Chapter 2: RC's Dream

20 0 0
                                    

AUTHORS NOTE: This is a flashback. Bago pa man mangyari ang nasa previous chapters ay nangyari na po ito at napaniginipan lang muli ni Rishima.

Enjoy!

RISHIMA'S DREAM

Magandang araw at tinext ko agad si Jared.

Compose Text Message
To: Babywabs
Goodmorning! I'll see you later. Iloveyou!

Message Sent!

Tumayo na ako at naghilamos para makababa na.

Naabutan kong nandoon na si Mommy, Daddy at Kuya sa table.

"Good Morning!!" masiglang bati ko sakanilang lahat at nagsimula na kaming kumain.

"Dad, birthday ngayon ni Jared. And I wanted to tre---" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na kaagad si Daddy.

"RC, as soon as possible I want you away from Jared." seryosong sabi ni Dad

Kumunot ang noo ko at namuo ang galit at inis sa katawan ko

"What?! Why?! You cant do that!"

"Magagawa ko yun dahil tatay moko at susunurin mo ang kagustuhan ko!" dad said.

Sumingit si Mom kaya natigil kami.

"Okay, RC! Papayagan kitang lumabas. Pero hanggang mamayang 5 ka lang pwede!"

Niyakap ko si Mommy at tsaka tumakbo paakyat at doon na bumuhos lahat ng luha ko.

Nagpahinga ako ng kalahating oras para hindi halatang naiyak ako.

Pagbangon ko naman ay nag-ayos na kaagad ako.

Maya maya tinext ako ni Jared na nakabihis na sya. Nagsuot na ako ng sapatos at kinuha ang regalo nya.

Text Message
From: Babywabs
12:10P.M.
Hello Rish! Nandito na ako sa baba nyo. Take your time :)

Napangiti ako sa message nyang yun at after a few minutes ay bumaba na ako.

Nagpaalam na ako kay Mommy at Kuya. Hindi na ako nakapagpaalam kay Dad kasi nasa Home Office sya.

Ginamit namin ang kotse ko pero sya ang magd'drive.

Pagsakay namin ay kinantahan ko sya ng happy birthday sabay abot sakanya ng regalo kong iPhone 5s.

Lumiwanag naman ang mukha nya at niyakap ako.

"Salamat Rish. Pasensya na kung hindi ko kayang magregalo sayo ng ganito kamahal.." malungkot na pagkasabi nya

"Ayos lang yun." sabi ko at ngumiti

Nung makarating kami sa mall ay kumain kami at nanood ng sine. Naglaro din kami ng arcade pagkatapos nun.

Maya maya pumunta kami sa park at yun yung last na dinaanan namin. Habang nakaupo ay kumakain kami ng ice cream.

"Rish, alam mo namang hindi ako galing sa mayamang pamilya kaya pinapalayo ako sayo.. Pero sana wag mong suwayin ang Dad mo sa gusto nya.."

"Ayos lang sakin yun. As long as its for me and you. Happy Birthday!" saka ako ngumiti ng malawak. Sinuklian nya ako ng ngiti pero halatang malungkot sya.

Pagtapos namin magkwentuhan ay napagpasyahan ko na malapit na mag 5p.m. kaya inaya ko na si Jared umuwi.

Dinaan lang namin ang kotse ko sa bahay at hinatid ko sya sa sakayan ng subdivision.

Washable FeelingsWhere stories live. Discover now