7. Memories of the past

6.1K 203 10
                                    

"Ma, hindi pa naman handa ang lahat para sa show."

Sabi ko kay Mama habang nasa harapan ko siya. Si Mama ay tila nagmamadali na ipakita ang mga bagong disenyo ng sapatos. Hindi ko siya maintindihan, pero minamadali ako ni Mama. Ito ang ayaw ko sa pamamahala ng kumpanya ng magulang ko, dahil kapag nababagot sila, nagiging mapakialam sila sa trabaho ko. Napahilot ako sa aking sentido dahil sa biglaang panggigigil.

"Pero sobrang excited kami na makita ang bagong produkto, anak," sabi ni Mama. I sighed. Alam ko naman kung gaano ka-excited si Mama at si Papa sa bagong proyekto ng kumpanya namin, ngunit hindi pa kami handa para dito.

"Ma, hinihintay pa namin si Isha. Siya ang model namin at kasalukuyan ko pang inaasikaso ang RED advertisement para dito. Dahan-dahan lang tayo, Mama." Hindi na nagsalita si Mama. Nakaupo na lang siya sa couch ko sa loob ng opisina habang nakanguso. Hindi ko na rin siya pinansin.

Naiintindihan ko naman si Mama dahil alam ko kung gaano kalaking milestone ito para sa kumpanya namin. Ito ang unang pagkakataon na magpapalawak kami. Noong una kong inalok ito sa Papa ko, nagdadalawang-isip siya dahil kababalik ko pa lang mula sa Butuan. Si Papa ay nag-aalala sa hinaharap ng kumpanya. Naalala ko pa kung gaano kahirap kumbinsihin si Papa tungkol sa offer ko, ngunit ginawa ko ang lahat para maaprubahan ito. Nag-aral ako at gumawa ng maraming research para dito. Desidido ako sa plano ko dahil iyon din ang mga panahong natagpuan ko ang Hacienda Mayora.

Kinuha ko ang intercom at inutusan si Jade na dalhan kami ng pagkain. Gusto ko rin naman makasalo si Mama dahil alam kong hindi ako makakauwi mamayang gabi. Kailangan kong makipagkita sa isa sa mga interesadong investor para sa aming kumpanya sa Zamboanga. Marami akong ginagampanan ngayon kaya hindi ko masyadong naiisip si John.

"Ma!" Tumayo ako at nilapitan si Mama. Mahal na mahal ko si Mama at hindi matatawaran ang pagmamahal ko sa kanya. Hinagkan ko siya at inilapat ang aking ulo sa kanyang balikat. "I love you, Mama," sabi ko.

Mama shook her head and kissed me on my forehead. "Alam na alam mo talaga ang gagawin, e," aniya na pilit itinatago ang mga ngiti sa kanyang labi.

"Alam ko kasing nagtatampo ka."

"Hindi naman. Naiintindihan naman kita," she sighed. "Gusto ko lang naman na magpahinga ka rin, anak, kaya inaapura ko ang showcase ng bagong disenyo." Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Mukhang nag-aalala siya.

"Bakit, Ma?" nagtatakang tanong ko.

"Gusto ko lang na maging masaya ka, Venice. Simula nang bumalik ka sa amin matapos mong maglayas, hindi na kita nakitang tunay na masaya. Ano ba talaga ang nangyari, Venice? May hindi ka sinasabi sa amin."

Napatitig ako kay Mama nang marinig ko ang mga tanong niya. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin kay Mama lahat ng nangyari at lahat ng rason kung bakit ako biglang umalis at iniwan silang lahat sa ere. Hindi ko talaga gusto ang nangyari, ngunit wala akong ibang pagpipilian. Kaya pinili ko ang sa tingin kong pinakamabuti. Pero pinagsisihan ko lahat ng nangyari at naging desisyon ko. Napakabata ko pa noon at nalukob ako ng takot para sa taong mahal ko. Ngunit, habang binabalikan ko ang nakaraan, napagtanto kong hindi ko mababago ang katotohanan na kami ay magkaibang tao na ngayon na namumuhay sa magkaibang mundo. Parang ang layo namin sa isa't isa at kahit anong gawin kong pagtatama sa lahat ng nangyari, hindi na mababago ang lahat.

"Ma!" Tumawa ako, hindi ko hinayaan na maiyak ako sa harapan ni Mama. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? I am just fine." Pagsisinungaling. I smiled at her to cover up the pain. Ayaw kong mahalata ni Mama na nasasaktan ako.

"Venice—"

"Miss, I already have your food." Napatigil si Mama nang magsalita si Jade na may dalang pagkain. Ayaw ko nang mag-usisa pa si Mama. I really need to divert the topic.

Chasing John (Dark Past 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon