Chapter Four (4)

3 1 1
                                    

[A/N: Uhmm....yung friend po nila Allison, yung si Aya, hindi po Ayii, kundi Aya. Sorry po sa typo]



Chapter Four (4)



Marco's PoV

"Ikaw nga siguro yung baliw eh, maka-react wagas" singhal niya tsaka sinipa ang ilalim ng mesa namin at dahan-dahang tinalikuran kame

"Hoyy! Bakla hintay!" habol ng baklang kasama niya, huminto pa muna siya sa harap ko at ngumisi "Hey Handsome!" bati niya sakin habang hawak ang dibdib ko. Padabog ko namang inalis yun

'Malanding bakla!'

Sandaling tinanaw ko muna ang table nila Riza tsaka umupo sa table namin

"Dre! Why did you do that?" tawag sakin ni James

"Did what?" pag-paamang-amang ko

"That thing....." sabi niya na may halong aksyon "Yang pag sigaw-sigaw mo sa babae kanina"

"Eh ano ngayon?" tanong ko "Isa pa dre di siya mukhang babae! Para siyang lalaki" singhal ko tsaka sinimulang kumain

"Lalaki? Sa ganiyang sout?" sabi ni Ian sabay turo kila Riza. Agad ko naman itong tinanaw

Nakatalikod siya sakin kaya di niya ako makita, abala rin sila sa paguusap kaya hindi nila napansin ang paningin ko sa kanila. Tulad nga ng sinabi ni Ian tinignan ko ang kabuuan ni Riza, naka 3/4 sweater siya na kulay black, nakaladlad ang mahaba niyang buhok na may head band na red, naka chekered na skirt na kulay black with red na hindi lampas sa tuhod ang haba din, tsaka naka high-cut na converse na kulay red

'Tsk....kahit ganyan di parin ako naniniwala na babaeng babae siya'

"Oh ano dre?" nakangiting aniya "Magandang chicks yun!!!" asik niya, siniringan ko nalang siya ng mata

"Ulol! Alam mo naman isa lang ang babaeng mahal ko eh!" aski ko, tumawa naman siya "At yan ang uniform nila!" mas nilakihan ko ang boses ko para mapunta ang attention sa amin, tinignan ko naman yung table nila Riza pero ganun nalang ang gulat ko ng magtama ang paningin namin. Agad ko naman itong inalis

"Ahyy! Oo nga dre" napahiyang sabi niya "Pero dre...." di niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang tumawa

"Ano?"

"Para kang babae kung magreact kanina ha? Ganyan ba epekto sa pagpapagaling? Nag-iinarte?" sabi niya at tumawa ng malakas

"Ulol! Anong babae?"

"Ikaw! Para kang babaeng mag react kanina. HAHAHAHAHA!" sabi niya. Binatukan ko namn siya ng empty bottled water, at saktong tumama yun sa ulo ng isang lalaki. Tumingin ang lalaki sa gawi namin at sinamaan kame ng tingin

"Sinong naglakas loob na ihagis yung plastik na yun sakin?!" sigaw niya kaya napunta naman ang atensyon sa kanya habang nakatingin sa table namin

"A-ak----" naputol ang sasabihin ko dahil naunahan ako

"Ako!" sigaw naman ni Riza. Agad na nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya. Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil inako niya ang kasalanan ko

"Alli?" sabi nito na agad tumungo "Sorry, hindi ko sinasadya na pagtaasan ka ng boses" malumanay na sabi niya, nagulat naman ako sa inasta ng lalaki. Medyo may kalakihan sa katawan ang lalaking ito kaya, ganyan lang ang gulat ng bigla ito napa-atras sa isang Riza

"Okay lang" walang emosyon sabi niya at tinlikuran tsaka nagpatuloy sa pagkain niya

Napaamang naman akong tumingin sa paligid, halos mapa-talon ako sa gulat ng lahat napako ang paningin sakin. Dahan dahan akong umupo at yumuko

Untold SecretsWhere stories live. Discover now