« (y/n) means your name, (y/nn) means your nickname, (y/fn) your friend's name »
Isa ka sa mga bago sa paaralan niyo, hindi mo gaano kakilala ang iba mong kaklase.
Naisipan mong pumunta sa canteen para bumili ng makakain at maiinom, ng makita mo ang isang lalaki na nagiisa sa table ng canteen.
“Uy, okay ka lang? Sorry sa istorbo.” tanong mo sakaniya.
Hindi siya umiimik, lutang kung baga.
“Huy!” sabagay hawi ng kamay mo sa harap ng mukha niya.
“Ha? Eh — ano?”
Lutang nga.
“HAHAHA. Sabi ko kung okay ka lang ba? Err, (Y/N) nga pala” At inalok mo ang kamay mo sakaniya.
“Aish, HAHAH sorry ah? Lutang talaga akong tao eh. Lalo na kung wala namang kumakausap sakin” Napakamot ulo siya pagkatapos ng sinabi niya.
“Ahh, ano name mo?” Tanong mo.
“B – blaster, Blaster Silonga. (Y/N) right?”
Napangiti ka ng naalala niya ang pangalan mo.
“Yup!” Masigla mong sabi
“Parang ngayon lang kita nakita dito?”
Oo, transferee ka lang sa school mo.
“Eh bago lang ako dito, ikaw ba?”
“Ah ganun, matagal na ko dito. Masaya dito promise! Mageenjoy ka lalo na pag nagkaroon ka ng mga classmates na masayahin, gaya ko hehe”
Napangiti ka sa sinabi niya. Nagusap muna kayo saglit. Ng tignan mo ang iyong relo nakita mo na malapit na pala magtime at inubos mo na rin ang kinakain mo.
“Uy Blaster, akyat na ko ah? Baka malate ako sa una kong class eh.”
“Sure, Ter nalang. Bye”
Nginitian mo siya at saka umalis. Nasa hallway ka na ngayon at nakita mo ang dalawang babae na nasa harap ng room niyo.
“Hello! Ikaw yung bago diba? (Y/N) name mo right?” Tanong ng babae sayo na kulot ang buhok.
“Ay paano mo nalaman yung name ko? HAHA pero oo. Ikaw ano name mo?”
“Shanne, Shanne Dandan. Eto naman si Chy Lumagbas friend ko”
Ngumiti sayo ang Chy na sinasabi ni Shanne sayo. At inalok ang kamay niya para makipag shake hands. Nakipag shakehands ka rin sakaniya.
“Tara, pasok na tayo sa loob ng room” Alok ni Shanne, at pumasok na kayo sa room.
Narinig mo na may apat na lalaking nasisigawan papunta sa room niyo.
“ANJAN NA SI MS. CERTEZA!” Sigaw ng isa sakanila.
“Uy guys! Nanjan na daw. Sit properly na dali!” Sabi ng isang babae na straight at maiksi ng kaunti ang buhok.
Ng biglang pumasok ang apat na lalaki. May matangkad na nakasalamin at may bangs, may isa na mataba ang pisngi pero ang cute tignan, may isa na kulot ang buhok, at ang panghuli. Si Blaster Silonga
Nagulat ka ng makita mo si Blaster, hindi mo inaakala na kaklase mo pala siya.
“Ter!” sigaw mo sakaniya.
“Huh? Uy (Y/N) ikaw pala yan! Kaklase pala kita” Bigla niyang ginulo ang buhok mo na dahilan upang maginit ang mukha mo.
Nagsiupuan na kayo dahil nanjan na rin ang inyong guro, nagpakilala ka rin sakanila.
Uwian niyo na ng bigla kang inalok ni Blaster na sumabay sakaniya pauwi.
“Hey? (Y/N) Pwede ka ba sumabay sakin pauwi? Kung pwede lang naman”
“Sure” at ngumiti ka sakaniya.
Malapit na kayo sa bahay mo.
“Dito na ko” sabi ni Blaster
Malapit lang pala ang bahay nila sainyo.
“Dyan ka lang? Dun ako sa pulang bahay eh. Lagpas ng hmm, 4 na bahay”
“Oo alam ko, nakikita kaya kita” Napatawa siya sa sinabi niya.
Kilala ka na pala ni Blaster.
“Gusto mo dito ka muna? Gawa tayo ng homework?” Alok niya
“Hmm, sige” at ngumiti ka.
Pumasok na kayo sa loob ng bahay nila.
“Wala kang kasama dito?”
“Wala. Nasa ibang bansa sila mama at papa. Kaya ako lang magisa pero nagpapadala naman sila kahit papaano.”
Gumawa na kayo ng homework. Ng maisipan niyang kunin ang gitara niya
“Marunong ka kumanta?” Tanong niya sayo.
“Uhmm. Medyo lang”
“Kanta tayo? Alam mo yung Miracle Aligner?”
“Hala! Oo! Favorite song ko yun!”
Napatawa siya sa sinabi mo.
“ Tell me what you need, ohh. Come on Miracle Aligner go get them tiger. ”
Kumanta kayo, at nagustuhan mo ang boses niya. Hindi mo namalayan na bumibilis ang tibok ng puso mo sa bawat ngiti niya. Gusto mo na pala siya. Oo, gusto mo na siya agad dahil sa ugali niya. Naisip mo na sana gusto ka rin niya.
“(Y/N)?” Tawag niya sayo.
“Oh, bakit?”
“Alam mo ba na..”
“Na ano?”
Nagiinit ang mukha mo dahil parang gusto ka din niya.
“Gusto kita. Matagal na, crush kita. Naririnig ko yung pangalan mo kaya alam ko. Pag nakikita kita ang saya ko. Nagulat ako nung naging kaklase kita at parehas tayo ng school. Hindi lang pala crush, mahal na pala kita.”
Lalong naginit ang mukha mo sa mga sinabi niya.
“Gusto kita. Mahal kita. (Y/N) gusto mo rin kaya ako?”
“Oo, ter. Nagustuhan kita agad dahil ang bait ng pakikitungo mo saakin.”
Niyakap ka niya bigla na mas lalo kang namula at napangiti.
“Mahal kita.” bulong mo sakaniya.
“Alam mo namang mas mahal kita diba?”
***
[A/N] So ayun, ang pangit pa😂 Ang korni din sorry. Wala pa ako gaanong idea eh. Pero ayun sana naenjoy niyo mga cofan members ko!❤️ Pwede kayo mag request sakin. Hihi

YOU ARE READING
« iv of spades ° imagines »
Teen FictionHello! I hope maenjoy mo to😊 After ng kay Zild gagawa na ko ng fanfic about IVOS ❤️ Hoping na sana dumami makabasa 😂 So yun enjoy reading spaders♠️