo Wen Junhui!! Di ko alam na kasama na pala ang paghalik sa paggawa ng thesis! Nahiya ka pa! Sana nakipagpicture pa kayong dalawa for documentation.
Tangina mo talaga at singkit pa ang pinagpalit mo sakin! Maliit rin naman mata ko ah!! Huhuhu
Di ko alam pero isa lang ang masasabi ko...
Ang sakit, gago!
YOU ARE READING
Fate | Meanie
FanfictionFate is like a game of cards, you might think that you can play with it to get its maximum potential but... what if fate doesn't deal you the right cards?