Chapter 4

817 19 0
                                    

It's been half a year mula nung mangyari 'yung ganap namin sa bahay ni Jho. Eto pa din ako, hindi makausad. Hahaha. Hindi na kami ganun kadalas magkita. Syempre, may Nico na e. May lovelife na. Hindi ako nagdedemand ng too much attention from Jho, alam ko 'yung lugar ko. Naiintindihan ng isip ko ang sitwasyon, pero ang puso ko hindi.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, naisip ko na subukan kong magsulat tas susunugin ko after. Nabasa ko kasi na matutulungan ako nun para maglet go sa emotions ko.

Ikaw 'yung tipo ng libro na kapag binasa ko hindi ko na gugustuhing wakasan,
Ikaw 'yung tipo ng kanta na kapag pinakinggan ko hindi ko pagsasawaan,
Ikaw ay parang 'yung paborito kong pagkain na lagi kong hahanap-hanapin,
Ikaw 'yung hangin na bumubuhay sa akin,
Ikaw ang libro ko at pinilit kong isama ang sarili ko sa mga pahina mo,
Hindi kita nais wakasan,
Pero ikaw ang kusang lumisan,
Akala ko swak ako sa bawat kabanata nito,
Akala ko tayong dalawa ang bida rito,
Pero hindi ko alam na ang extrang hindi nakikita pala ang katambal mo,
Ikaw 'yung paborito kong kanta na dating nagpapasaya sa akin ngunit ngayon nagpapalungkot na,
'Yung tipong tono palang ang maririnig ko,
Ako'y maluluha na,
Ikaw parang 'yung paborito kong pagkain na hinahanap-hanap ko noon,
Pero mas hinahanap-hanap ko ngayon,
Ikaw 'yung hangin na bumubuhay sa akin,
Ngunit ang climate change ay kailangan kong harapin,
Wala ka na,
Nasa iba ka na,
Libro ka na ng iba,
Paboritong kanta ka na ng iba,
Para ka nang paboritong pagkain ng iba,
Paboritong kanta ka na ng iba,
Hangin ka na ng iba,
Iba na ang binibigyan mo ng hangin,
Iba na ang binubuhay mo,
At ako unti-unti nang namamatay dahil sa'yo,
Mahal kita,
Mahal mo siya,
Eto ako nagpaparaya para maging masaya ka,
Matatanggap ko din,
Kaibigan mo lang ako,
At kahit kailan man hindi magiging ka-ibigan mo.

Hindi ako magaling magsulat. Gusto ko lang ilabas 'yung nararamdaman ko. Sobrang sakit e. Pagod na ako magkuwento at magrant.

Parang 'yung sakit nakasanayan ko nalang. Sana sa tamang panahon makausad din ako.

Ako si Bea.
Nagmamahal kahit nasasaktan.
Umaasa kahit walang aasahan.
Nag-aantay kahit hindi sigurado kung may dadating.
Sumusugal kahit alam na magiging talunan.
Sundalo na walang sandata.
Nagmahal ng kaibigan,
Hindi sinuklian,
Ngayon,
Lunod na lunod sa kalungkutan.

-
Just Bonus! 🙂
Hi @khyezhia24! Thanks for the appreciation! 😘 Hope you like this! ☺️

SaglitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon