Chapter 13

63 2 1
                                    


Chapter 13


"Fuck this goddamn cat!"


May narinig akong taong nagpapadyak sa sahig ngunit hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pagtulog. Ang sarap ng tulog ko kaya ay ayokong maputol nalang ito.

Ngunit, agad napakunot ang noo ko nang biglang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Inimulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang lalaking abala sa paghahawi ng malalaking kurtina.

"I will let your furry body burned you freackin' cat!"
dinig kong iyamot na sabi ng lalaki sa harapan ko.

Habang kinukusot ko ang mata ko, sinalubong ko ng tingin ang kawawang pusa na nasa sahig at inosenteng nakatingala sa lalaking naka-itim na sando.

Poor Katie!

Nang maramdaman ni Halimaw na nagising ako dahil sa pagsisigaw at walang katapusang pagmumura niya sa pusa ay natigilan siya at tumingin sa akin.

Napansin ko ang kanyang katawan na natatamaan ito ng sinag ng araw. Mas lalong naging klaro sa paningin ko ang malalaki niyang muscles sa braso habang bumabakas naman sa kanyang sando ang matitipuno niyang katawan. Damn, nagbababad ba 'to sa gym? His hair looks so soft that made me wanted to run my fingers on it.

"Stop staring, will you?" iriradong aniya habang iniiwas na sa akin ang paningin niya.

Napansin ko namang namumula ang mga tenga niya. Alam kong hindi ako nagkakamali dahil kitang kita ito lalo na at natatamaan ito ng liwanag galing sa araw. What's with the red ears? Allergic na siya sa pusa?

"Kay aga-aga tapos nakikipag-away ka sa inosenteng pusa," simpleng sabi ko habang pikit inaayos ang sabog na sabog kong buhok. Haist.

"That cat? Innocent? No way.. I'm the one here who's innocent!" parang batang depensa niya habang tinuturo ang kawawang pusa.

Hindi ko siya pinansin sa halip ay humakbang ako palapit sa pusa at kinarga ito na parang sanggol. Nakita ko naman kung gaano kumunot at nagtiim bagang ang mukha ni Cythan. What's wrong with this monster?

"You're touching that cat!"

Tumaas naman ang kilay ko sa kanya, "So? Hindi naman ako allergic sa pusa e." malumanay kong aniya at pinaglalaruan pa ang kamay ng pusa.

Napangiwi naman si Cythan sa ginagawa ko, "You are spoiling her!" parang bata namang aniya. Damn.

"What?" sabi ko habang nakataas pa rin ang kilay ko sa kanya.

"Stop being nice with that cat," he said and shot a glare with the cat I'm caring right now. "Baka maagaw ka niya sa'kin.." mahinang aniya.

What the hell is wrong with this handsome monster? Is it because he's still not eating his breakfast? Or it's because he has a menstration-- Fudge. What the heck I'm thinking?

"Huwag mo ngang awayin si Katie, magagalit sa'yo ang kapatid mo." sabi ko habang kinakarga pa rin ang pusa.

Baghaya pa akong natigilan nang mabanggit ko ang salitang kapatid. Parang bumabalik na naman sa isipan ko ang nangyari kahapon. Shit, paano na ako haharap sa kanya ngayon? I can't face him after what happened yesterday!

"Tsk, magsama sila ng pusang gala na 'yan.." nakasimangot niyang sabi at mabilis kaming tinalikuran. Napaismid naman ako sa sinabi niya.

Anong pusang gala? Parang mas mahal pa yata ang bili ng pusang ito kaysa sa tuition ng school e. Napailing na lamang ako sa asal na pinapakita ni Cythan. Kahit kailan talaga hindi compatible ang isang Halimaw at pusa.

Iwinaksi ko na lamang sa isipan ko ang mga ginagawa ni Cythan kanina at itinuon ang aking atensyon sa pusang kinakarga ko ngayon.

"Bakit ka ba kasi pumunta dito? Alam mo bang lungga ito ng isang Halimaw?" sabi ko sa pusa kahit alam kong hindi niya ako maiintindihan.

Pinaglalaruan na lamang niya ang kamay ko at napangiti na lamang ako dahil doon. "Ibabalik na kita sa master mo, baka hanapin ka niyon."

Naghakbang na ako palabas ng kwarto ni Halimaw at pumunta sa kabilang kwarto para isasauli sana si Katie nang may naalala ako. Sumagi na naman sa isipan ko ang nangyaring hindi inaasahang paghalik ko kay Chaze. Ano kaya ang iniisip niya?

Imbis na katukin ko ang pinto ay napagdesisyunan ko nalang na buksan ito ng kunti at lumuhod pa ako para ipasok dito si Katie nang may nakita akong dalawang pares ng itim na sapatos sa harap ko.

Napatingala ako at halos mapaatras pa ako nang makita ko si Chaze na nakatingin sa akin at may lollipop na naman sa bibig niya. Seriously? Hindi ba sasakit ang ngipin niya dahil diyan?

"Goodmorning," bati niya at ngumiti sa akin na agad ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko napigilang bumaba ang paningin ko sa kulay rosas na labi niya at muli ko na namang naalala ang nagyari kahapon. Damn, bakit ba ako hindi tinitigalan ng pangyayaring ito? Those unexpected happenings keep on hunting me!

"Jia?" tanong niya at ngayon ko kang napansin na nasa kamay na niya pala si Katie.

Halos mapatalon ako sa gulat, "A-ay! Goodmorning!" tugon ko at kabadong tumawa sa kanya na ikinatawa rin ni Chaze.

"Aalis na ako!"

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagmamadali na akong umalis sa harap niya dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari. God, this is so embarrasing!

Buong lakas kong isinara ang pinto at ilang beses na huminga ng malalim. Oh my goodness, wala na yata akong mukha na maihaharap pa sa kanya.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong inilabas mula sa bulsa ng pajama ko. Akala ko ay may tumawag sa akin ngunit bumungad sa mga mata ko ang alarm ng cellphone ko na naging hudyat na seven-thirty na!

Damn, malapit na akong ma-late.

Halos takbuhin ko na ang banyo dahil ilang minuto na lamang ay mahuhuli na ako sa klase at baka mag-away na naman kami ng guard kaya dagdag oras 'yon!

Hahawiin ko na sana ang shower curtain nang naunahan ako ng isang lalaki na galing pa mismo sa loob nito. Nanlaki ang mga mata ko ng tumama ang paningin ko sa abs niya. Pumikit ako at ginamit pa ang dalawang kamay ko para hindi ko makita ang nakakawalang inosente niyang katawan.

May narinig naman akong tumawa, "Aw, the ugly creature is shy to face my abs.." parang naawa pang aniya.

Lakas loob ko namang inalis sa mukha ko ang aking kamay at inis niyang sinalubong ng tingin. "Ew! Never, monster!"

Natatawa lamang siyang lumabas ng tuluyan sa banyo habang may tuwalya na nakabalot sa katawan niya. Hindi ko na lamang siya pinansin pa at agad ng pumasok sa loob. Ugh, kailan ba ako aalis sa lungga ng Halimaw na ito?


Muli akong umiling at hinarap na lamang ang malaking salamin. Matapos kong sinipat ang repleksyon ko sa salamin, ay agaw atensyon na sa akin ang pulang likido sa tuktok ng bawat tenga ko.





What hell is this?! Did that guy bite the tip of my ears while I'm asleep?




MysticallyDimples.

My Life With The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon