Chapter 2

1.1K 19 0
                                    

I'm stucked between "loving her as a friend and have her forever" and "loving her as more than friend and might lose her someday" Susugal ba o magpaparaya? Susugal o susuko? Lalaban o mamamaalam? Kaibigan o ka-ibigan?

Natatakot ako,
Hindi dahil sa baka mabestfriendzone ako,
Kundi baka iwan niya ako,
Kundi baka layuan niya ako,
Kundi baka pandirian niya ako.

But I want to try. Her gestures are not just nothing for me. It's everything for me, hindi ko alam kung ganun din sa kanya. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.

Calling Beh❤️...

J: Hi beh, napatawag ka?
B: Beh, kita tayo mamaya. Dinner date like our usual nights.
?: Jho, sorry I'm late. Kanina pa ba dito?
B: Are u still there?
J: Bea, brb.

Call ended...

Hindi ko alam kung sino 'yun but one thing that I'm sure is boses ng lalaki 'yun at nagde-date sila. Walang nakukuwento sa akin si Jho na may nanliligaw sa kanya or sino man. Lagi kaya kaming magkasama. Paano makakalusot manliligaw niya sa kaniya? Pero sa tingin ko nakalusot.

1 message...

Baka si Jho. Baka nagsorry. Baka. Baka. Baka.

Bea, art cafe now na.

For what? Hindi na ako nagreply, nagpunta na ako agad. Kinakabahan ako. Malakas ang kutob ko na involve dito 'yung lalaking narinig ko kanina. Sino ba siya?

@ Art Cafe

Jho: Bea, sit here. Sa tapat namin.
Bea: Diba lagi tayong magkatabi whenever we're on a date?
Jho: It's not our date, it's not a date. I want you to meet him.

Nag-eecho 'yung sinabi ni Jho. Masakit. Napahiya ako. But I need to act like nothing's wrong.

B: Manliligaw mo Jho?
J: Uhm. A friend.
B: Bakit hindi siya nagsasalita? Is he mute? Haha just kidding dude.
J: He's Nico, childhood bestfriend.
B: Ahh. Okay. So what's going on here?
N: Hi, Bea. Nice to meet you.
B: Hello.
J: Bea, Nics, excuse me for awhile.
B: Take your time, Beh.

So, umalis si Jho at naiwan ako kay Nico. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa pakikipag-usap sa mokong na 'to. Iba nase-sense ko dito e. I feel something.

B: So, bakit kayo nagkita ni Jho?
N: I'm courting her. Actually, 2 months na. Hindi mo alam?

Umarte pa din akong normal.

B: So, sa tingin mo sasagutin ka ni Jhow?
N: Malaki ang possibility kasi childhood bestfriend kami. Matagal na ang pinagsamahan namin.
B: Good luck, Dude! Aalis na din ako pagbalik ni Jho, enjoy your date. 'Wag mo siyang gagawan ng masama.

Biglang dumating si Jho, narinig niya kaya?

B: Kanina ka pa diyan?
J:  Kakadating ko lang. Ang dami kasing tao sa CR e. Alis ka na ba?
B: Oo eh. Nakakahiya naman sa date niyo ng manliligaw mo e. Alis na ako. Ingat pauwi. Stay strong ah.

Halatang sarcastic ang pagkakasabi ko ng mga binitawan kong salita. I'm shookt. As in shookt. Nagsikreto si Jho. So, pinaasa ko sarili ko. Akala ko kasi meron e. Kapag kasi tumitingin ako sa mata niya nakikita ko 'yung glow. Akala ko dahil sa akin kaya siya masaya. Ayun pala, may ibang nagpapasaya sa kanya habang ako ang kasama niya.

Sa'n kaya ako pupunta? Tawagan ko si Mads.

Calling Mads...

B: Hey, Madskie.
M: Ano na naman kailangan mo, Beatriz?
B: Punta ako sa bahay niyo. I'm on my way. Ready mo drinks.

Hindi ko na pinasagot pa si Mads. Gets na niya 'yun.

Si Maddie Madayag, una ko siyang naging kaibigan kaysa kay Jho. Naset aside ko siya because of Jho. I'm so lucky to have her kasi hindi niya ako iniiwan kahit nagawa ko 'yun. 'Yung mga ginagawa ko kay Jho? Karaniwan dun ginagawa din ni Mads sa akin pero para sa amin wala lang 'yun.

"Mads, open the door please. I hate waiting."

Text ko kay Mads.

Bumukas naman agad ang pinto. Kaya pala hindi ako napagbuksan agad dahil nanonood siya ng movie.

B: Ano ba 'yang pinapanood mo?
M: Baka Bukas, pucha kaiyak nga e. Kung broken ka tatagos sa'yo. Tas sa bestfriend mo pa na babae ka inlove tas babae ka din. Gago, ang sakit.
B: Ulitin mo nga. Panoodin natin.
M: Nakaready na 'yung drinks. Go spill it na. Ano bang chika?
B: Manood muna tayo.

Habang nanonood, nag-iinom na din kami. Lumalakas kasi loob ko kapag nakainom e. This is my escape whenever I'm sad.

B: Tangina Mads, bakit ganun? Bakit hindi sila nagkatuluyan? May sumulpot lang na lalaki dun sa exhibit nagkalabuan na. Parang kami lang, kaso wala palang kami. Hahahaha.
M: Si Jho ba?
B: Oo. May nanliligaw pala sa kanya. Hindi ko alam. Akala ko sa akin siya masaya kaso habang magkasama pala kami may iba siyang iniisip. Akala ko kasi sa akin siya masaya e.
M: Akala ko nga din dati sa akin ka magiging masaya e. Kaso dumating lang si Jho, nawala na ako sa highlight ng buhay mo. Alam mo na 'yung sakit?
B: Ang sakit pala no. 'Yung hindi pa naririnig ng tenga mo 'yung sagot pero nararamdaman na ng puso mo 'yung sakit.
M: Mahal pa rin kita, Bea. Bakit hindi nalang kasi ako? Totoong masaya ako sa'yo. Kahit hindi kita kasama, naiisip kita.
B: Mads, ayaw kitang saktan. Ayoko masira 'yung friendship natin. Mas okay na maging magkaibigan nalang tayo. Someday, may mahahanap ka na kayang magreciprocate ng love na binibigay mo. Mads, hindi ako 'yun. Si...

Jho Calling...

Hindi ko na natapos sasabihin ko dahil tumawag si Jho. Ayoko pa sana siya kausapin but I can't resist her. Ayokong nasasaktan ko siya.

B: Bakit ka napatawag?
J: Dito ako room mo sa bahay niyo. Wala ka. San ka?
B: Kay Mads. Naggeget together kami.
J: Ah sige, enjoy kayo. Uwi na din ako maya-maya.
B: No, Beh. Wait mo ako diyan. Uwi na ako.

Iiwan ko na naman si Mads para kay Jho. Sana maintindihan niya ako. Alam kong dun siya kung saan ako sasaya. Alam kong mas importante para sa kaniya 'yung kapakanan ko kaysa sa kanya. That's Mads. Ganiyan niya ako kamahal.

SaglitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon