11. Be mine again

6.4K 188 19
                                    


Sta. Barbara is a beautiful place. Marami kaming pinuntahan nila John bago kami tumungo sa bahay ng kaibigan nito na si Eanus Garcia. Si Eanus Garcia ay ang mayor ng Sta. Barbara. Kapansin-pansin ang pagmamahal ng mga tao sa kanilang mayor.

May mga parada sa kalsada. Maraming banyaga ang naglalakad-lakad sa nasabing lalawigan. May nabili rin kaming mga souvenirs na pwedeng pangregalo sa mga kaibigan namin sa Metro. My heart was filled with joy and happiness. Parang bumalik ako sa pagiging bata. John was also enjoying. Kanina ko pa napapansin na panay ang pagngiti nito at paghawak sa mga kamay ko. Nang mapagod kami sa kakalibot sa Sta. Barbara, napagpasyahan na namin na puntahan ang bahay ng kaibigan niya. Sabi ni Manang Betty, maraming nakakakilala kay John sa lugar nila, lalo na ang mga kababaihan. Dinudumog din ang nasabing mayor na kaibigan ni John dahil sa angkin nitong kakisigan.

Nang marating namin ang mansyon ng mayor, sinalubong kami ng mga tauhan nila. Pinatawag din ng mga ito si Mayor Eanus at hindi nagtagal ay bumaba ito kasama ang isang magandang babae. Nakabusangot ang mukha nito habang panay ang kurot sa braso ng mayor.

"Welcome to Sta. Barbara, John and Miss Delallana," bati ng mayor.

Ngumiti ang kasama nitong babae sa amin pati na rin ang mayor na may makahulugang ngiti na nakapaskil sa labi nito.

"Hi, I am Venice Cai Delallana. Thank you for inviting us here," sabi ko.

"Ako nga pala si Janedil. Nice to meet you."

Naglahad ng kamay ang babaeng nagngangalang Janedil at agad ko iyong inabot. Tumango lamang si John kay Janedil ganun na rin si Manang Betty. Hindi namin nakasama si Manong Pideong dahil walang maiiwan sa Hacienda.

"Imari is my fiancé," dugtong ni Eanus. Muli ay bumusangot si Jane dahil sa sinabi ng binatang mayor.

Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Inaya na kami ni Mayor Eanus na kumain. Sa may pool area kami nagpunta. May nakalatag na malaking table doon. Maraming inihandang pagkain si Eanus. Naupo na kami at nagsimulang kumain. John was sitting beside me. Nasa tapat ko naman si Jane na ganadong-ganado sa pagkain. Katabi ko rin si Manang Betty na nasa right side ko lang, sa left side kasi si John.

"Masarap ba, Venice?" tanong ni Janedil sa akin, tinutukoy nito ang chicken caldereta na nasa plato ko. Paborito ko kasi iyon.

"Oo, masarap, kalasa ng luto ng mama ko," tapat na sagot ko.

"Ay, perfect! Ako ang nagluto n'yan," sabi ni Janedil.

Nalaman ko na isang chef si Janedil sa isang restaurant sa Metro at doon din daw sila nagkakilala ni Eanus.

"Try the cordon bleu," si John, nilagyan nito ng ulam ang aking plato.

"How was the business, Guanzalo?" tanong Eanus kay John. Inilatag muna ni John ang plato sa mesa bago hinarap ang mayor.

"It's just fine, Garcia. I already talked to Karl Angelo about the proposal. He seems to be interested."

Tumango si Eanus. "How about the preparation of the wedding?" tanong muli ng mayor.

Natigilan ako dahil sa naging takbo ng pag-uusap. Inabot ko ang aking juice at ininom iyon. My throat became dry. Nagpatuloy ako sa pagkain, pilit kong iniignora ang pag-uusap nila. Nakaramdam na naman ako ng sakit at guilt dahil hindi tamang ako ang kasama ni John. It should be Blythe.

"Maayos naman ang lahat. Blythe is taking care of it," sagot ni John sa kaswal na tono.

"You should help her in planning the wedding. Magiging asawa mo na siya kaya dapat na mas tulungan mo siya," anang mayor Eanus.

Chasing John (Dark Past 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon