De-Miya 6

3.1K 139 27
                                    

"So finally, youre giving him a chance now?" Ani ate Jimini. Nasa bahay namin sya ngayon.

"Yes ate Jim. Wala naman sigurong masama di ba?" Sagot ko.

"Ye-yeah." kumibit balikat ito. " Kung sa tingin mo ay sincere naman sayo, basta kung anu yong nararamdaman mo sa kanya. Pero may nararamdaman ka ba sa kanya?" tanong nito.

"Sa palagay ko oo kasi magaan ang loob ko sa kanya at kumportable ako. Masaya ako pag kasama ko sya. Nasa kanya ang katangian ng lalaki na pinapangarap ng isang babae." Tila nangagarap na sabi ko.

"Gusto mo nga siguro sya, pero wag ka pa din padalus dalos ha?" bilin nito sa akin. "Alam mo kapatid na ang turing ko sayo at ayukong mapahamak o masaktan ka." Dagdag nito na nagpaluha sa akin. Buti pa ito concern sa kanya, samantalang ang ate Demi nya ay walang pakialam sa kanya. Pag merun lang di nagustuhan, don lang siguro makikialam.

"Salamat ate Jim. Ate na din ang turing ko sayo." Kako at niyakap sya.

"Tsk! Anong drama yan!?" Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si ate Demi pala at salubong ang kilay. Anu nanaman kaya problema nito at balak pa yatang mandamay.

"Nagkukwento lang naman si Miya." Ala lang na sagot ni ate Jim. Lumapit naman sa amin si ate Demi.

"At anu naman pinagkukwento mo?" Anitong nakataas pa ang kilay. Seryuso? Kaylangan pang pagtaasan ako ng kilay?

"Si.. si Albert." Medyo utal na sagot ko.

"At bakit yong mokong na yon?" Anitong lalong nagsalubong ang kilay.

"Kwan.. Bibigyan ko na sya ng chance..." naningkit naman ang mga mata nito sa sagot ko.

"Diba sabi ko sayo, ayuko sa lalaking yon!" Gulat kami pareho ni ate Jim sa pagtaas nito ng boses.

"Demi..." Sinubukan itong pakalmahin ni ate Jim pero iwinaksi lang nito ang kamay ni ate Jim.

"Bakit di mo ako sinusunod ha!?" Nagbabaga ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Nalilito naman akong nakatingin sa kanya.

"Ano bang problema don ate! Ako naman ang makikipagrekasyon hindi ikaw! Maayos kaming dalawa ni Albert! Mabuti sya sa akin!" Di ko na din mapigilan ang pagtaas ng aking boses.

"Miya!" anitong nanggagalaiti. Kuyom ang kamao na para bang gusto nitong manuntok. Gusto nya na din ba akong saktan?

"Wala ka namang pakialam sa akin ate diba? Kaya bakit mo ako pinapakialaman ngayon? Di rin naman kita pinapakialaman dahil alam ko namang mabigat ang loob mo sa akin sa di ko alam na dahilan. Desisyon ko to! Buhay ko to!" kita ko ang pagdaan ng parang sakit sa mata nito, ewan ko kung namamalikmata ako pero di ko na binigyan ng pansin. Tinalikuran ko na sila at nagtungo na sa aking kwarto.
Dumapa ako sa kama ko at umiyak.
Di ko maisip kung anung dahilan at ganun na lang kabigat ang loob ni ate Demi sa akin. Wala naman akong ginagawang masama o kontra sa kanya para ganun sya sa akin. Ayaw nya ba ako dito? Tutol ba sya sa pag ampon nina mama sa akin?

******

Naalimpungatan ako nung maramdaman kong magbukas ang pinto ng kwarto ko. Si mama pala. Nakauwi na pala ito. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog.

"Akala ko di kapa magigising nyan anak. Gigisingin na sana kita para maghapunan na. Kanina kapa tulog." Anito at umupo sa kama ko.  Ngumiti ako sa kanya. Inabot nito ang ulo ko at hinaplos.
"Bakit ganyan mga mata mo? Umiyak ka ba?" Pagkway tanong nya sa akin.

"Sorry ma, merun lang kaming di pinagkaunawaan ni ate Demi." Sagot ko.

"May ginawa nanaman ba sya sayo?" Nag aalalang tanong nito.

DE-MIYA [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon