Naglalakad ako papunta sa garden kasi anniversary namin ni Miguel ngayon.
Habang papunta ako sa garden may narinig akong nag-uusap kaya napatigil ako at pinakinggan ito.
"Kailan mo ba Kasi sya hihiwalayan?" sabi nung babae sa lalaki
"Mamaya, kapag nagkita kami." sagot naman nung lalaki.
Naglakad ako pauna... nakita ko si ate at
'Miguel?'
Pero bakit? Bakit sila magkasama ni ate? Bakit sila magka-usap? Dahil sa sobrang pagta-taka ko ay nilapitan ko sila.
"Miguel?" tawag ko sa kanya kaya napalingon sya, at nagulat sya nang makita nya ako
"A-Anna?" gulat na pagtawag nya sa akin.
"Tama ba yung narinig ko?" naiiyak na tanong ko.
'Sana hindi, please... sana hindi yun totoo.'
"Tama ang narinig mo nerd! Break na kayo ni Miguel!" Sabi ni ate at hinigit sa Miguel palapit sa kanya.
"Miguel... hindi yun totoo, diba?" umaasang sabi ko at tumulo na ang luha ko.
"Totoo yun... I'm sorry Anna."
Napabangon ako sa higaan nang may nagbuhos sa akin nang napaka-lamig na tubig!
"Hoy nerd! Ano na? Di ka pa ba babangon dyan? Tumayo ka na dyan kung ayaw mong kaladkarin kita papunta sa school nang hindi pa nakakapag-ayos!" sigaw ni kuya sa akin pero hindi ko sya pinansin.
Buti nalang at panaginip lang ang lahat, akala ko totoo na ehh. Sa takot ko ay tumayo na ako agad, at naligo na, pagkatapos ay bumaba na.
"Mom! Alis na ako, may nakita kasi akong panget!" sabi ni ate sabay lingon sa akin bago umalis kasama si kuya
"Manang, ligpitin mo nga ito! Aalis na kami, nasira na araw ko!" sabi naman ni mommy
"Opo, mam." sagot naman ni manang
"Hoy nerd! Wag kang gagawa nang gulo dito sa loob at labas nang pamamahay namin ha!" sabi ni mommy at umalis na.
Kahit kailan talaga ay ayaw talaga nila sa akin, simula nang nag 8 years old ako, di na nila ako pinapansin. Lahat kasi sila ay gangster. Maging si ate at kuya ay may pagka-gangster din. Sa amin kasing lima ako lang ang hindi gangster kaya siguro ayaw nila sa akin, kabaliktaran nila ako. Di nila ako tinuturing na ka-pamilya kasi tinuturing nila akong ka-away.
Pagkatapos kong kumain ay tinulungan kong magligpit ng pinag-kainan si manang.
"Ok ka lang ba?" tanong sa akin ni manang.
"Kailan po kaya nila ako ituturing na kapamilya?" malungkot na tanong ko kay manang
"Ikaw talaga! Wag mo na silang isipin, at tyaka first day mo sa school, baka ma-late ka. Diba anniversary nyo ng boyfriend mo ngayon?"
'Oo nga pala noh!'
"Oo nga pala manang, sige po mauna na po ako!" sumakay na ako sa bike ko at pumunta sa school.
Binigyan ako nila lolo't lola nang isang school noong 12th birthday ko.
Tinaboy ni mommy sila lolo't lola kaya di sila close simula pa nung bata pa si mama. Si mommy kasi ang gang leader nang isang grupo sa school nila noon, in short gangster si mommy at doon nya nakilala si daddy na gangster din. Nung nagka-anak sila ay pinalaki nila itong gangster. Tinuruan nang kung ano-ano, pero ako? Hindi. Kasi umalis sila mommy at daddy noon at pumunta sa ibang bansa kaya naiwan kaming tatlo, kaya nung time na yun laging dumadalaw sila lolo't lola pero lagi silang binabastos nila kuya at ate.
Nga pala! Ako nga pala si Anna Devil Alonzo. Anna Ang tawag nila sa akin, si Lola nagpangalan non sakin... pero yung Devil? Ayaw ko nun! Si mommy at daddy ang nagpangalan sa akin nun.
Pagka-dating ko sa tapat nang school ay agad akong binati ni kuyang guard kasi alam nya na ako ang may ari nang school na ito.
"Good morning, mam." masayang bati ni kuyang guard
"Morning din po." naka-ngiting bati ko rin at pumasok na sa loob.
Anniversary namin ngayon ni Miguel at sa garden kami magme-meet. Habang naglalakad ako papuntang garden ay may narinig akong nag-uusap, kaya napa-tigil ako at nakinig pero di ako chismosa ah!
"Babe? Kailan mo ba kasi hihiwalayan ang panget na yun?" sabi nang isang babae habang nakayapos sa lalaki. Di ko sila makita kasi nakatalikod sila... pero parang pamilyar sila sa akin.
"Ngayon na, at tyaka tapos na kami."
Teka... familiar yung boses nung lalaki.
"Naiinip na ako!" pagmamaktol naman nung babae at nagulat naman ako nang humarap sila at hinalikan nung lalaki sa pisngi yung babae.
"Miguel?" mahinahon kong sabi habang naglalakad palapit sa kanila.
"A-Anna?" bulol nyang tawag sa pangalan ko.
"Hi nerd na panget!" sarkastikong bati sa akin ate Luciferia, ang kapatid ko.
"Miguel... tama ba ang narinig ko?" mahinahon ko pa ring tanong pero pakiramdam ko ay sasabog na ako
Sa halip na si Miguel ay si ate ang sumagot sa tanong ko. "Oo! Kaya ikaw, tsupi na!"
"Bakit Miguel?" tanong ko at tumulo na ang luha ko
"Bet lang yun nerd!"
'Hindi ko maintindihan.'
"Bet?" naguguluhan kong tanong.
"Oh, yes! Hindi mo na maintindihan? Pustahan lang yon! Ikaw kasi, ehh! Masyado kang uto-uto!"
"Di ako naniniwala sayo! Miguel, sabihin mo sa akin ang totoo. Sabihin mo na hindi yun totoo, paniniwalaan ko ang lahat ng sasabihin mo." nagmamaka-awang sabi ko at hindi ko na mapigilan pa ang mga luha ko na umagos.
"Bet lang ang lahat para makuha ko kay Ally ang kotse at bahay na ipinangako nya sa akin."
"B-Bakit?" nasasaktang tanong ko.
"Kasi panget ka at walang kwenta!" sigaw na naman sa akin ni ate Luceferia.
Dahil sa sobrang sakit ay lumakad ako palayo pero hinigit nya ang buhok ko kaya na-out of balance ako.
"Halika! Di pa tayo tapos!" Nanggigigil na sigaw nya at dinala ako sa gitna nang school kaya lahat nang atensyon ng mga estudyante ay natutok sa amin.
"Lahat kayo makinig! Itong babaeng toh ay isang mang-aagaw! Nilalandi nya ang boyfriend ko" sabi nya at maya-maya lang ay pinagbabato na ako ng mga kapwa ko estudyante ng kung ano-ano.
Nakita ko naman si kuya Demon na nakatitig lang sa akin habang naka-ngisi. Marami silang ibanabato sa akin at hindi ko na matukoy pa kung ano-ano ang mga iyon
Ang sakit na... ramdam ko ang hapdi at pagtulo ng dugo mula sa mga braso ko. Di rin nagtagal ay may isang lalaking nagdala sa akin sa clinic at doon ay bigla nalang akong nawalan nang malay.
Pag-gising ko ay nasa clinic na ako. Ang dami kong sugat pero binalewala ko lang yun at umalis sa clinic at lumabas nang school. Dumeretso nalang ako sa walang kwentang bahay namin.
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
[EDITING] The Campus Nerd Turns To A Gangster Queen
Teen FictionPaano kaya kung ang dating inaapi, binubully, sinasaktan, binabasura, at nilolokong nerd ay lumaban? Ang dating nasa ibaba ngayon ay tinitingala at nasa taas na. Hinahangaan, nirerespeto, at higit sa lahat ay kinakatakutan nang lahat. Paano kung ang...