Lilipas

3 1 0
                                    


Kailangan bang huwag na lang pansinin?

Kailanga bang hayaan na lang?

Bakit ba hindi mawaglit-waglit?

Sa sarili'y laging galit

Ang hirap palang kalabanin ang sarili

Puso't isip kay hirap ding labanan

Hanggang kailan sarili ay kakalabanin

Hanggang kailan lalabanan ang mali

Gabi-gabi luha ay pumapatak

Nagtatanong kung bakit pa naramdaman

Ang pag-ibig na pilit itinatanggi 

Pag-ibig na dapat iwaglit 

Paano ba tatakasan itong nararamdaman 

Kailangan bang ako'y lumayo

Kailangan bang tuluyang lumisan 

Para mawakasan damdaming nagsusumiksik.


LilipasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon