=Paulene's POV=
Practice na namin para sa play. At oo, wala na akong nagawa ako na nga..
Ako na nga si SNOW WHITE. (-3-)
Yung scene muna na ipractice namin is yung first met namin ni Prince Charming which is played by Paulo. Yung sa well tapos kumakanta si Snow White with the birds.
Tapos si Prince Charming naglalakbay that time tapos maririnig niya yung song ni Snow White tapos lalapitan niya.
blah blah blah
Binabasa ko kasi yung script namin. Kakanta nga pala shemay (__ __ l|l)
So help me God ...
"Ok mga pogi at magaganda, start na tayo owkey?" sabi ng bakla na mag-assist sa amin sa practice.
"YESS MADAM!" sabi naming lahat.
"asan na si Snow White ?" hala hanap na ko ni Madam.
Lumapit ako kay madam tapos tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Sabay nakataas ang kilay na sinabing ...
"You're the Snow White ? eh hindi ka naman kagandahan. Mas ok pa yung gaganap na witch oh." tapos tinuro niya si Chelsea.
ok edi siya na maganda tss. Akala ba niya ginusto ko to.
Napayuko nalang ako sa pagkapahiya kasi ang lakas talaga ng pagkasabi niya nun.
"Excuse me mr./madam or whoever you are, we paid you to help us with the play not to insult some of the characters specially HER, so if you mind let's start the practice."
Nagulat ako ng sinabi yan ni Paulo na ngayon ay nasa harap ko na. Grabe nose bleed kaya ako dun.
Natameme naman si Madam sa sinabi ni Paulo kaya ayun nagpractice nlng kami. Naging swabe naman yung practice.
Natapos namin hanggang sa nakita na ng dwarfs si Snow White.
"Okay guys ! Let's call it a day. Yung practice pala natin is every MWF after class. So magdala na kayo ng extra shirt at snacks nyo ok ?" sabi ni madam sabay umalis na.
"Ang warla ng baklang yun naku kung di lang ako takot maexpell wititit kong inurungan yun, jojombagin ko talaga sa feslak at ng ma-sight niya ang dapat ma-sight. Kalerkey ang eksena kanina. Ok ka na ba bhes ?" concern na tanong sa akin ni Gerald.
"Keri lang bhes :).. ako pa ba ?" sabay ngiti ko tapos nakita ko si Paulo nag-aayos ng gamit.
"Uy Paulo thanks nga pala sa pagtatanggol kanina, natameme siya sa'yo eh haha. Pero kung di mo yun siguro sinabi baka di na ko nakaahon sa pagkapahiya."
"Sus wala yun, friends tayo kaya di ko hahayaan na may manakit sayo OK ? Ako na ang GUY Bestfriend mo. okay lang ba ?" Sabi ni Paulo sa akin.
"Haha dalawa na bestfriend ko ^___^ yay !. Yung isa Gay, yung isa Guy. That's awesome :)))" hahaha saya lang bestfriend ko na crush ko.
Shhhh ! wag kayo maingay ah. Alam ko namang alam nyo ng crush ko siya pero wag kayo maingay please...
Biglang lapit naman si Gerald.
"Oh ano meron ditey ? bakit ang saya nyo tapos wala ako. Ano toh ?"
"Haha bestfriend ko na kasi si Paulo :). Wag ka magtatampo ahh. Guy bff ko siya pero syempre ikaw ang orig bff ko :)"
"haha oo nga Gerald, bestfriend na niya ko. Kaya bestfriend na din kita, pwede din ba ?"
"Hala ina-ask pa ba yan. Oo naman yes fafa Paulo." sabay kapit sa braso ni Paulo kaya ngtawanan na lang kami ang priceless kasi ng gestures ni bhes haha
"Eh teka Paulo ano tatawag ko sayo ? Bhes tawag ko kay Gerald. Ang awkward pag bhes din sau kasi baka pareho kayo tumingin hehe"
"Oo nga no hmmm... ano ba want mo itawag sa akin ?"
Bigla ko napaisip aa ano nga ba...
"Ahh alam ko na, BFF na lang :), bet mo ba yun Paulo ?"
"Anong bet ? " tanong ni Paulo na halatang nagukuhan sa beki word na sinabi ko.
"fafa ang bet means gusto or like mo mga ganong keme lang naman " Paliwanag naman sa kanya ni bhes.
"Naku sensya na Paulo nahahawa na ako sa mga beki word neto ni bhes eh. Ok na ba sayo yung BFF na ?"
------------------------
=Paulo's POV=
"Oo naman noh, so BFF na tayo haha"
mas ok sana kung BF na lang tawag mo... sa isip-isip kong sabi.
"Oh ano tara na sabay na tayo uwi ?"
"Kaen muna tayo BFF, gutom na ko eh, na-stress ako sa pagkapahiya ko kanina eh (-3-)"
Shet ang cute niya talaga pag nag gaganyan. Sarap halikan darn !
" hay ikaw talaga, *sabay kurot sa pisngi* ang cute mo BFF tara na treat na kita"
"enebey ! so ganon set aside na ako ? porket may bff na ganon ? so ichapwera na ang beauty ko ha ?" naka-crossed arm pa w/ taas kilay na sabi ni Gerald.
"Syempre kasama ka, Bhes ka ni bff so bhes na din kita ? Tara na ^___^" *sabay akbay sa kanila ni Paulene.
"Hay fafa dont make akbay, Im melting OMG"
"hahahahaha para kang tanga bhes nakakahiya kay Paulo, oh I mean BFF :)"
Her smile makes my heart beats fast talaga. I want to be the reason why she smile.
First step na to, friend ko na siya. Next time Girlfriend na :) sana nga ...
"haha tara na nga, nagugutom na din ako nakakahawa gutom mo BFF, saan nyo gusto kumaen ?"
"Jollibee " - Paulene
"Mcdo" - Gerald
Sabay nilang sabi..
"Oh oh, conflict... KFC na tara hihi"
At wala na silang nagawa. Sana mas lumalim pa pagtingin sa akin ni Paulene. More than friends and somewhat lovers :)

BINABASA MO ANG
Relationship Status (On going)
Short StoryMy own story :) Para sa mga gustong kiligin ng very very light <3