two

22 0 0
                                    


     Nabulabog ang mahimbing kong tulog dahil sa ingay galing sa pintuan.

     Ano ba naman yan! Sabadong-sabado nambubulabog!!

"Ano ba?! Ang aga-aga pa eh!!" Sigaw ko at sinubukang matulog ulit.

"Anong maaga?! Eh tanghaling-tapat na! Bumangon ka na dyan hyung!! Tara, magmall tayo!" Sigaw ni Seungkwan sa labas.

"Ayoko ngang lumabas!!" Sigaw ko pabalik.

"Di ka ba nababagot dyan sa kwarto mo hyung? Ilang araw ka na dyang nagmu-mukmok! Hali ka na! Lawain ka pa dyan eh!"

     Isang linggo na ang lumipas simula noong nakita ko si Jun na kasama si Minghao. Oo yun ang pangalan niya. Nalaman ko 'to kina Seungkwan dahil nagtaka sila kung bakit ako umiiyak noong nakaraan.

"Gago! Wala nga kasi akong gana-"

Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Seungkwan at Seokmin.

"At bakit nasainyo ang susi ko?!"

"Sa pagkaka-alam ko hyung emo ka lang eh, 'di ko alam na tanga ka rin pala." Pangbabara ni Seokmin.

Aba gago to hah!

"Malamang ginamit namin yung spare key, remember?" Sabat ni Seungkwan at nagpose pa habang hawak-hawak ang susi.

Ang bakla.

"Sige na kasi hyung! Libre kita ng paborito mong drink, gusto mo?" Yaya ni Seokmin.

"Ililibre kita ng pizza hyung, oh ano?" Pagyaya naman ni Seungkwan.

At alam talaga nila kung paano ako mapapa-oo.

"Oo sige na lumabas na kayo, maliligo lang ako."

"Yeheyy!!" Sabay na sigaw ng dalawa't tumakbo na palabas ng kwarto.

     These past few days, masyado nang nagiging lantad ang pagsasama ni Jun at Minghao. Walang hiya 'kala mo walang boyfriend na iniwan. Sa totoo lang ayaw ko talagang lumabas kasi maliban sa baka aksidente kaming magkita ni Jun ay mas naaalala ko lang siya sa bawat lugar na pinupuntahan namin noon, oo ang corny pero ganon talaga eh. Tsk

Nung isang araw nung nakausap ko si Jeonghan,

        • flashback

"Woo, masyado na atang abusado yang si Junhui hah?! Ang kapal ng mukha at sila pa ang sabay na naglu-lunch. Aren't you supposed to claim what is yours?"

"Ano ba talaga hah? Sabi mo dati hiwalayan ko na kasi ginagago lang ako tapos ngayon may paclaim-claim what is yours ka pang nalalaman. Ang gulo mo!!" Sagot ko.

"Ehh 'di pa naman kayo nagbe-break, hindi ba? Hindi ka ba nasasaktan?"

"Noong tinanong mo ko kung may napapansin ako hyung, nagsinungaling ako kasi oo may napapansin ako. Pansin na pansin ko lahat. Sawang-sawa na ako sa mga excuses niya. Pagod na ako sa mga sorry niya. And ang makita sya ng may kahalikan na iba, I think that's more than enough reason for me to give up. Ewan ko ngaa bakit ngayon ko lang 'to narealize, siguro nga't pagod na ako magmaang-maangan."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fate | MeanieWhere stories live. Discover now