Question 1: Anong Size ma'am?

35 1 4
                                    

Kwento ni Otor

Dumating ang BERkada sa SM para mamili ng kanilang mga susuotin dahil next week ay may party silang a-attendan. Excited much lang sila.

Camx: Uy feeling ko maganda to. Sa tingin niyo? Bagay kaya sakin to?

Louisse: Ay iyo lang?

Aya: Oo nga! Akala ko ba napag-usapan natin na pare-pareho tayo ng sapatos?

Camx: Sarreh!

Joy: Kung magsukat nalang kaya tayo? suggest ni Joy.

Pumasok na silang anim sa section na yun ng mall. Sinalubong sila ng sales lady at nagtanong.

Saleslady: Good day ma'ams. What can I do for you?

Abe: Ah. Miss pwede po ba kaming nakatingin ng sapatos na to?

SalesLady: "Anong Sizes ma'am?"

Desiree: Anong mga size niyo?

Aya: 8

Joy: 7 1/2 akin.

Louisse: Me 7.

Abe: 8 din akin.

Camx: Grabe. Akin 5. Nakaka-asar kayo!!! 13 na tayo pero ganun parin. Biyayaan niyo naman ako kahit konti! :(

Aya: Hahaha! Okay lang yan. Buti ka nga may magkakasya parin sayo any design ng shoes.

Joy: Oo nga haha!

Desiree: Dalawang 8, isang 7 1/2, isang 7, isang 5 and akin 5 1/2.

SalesLady: Okay. Kukuha lang po ako ng stocks.

Pumwesto na ang tatlo sa upuan doon at hinihintay nalang nila na dumating ang sales lady dala-dala ang sapatos nila.

Aya's Pov

Hahaha! Katuwa talaga si Camx. Haha! Dati mas maliit pa paa namin diyan eh. Kaso hindi na lumaki paa niyan. Ewan ko nga eh.

SalesLady: Ma'ams eto na po yung sandals niyo.

BerKada: Ay akin to!

Sinukat na namin yung mga sapatos namin and nag model-modelan kami doon. Haha! Ang adik ba? Selfie selfie rin us with the shoes. Haha! Pagpasensyahan na!

We bought the shoes na. At nag-ayos.

Abe: Tara! Dun na tayo sa dress section.

Desiree: Siggi! Siggi!

Yan nanaman po ang parang baliw na desiree. Haha! Nagtatatalon pa! Hayy!

Ang sarap talaga magkaroon ng mga kaibigan! Sobraa! Lalo na pag upset ka, pag may problema ka at lalong lalo na pag gutom ka! Haha!

Ako si Aya! Floriana Belle Papa. Nag-aaral kaming magkaka-ibigan sa Lington High. Magkakaibigan na kami simula pa nung 1st year. Pero ngayong 2nd year lang natatag namin ang BERkada. Lahat kasi kami BER months ang birthday. Ako ang Bee #5 ng BerKada. Ako'y makulit, bibo at mataray daw sa unang tingin. :))

Desiree: Si Papa tulala nanaman oh. Hahaha!!

Aya: Ewan ko sayu! Nababaliw ka nanaman.

Joy: Oo nga! Haha!

Abe: Pst! Ang ingay niyo!

Louisse: Oo nga pinagtitinginan na tayo dito oh!

Who's The Shoe Owner?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon