De-Miya 2

5.3K 191 21
                                    


*****

"Sobrang sikat ng ate mo sa school na to pero ikaw nagmumukmok ka lang."

"Magkaiba naman kasi kami Troy. Kahit nung highschool ako ganito na ako." Sagot ko sa kaklase ko.

"Demi's so hot and beautiful!  Babae man o lalaki napapalingon sa kanya! Nakakahiya mang aminin pero crush ko sya!" Anito. I shrugged, lahat naman ng nakakausap ko dito sa school ganun palagi ang sinasabi. Ang hot daw at ang ganda ni ate. Crush daw nila si ate.

"Baka pwede mo ako ipakilala sa kanya. Please Miya...." Umiling ako. Ni ako nga eh di gaanu makalapit sa kanya. She hated me so much sa di ko alam na dahilan.

"Ikaw na lang makipagkilala sa kanya Troy." Kako.

"Arte mo naman. Kapatid mo nga eh kaya ako nagpapatulong." Anito pa. Tsk! Kung umasta ito kala mo di lalaki.

"Di porke kapatid ko ay may magagawa na ako sayo." Sagot ko at naiirita na ako.

"Baka naman kasi totoo na di kayo close ng ate mo? Na ipinapahiya ka pa nya sa mga kaibigan nya. How sad..." Anitong umiiling iling. How dare him! Tumayo na lang ako at tinalikuran sya. Wala akong panahon sa taong tulad nya.

"Hey!"

"Ate Jim!"

"Yeah. How are you?" Anito at niyakap ako.

"Im fine ate...." nakangiting sagot ko.

"Mukhang ginugulo ka ng lalaking yon." Anito at itinuro si Troy.

"Nakakainis nga ate. Crush nya si ate Demi tapos gusto nya tulongan ko daw sya para makilala nya si ate. Nung sabi kong di ko sya matutulongan eh ininsulto ba naman ako." Nakangusong sumbong ko.

"Tsk! Akong bahala sa batang yon." Anito at nilapitan si Troy. Sinundan ko na din sya.

"Opo! Opo! Sorry po. Di na po mauulit!" Naabutan kong sinasabi ni Troy kay ate Jim.

"Goodboy...!" Ani ate Jim naman habang hinahaplos ang bumbunan ni Troy.

"Anung nangyari?" Naguguluhang tanong ko.

"Ano ang dapat mong gawin little boy?" Nakapamewang na sabi ni ate Jim kay Troy.

"Miya, Im sorry sa sinabi ko kanina. Di na mauulit." Parang maamong tupa na sabi ni Troy sa akin. Tsk! Tinakot siguro ni ate Jim. Tinanguan ko na lang.

"Pwede ka ng lumayas!" Ani ate Jim kaya nagmadali namang umalis si Troy. Ngumisi naman sa akin si ate Jim.

"Tinakot mo naman yong tao." Nakangusong sabi ko.

"He deserved it Miya." Anito at hinawakan ako sa kamay. "Tara sa canteen. Meryenda tayo." Anito at hinila na ako.

Nadaanan naman namin si ate Demi at mga kaibigan nya na nakaupo sa bench. Madilim ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Yumuko na lang ako. Di ko naman na sya kinakausap kaya anu pa kaya ang problema nya sa akin?

*****

"Miya!" Napalingon ako kay ate. Sobrang lakas ng pagtawag nya sa akin kaya nagsitinginan ang ibang estudyante sa akin at sa kanya. Di ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Umiiwas na nga ako. Anu pa ba ang gusto nya? Saka tapos na ang break ko. Kailangan ko na pumasok sa susunod na subject ko.

"Miya!" Ayan nanaman! Tumakbo na lang ako ng mabilis at sa cr na ako dumeretso. Di naman ako maabutan nun.

Pagkatapos kong umiihi ay lumabas na ako ng cubicle.

"A-ate!?" Nagulat ako dahil nadatnan ko sya na nakasandig sa dingding malapit sa salamin.

"Tinatawag kita pero di mo ako pinapansin! Ginagalit mo ba ako?" Salubong ang kilay nyang nakatingin sa akin.

DE-MIYA [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon