Chapter 3

164 9 1
                                    

CHAPTER 3

Papasok palang ako sa loob ng may isang babae na maid rin ata sa Mansion nato ang sumalubong sa'kin.

"Ikaw ba yung bagong maid dito?" tanong niya. Medyo maganda na siya at halata sa mukha niya na parang matagal na siya rito. Nginitian ko siya at tumango.

"Opo, Jia nga po pala" sagot ko sa kanya.

"Sige pasok ka iha at ito nga pala yung uniform mo dito." sabay bigay niya sakin ang itim na uniform at may kulay puti ang kwelyo.

"Sabi ni Senorito Marco, kailangan mo ring bantayan yung mga anak niya kung pumasok ba talaga sa school nila.." dagdag niyang sabi.

Hala, magiging babysitter ako?

"Uhm..Manang, ilang taon na po ba ang mga babantayan ko?"

She looked at me and a smile formed on her lips, "Mga kasing edad mo lang iha. Bakit?"

Nahihiyang napatawa naman ako, "Ahh, akala ko po bata eh.." sabi ko. Narinig ko naman siyang tumawa at tinulungan akong dalhin ang mga gamit ko sa magiging kwarto ko.

Akala ko dalawa lang kami ni Manang ang maid dito pero marami pala kami. Tsk! Ang yaman naman ng pamilyang ito.

Matapos kong ayosin ang mga gamit ko sa kwarto ay agad kong isinuot ang uniform ko. Lumabas agad ako ng kwarto para tulungan sila Manang na magluto sa kusina.

"Iha, pwede bang ikaw muna ang pumunta sa sala? Tinawag kasi ako ni Chaze, eh hindi pa'ko tapos magluto.." pakinig kong paki-usap pakikiusap niya.

Pumayag naman ako dahil hindi naman niya pwedeng iwan ang mga niluluto niya.

Agad akong pumunta sa sala at may nakita akong isang lalaking may lollipop sa bibig at prenteng nakaupo sa couch. Agad ko siyang pinuntahan habang busy siya sa kanonood ng..

SPONGEBOB?!

"Goodmorning po Sir.." bati ko sa kanya. Napako naman ang tingin niya sakin at tinitigan ako.

He has a baby face yet he still looks so manly.
Bakit ba uso ang fictional character dito?

"Sir?" Tanong ko sakanya dahil nakatitig parin siya sakin. Natinag naman siya at biglang ngumiti sa'kin. Weirdo!

"Your the new maid?" Tanong niya habang kain parin yung lollipop niya.

"Opo. Jia nga po pala" pakilala ko sa kanya at ngumiti. Tumango naman siya at biglang sumeryoso. Amp! Weirdo talaga!

Tumayo siya at nakapamulsang humarap sa'kin. Aba't ang tangkad ng lalaking to! Nakakahiya naman.

"Hi! I'm Chaze Marco!" masiglang bati niya sa'kin. Lakas ng tama nito ah? Bipolar?

"Nice to meet you po. Ano po ba ang iniutos niyo?" Tinuro niya yung mesa na maraming papel ang nakakalat.

"Kindly, clean this Ate!" biglang sabi niya.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Did he just call me Ate?  Parang magka-edad lang kami e.

Humarap ako sa kanyang nakapameywang.
"Anong ate? Ilang taon ka na ba?" Tanong ko. Ngiti lang ang isinagot niya sakin.

"Curious?" he let out a lopsided smile.

"No?" agad kong sagot sa kanya.

He chuckled, "I'm 17 years old, babe.."

Babe? What the fudge!

"Eh, 17 ka pa naman pala, pareho lang tayo uy!"
reklamo ko. Ayaw kong tawagin akong ate noh! Magka-edad lang naman kasi kami

My Life With The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon