✖ Maarte

534 17 1
                                    

Topic: Twetty birds (maRT) 

Mga maarte, pabebe, feeling V, feeling rich, feeling pretty! At lahat na ng pag pipiling na sakanila na, 

Karamahin dito mga babae, Well NATURAL naman sa babae ang pagiging maarte, at yung mga expressions na "Iww" "Yuck" "Kadiri" Pero Lahat ng bagay ay may limitasyon! 

Pangit na din yung sobrang maarte! Yun bang akala mo hindi na humahawak ng poo poo niya kapag naghuhugas siya ng anez niya! Yung akala nila hindi pinapawisan yung mga singit nila! Ang sarap nila basagin no? ang hirap pakisamahan ng mga ganyang tao, Yun bang ikaw nalang yung mahihiya sa sobrang kaartehan nila! 

May ilan na akong nakasalamuhang ganyan at ito ang naging reaksyon ko. 

Unang pakikipagsalamuha ... 

Unang araw ko sa klase, syempre mabait ako then gusto kong mag drawing kasi nga wala akong magawa, So tinasahan ko yung bago kong pencil at habang nagtatasa ako, the girl in front of me said "Teh yung bag mo nga nababasa ako ng tubig mo, tss!!" And I am like? WTF! Mamatay ka ba sa tubig teh? At dahil mabait ako, pinilit kong kumalma at sabay sabing "Don't worry teh! Mineral yan." Tinarayan niya lang ako, tinarayan ko din! che, feeling rich! nakakainis yung ganon! 

Pangalawang pakikipagsalamuha ... 

Nasa jeep ako (Galing ho akong mall), may pumasok na dalawang bata at umupo katabi ng babae sa harap ko, Napansin kong pawis na pawis ang mga bata, medyo masikip na kaya siksikan na sila sa kabila, napatingin ako sa babaeng kanina pa nag 'tsk' kapag nadidikitan yung braso niya ng mga bata, then one time may pumasok ulit at tuluyan na ngang siksikan don at magkakadikit na sila, bigla ba naman tinulak nung babae yung isang bata, nagulat tuloy yung mga tao! "May space naman kasi don bakit dito pa!" sabi niya sabay turo sa tabi ko, "Andudumi niyo!" Dagdag pa niya, Doon tumaas lahat ng dugo ko sa utak ko, At dahil mabait ako, Inalalayan ko yung mga bata sa tabi kong upuan sabay sabi "Dito nalang kayo! Ang aarte kasi ng iba d'yan!" Parinig ko, Sabay ngiti sa dalawang bata! "Wow ha! Ikaw kaya!" Sagot pa niya, tinignan ko na siya ng nakataas ang kilay, naisip ko pa ngang ibuhos sa kanya yung baon kong juice kaso wag na, sayang naman pwede ko pa inumin yon. "Kung ayaw mong nadidikitan ng kahit anong mikrobyo bumili ka ng sarili mong kotche! Arte arte!" Sabi ko, at mabuti naman ay bumaba na siya kahit di pa yon ang pupuntahan niya! Nako nako. 

So ayan alam niyo na? 

Kapag may kaibigan tayong ganyan, hindi naman dapat lagi pakikisamahan! Kapag sumusobra na, pwede niyo siyang I-realtalk na "Friend! Wag kang masyadong maarte, Di bagay sa mukha mo!" Mga ganon ha? 

At sa mga maarte dyan! Ay mga teh, bawas bawasan niyo! Hindi healthy yan! Ikakamatay niyo yan! Swear! 

May mga tao talagang ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon