[Didicated this chapter to AkosiAteM. Thanks for making my cover. Love lots😘💖]
Chapter Five (5)
Katy's PoV
Nagising ako dahil sa liwanag na umiinit sa mukha ko. Bumangon ako at kinusot-kusot ang mata ko
"Ahhh, ang sakit ng ulo ko" ungol ko. Totoong masakit ang ulo ko. Hinimas himas ko pa muna ito bago nagmulat
"Ahhhhh~~~~~~~"
Allison's PoV
Nagising ako saktong alas sais ng umaga. Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Pagkatapos kong maligo bumaba na ako para sa agahan. Medyo hindi ako nasanay sa ganitong klaseng agahan, ang nakasanayan ko is sunny-side up, tuyo at garlic rice
"Good morning iha" hindi ko inaasahang babati si tito. Ngumiti nalang ako at nag bow
"Good morning din tito" masiglang bati ko, tinanguan niya lang ako at sumenyas na maupo
"How's school?" pagbabasag ni tito sa katahimikan, inilapag ko muna ang tinidor at maliit na knife tsaka umayos ng upo bago sumagot
"Okay lang naman tito" tumatangong sabi ko "Uhm...medyo nahihirapan lang sa Math at Geography" patuloy ko, ngumiti si tito
"Thats good! Anyway,about Math and Geography, may marami akong libro sa study room at lahat yun ay with categories. Mamaya ibibigay ko sayo ang susi doon at hanapin mo yung kategoryang yun okay?" tumango nalang ako bilang sagot at nagpatuloy na sa pagkain
"Uhmm....tito?"
"Yes iha?"
"Tito kayo nalang po muna bahala sa mga kaibigan ko, aalis napo ako" paalam ko, ngumiti lang siya at tumango
"Sure iha. Mag ingat ka" sabi ni tito at nag beso kame. Naglakad na ako papuntang parking lot at ganun nalang ang gulat ko na makitang blangko ang garahe ni tito. Hinanap ng mga mata ko si Alien [A/N: Al-yen po ang pagbigkas . Alyen]
"Tito?!!" tawag ko kay tito, walang sumagot
"Ahh....maam nadun po sa office niya" hindi ko na nilingon kong sino ang nagsalita, dumeretso na ako sa office ni tito. Hindi na ako kumatok at deretso na pumasok
"Wh--Oh iha? What are you doing here, diba sabi ko bago pumasok kumatok muna" ma-awtoridad na sabi ni tito. Humakbang ako ng kaunti at nagsalita
"Tito nakita niyo ba si Alien?"
"Sinong Alien?"
"Ayy. I mean yung motor ko po"
"Ahh, yun ba?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni tito "Nasa Car Wash, ang rumi na kasi kaya pinadala ko" nakahinga naman ako ng maluwag "Kung nabahala ka dahil late kana, you can use my car" sabi ni tito, agad niya namang binigay ang susi sa kotse niya
"Eh tito, blangko po yung garahe niyo"
"Baka nadon sa labas ng Mansyon" sarkistong sabi ni tito napa ngiwi naman ako. Tumango ako bilang paalam tsaka lumabas sa kwartong yun
'Wala paring pinagbago si tito, sarkisto parin'
Sinimulan ko nang magmaneho patungong University. Marami akong nadaanang maliit na tindahan hanggang sa mga building then bumalik na naman sa maliit hanggang sa building. Ibinalik ko ang paningin ko ko daan, tinignan ko ang relo ko at masyado pang maaga kaya lumiko ako at nagtungo nalang sa bahay namin. Pero sa di kalayuan may nakita akong tatlong sasakyan sa harap ng bahay. Hininto ko muna ito at bumaba, lumapit ako ng kaunti at nanlaki bigla ang mga mata ko ng makita ang grupo nila oscar
YOU ARE READING
Untold Secrets
ActionSecrets that not yet untold! Ano nga bang nangyari? Malalaman kaya ni Allison ang tunay na secreto? Abangan....