=Paulo's POV=
"Hala baka bawian ako nun sa play. Siya pa naman yung witch don :-/" sabi bigla ni Paulene.
Oo nga pla ako Prince sa play. Di ba yung Prince ni-kiss nya si Snow White nung nilason siya nung wicked step-mom nya tapos nabuhay na siya.
So dapat walang ikatakot yung Princess kasi, a true love kiss will always break an evil spell. haha
"Ehem, ako kaya ang Prince Charming mo Paulene,so you don't have to worry."
Pero sana ako na nga ang prince mo kahit sa real life. Na-love at first sight ata
ko sa'yo… sa isip ko lang po yan, gusto ko sana idagdag kaso wag na. Sobrang awkward na ata kung sasabihin ko din yan.
After ko kasi sabihin yun sa kanya hindi na siya nakapagsalita. Mejo nag-blush pa tae.
Tama kaya yung iniisip ko ? hays nakakabakla yung mga sinasabi. It's so not me grrr. Nagiging assuming na ko ah haha. Bakla ampupu
Pakana ko din kung bakit siya yung naging Snow White.
*flashback
"Mam I nominate Paulene Santiago and I close the nomination" haha sigaw ko sa room, pagkasabi ko nun, gumawa ako ng sulat sa papel.
MGA POGI AT MAGANDA KONG CLASSMATES, IBOTO NATIN SI PAULENE AS SNOW WHITE. I-TREAT KO KAYO AFTER PLEASSSSSEE
After ko isulat yan, pinasa pasa ko na sa mga classmates ko sa room since maliit lang naman yung papel hindi yun napansin ni Paulene maski si Mam. Yung mga nanominate kasi pinapunta sa unahan kaya ayun.
"Ok let's now vote. Who will vote for Lea, raise your hands ?" panimula ni Miss Angela at tuloy tuloy na.
Nung si Paulene na ang natawag nag-ehem ako tapos lahat na ng classmates namin nagtaas ng kamay pwera sa mga bumoto sa ibang nominees for Snow White role.
Ang galing ko bwahaha :D
*end of flashback
Ayun na nga ang tagal ng katahimikan namin. Awkward talaga. Shet lang, baka mailang siya sa sinabi ko.
"haaaaaaay! Bakit kasi isa pa ko sa dwarfssss. Imbyerna naman. Pinagtulungan nyo ko ehh. Tong beauty kong to, dwarf lang ang peg.. grrr kaazzZZaaarrr >____<" pambasag sa katahimikang sabi ni Gerald. Buti nalang haha
"Hahaha okay lang yan no, kaw naman si Happy dwarf, ikaw pampaGV sa amin, yaw pa mo ? haha." sabi ni Paulene at nakangiti pa. Shet lang ang ganda niya.
Si Paulene kasi kung titignan mo, mukhang mataray, di friendly , suplada. Pero mga dudes, yung smile niya, ang ganda tapos halata mong hindi pilit yung ngiti. Yung eyes nya na naka-smile din pag naka-smile siya. Yung mukha niya na maamo pag nagsusulat sa notebook.
Ay grabe buti na lang seatmate ko siya para makita ko bawat galaw niya. Lalo na ngayon nag-blush siya. Halatang halata na nag-pink yung pisngi niya kasi maputi siya.
"Tara bhes sabay na tayo uwi." sabi ni Paulene kaya nagising ako sa pangangarap.
"Ay sige bhes gora na tayis. Baka maabutan pa tayo ng julan. May payong ka bang na-carry jan"
"Oo naman no, papagalitan ako nila mommy pag wala akong dala."
"Sabay na ako senyo hanggang kanto ^____^" sabi ko para di masyado ma-ilang si Paulene sa akin.
"A-ahh eh sige sabay na tayo. Tara na ? tayo na lang kasi natira sa room eh"
"Tara :)" lively ko talagang sinabi yan para mawala na yung ilangan diba. Tapos nag smile pa ko ng pagkatamis tamis haha wala eh. Pogi eh.
Sa daan...
"Oh pano ? gang dito nalang ako." Paalam ko sa kanilang dalawa.
"Sige Paulo, ingat ka, tara na bhes"
"Bye fafa Paulo, umingats 24/7 huh ? Lovelovelove haha."
Haha saya talaga kasama ng dalawang to. Pero I really won't forget that awkward moment with
Paulene Santiago ....
----------
a/n : Hi guys (^o^)/ ... pasensori kung maikli po :)... comment naman kayo.
BINABASA MO ANG
Relationship Status (On going)
Short StoryMy own story :) Para sa mga gustong kiligin ng very very light <3