"Ouch!" Ang sakit ng pwet ko.
Nabangga ako sa isang lalaki. Hanggang ngayon ay nakahawak parin ako sa pwetan ko, dahil napaupo ako sa simento.

"Hindi ka kasi tumiti~" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nung nakita ko kung sino ang nakabunggo sakin.

"ah..eh... sorry, diko sinasadya" Sabi ko.

" →_→ " -siya.

"Di mo man lang ba ako tutulungang tumayo?" Sabi ko, kasi hindi man lang inilahad ang kamay sakin.

Walang sabi sabi, bigla nalang siya dumeretsyo,at iniwan ako dung nakaupo.Kaya tumayo na lang ako, at sumabay sa lakad nya.

sobrang tahimik, awkward. So nagsalita na lang ako para di masyadong awkward.

"uhm bat ngayon ka lang? kanina pa nasa court sila kuya ah" Tanong ko sa kanya. Pero putcha! Hindi manlang ako tinignan, diretsyo lang ang tingin nya sa kalsada.

Hay Trix ,kailan kapaba masasanay? E simula't sapul di ka na nyan pinapansin.Pero kahit ganun kinausap ko parin sya.

"Uhm good luck pala mamaya"

Konting katahimikan..

"Laaabs!" Thank you lord, save from the bell.

"Oh Yhans,bat ka bumalik?" sabi ko kay Yhan.

"Sabi mo kasi saglit ka lang, tas 10 mins na lumipas wala ka parin." sabay tingin samin ni Isak. Kakaiba yung tingin ni Yhan, parang sinasabi nya sakin na 'bat kayo magkasama ni Isak'.

kinurot ko sya sa tagiliran at napa "ouch" sya. 'bakit?' walang boses na sinabi nya.

'manahimik ka dyan'

~~~~~~~~~~~~~~~~

"Dito dito dito!" sigaw ng isang kalaro nila kuya.

"Ano ba! pasahan nyo ko!" sigaw nanaman nya.

"Sino ba yun?" tanong ko kay Charel.

"wala nahatak lang nila, kulang kasi sila e"

"Parang gustong magpakitang gilas nun ah" kumento ni Yhan.

'Feeling ko magkakagulo' sabi ko sa sarili ko.

"Kanina ka pa ah!" *boogsh* sinapak ng kaninang lalaki si Kuya Tom.

"Kuya!" sabay lapit sa kanila.

"Masyado kang maangas ha!"

*boogsh*

"Tama naaa!!!"

*boogsh*

"Kuya!" Hawak ako nila Charel.

"Ano ba bitawan nyo ko!"

"Anong bitawan?! Pag binitawan ka namin bugbog sarado yang lalaking yan!"

-----

Naawat na sila kuya at yung lalaking maangas kanina.

Andito na kami sa bahay namin,sa sala, at andito lahat ng player saamin,yung mga kaibigan nila kuya na naglaro kanina.Kumakain sila ngayon, habang ako ay ginagamot si kuya Tom.

"Dat kasi kuya dimo na pinatulan e" panuway ko sa kanya,habang naglalagay ng betadine sa bulak.

"Kung diko yun pinatulan, edi mas malala pa dito yung aabutin ko,di ka nagiisip"

"Hayst, hindi ganun kuya, i mean dat umiwas ka na lang" diniinan ko yung paglalagay ng betadine sa gilid ng labi nya.

"Aray naman!" angal nya.

Soon to be Mrs.Elliston //(ON GOING)//Where stories live. Discover now