✖ Kapalmuks

369 11 3
                                    

Topic: FACE LAYERS 

Makakapal ang mukha, walang mga hiya! Halo halo ang mga ito! May mga babae may mga lalaki, Ito ang mga hampaslupang walang hiya! 

Iba't ibang klase ng mga Kapalmuks. 

Peyngi - Halos araw araw nanghihingi ng pulbo at papel, lapis, ballpen, pambura, sinuturon, o kahit ano pang mga bagay bagay! Minsan nakakasawa ng bigyan dahil nasasanay na sila, pero wala ka na din magagawa dahil makapal talaga ang mukha niya. 

Peyram - "Pahiram naman ng ballpen, Hindi ko na babalik!" Andaming ganyan, Sa klase, trabaho o kahit saan pa man! May kilala akong ganyan, minsan kapag nababadtrip ako. Isasagot niya lang "Atleast nanghihiram kesa nagnanakaw!" Oh diba? Ang gandang linya! Pangmakapalang mukha! 

Owtang - Utang bait, Singil galit! Ito yung mga pinapautang tapos pinagpapasensyahan mo ng pinagpapasensyahan hangang sa mag birthday na si rizal at ilang pasko na ang dumaan kay jireh lim eh wala padin! Sila din yung mga kapag siningil mo magagalit, kosyo di daw marunong mag anay, Di naman daw tatakbuhan, Eh mamatay daw ba dun sa kaliit liit na pera na yon, at ang pinakasikat na linya ng mga taong yan ay "Kapag nagkapera ako ikaw ang kaunaunahang babayaran ko" 

Bowraot - Sila yung mga hingi ng hingi, Mga shutay tomy! Akala mo walang mga pera, mga buraot, sakim, kupal, demonyo! XD ay OA na ko! Pero nakakainis sila minsan, Alam mo yung hingi ng hingi! Karamihan pa dyan mga feeling close! lalapitan kalang kapag may nilalantakan ka, Chi-chika-chikahin ka pa! Tapos pagtapos niya boom pak, ubos na ang pagkain mo! MInsan naman hindi pagkain yung hiningi, Pera naman! Nakakaloka talaga, ultimo piso walang paawat basta may pera! Goraaaaaaaaaaaaa! 

Nakikitulog, Nakikikain - Mag sleep over or makikain sa ibang bahay! Syempre karaniwan na yung nahihiya at yung iba pa nga tumatangi sa pagkain. Pero may mga tao talagang feel at home! abay kulang nalang ubusin yung nasa ref, Minsan naman kapag natutulog kung maka buka ng bunganga kala mo bahay niya! kapal ng mukhaaaaaaaaaaaaaa! 

At madami pang iba! 

Alam kong madami tayong nakakasalamuhang ganyan! Minsan kailangan din natin silang tangihan, para mabawas-bawasan naman ang kakapalan. Kapag nagreklamo pwede natin i-realtalk na "Hoy wala ka na ba talagang hiya? Araw araw ka ganyan ah!" For sure mapapahiya yon! Kapag sumobra na, sampolan mo lang! titigil yan. 

At para naman sa mga natamaan dyan! Well, Hindi naman masamang magpakita ng totoong kayo! Ang gusto ko lang iparating ay magkaron lang sana ng kahit 'konti' na hiya, kagaya nga ng lagi kong sinasabi! Lahat ng bagay ay may limitasyon. Dahil minsan dahil sa ugali niyong yan baka yan pa ang dahilan ng mga gulo.

May mga tao talagang ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon