Hay ang bilis talaga ng araw kapag gustong gusto muna dumating yung araw na yun ang tagal dumating tapos ngayon namang ayaw na ayaw kong dumating itong araw nato tsaka naman bumilis.parang ayaw ko talaga pumunta kaso pag hindi naman ako pumunta apektado naman ang grades ko hayy!!gulong gulo na talaga ako hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Tok! Tok! Tok
Kilala ko na talaga kung sino ang kumakatok eh,sino pa ba kundi si mommy nabanggit ko kasi sa kanya yung tungkol sa contest at kahit sya pinipilit ako dapat talaga hindi ko nalang sinabi sa kanya ehh kasi alam kong pipilitin lang ako nyanKrisha anak bumaba kana dyan at kumain diba may praktis kayo ng 10:00??maghanda kana ahh!!!- sigaw ni mommy
Oh diba?sabi sa inyo ehh pati si mommy pinipilit ako kaya hindi na talaga ako makakahindi.Pagdating sa campus dumiretso ako sa auditorium dahil nga sabado it means kunti lang tao dito yung may mga gagawin lang at kaming mga magpapraktis
Oh? andyan kana pala tara dito tayo
-magandang pagbati nung teacher namin
Ang napansin ko lang ehh mukhang madami akong makakalaban ahh at may nakita na naman akong di kanais nais na itsura eh sino pa ba edi si mr.sungit/mayabang akalain mo nga naman kasali rin pala yan dito hmm sa bagay may ari nga naman ng school.Napansin kong napatingin sya sakin at sabay smirk kaya naman umiwas ako ng tingin at sumunod sa teacher namin.
Miss Hartford just stay here while were waiting for the others-sabi ng maam namin sakin
Ok po maam!-sabi ko sabay smile sa kanya
Nagpalinga linga ako sa kabuuan ng Auditorium and there are others that have their own world.
and nang napadpad ang mata ko sa lalaking kinamumuhian ko ng lubos umiwas agad ako kahit pa hindi sya nakatingin sakin ayoko parin syang makita nakakainis kasi...kala mo kung sino.Well swerte ko dahil hindi sya tumitingin sakin kasi ayaw ko syang makausap....Maya maya nagsimula narin ang praktis dahil kumpleto na kaming mga lalaban..kaming mga babae ang pinauna at sa baba naman yung mga lalaki sila ang sunod samin...
kainis kasi talaga sana matapos na kaagad ito.Habang rumarampa yung candidate number 12 ako naman dito di na mapakali kasi nga nakatingin lahat ng lalaki sa baba at worst andyan pa si Ash.
yah nalaman ko na ang true name nya ay Ashton Scott nagiisang anak ni Mr. and Mrs. Scott..ok back to reality na tayo malapit na kong rumampa at tinitignan ko lang kung pano sila rumampa well number 16 ako at number 15 na ang susunod.marunong naman talaga ako rumampa ehh nahihiya lang talaga ako marami ngang nagsasabi sa mga kamag anak namin na dapat ay sumasali na ako sa mga beauty contest kasi nga daw ay bagay daw ako doon pero naman as if gagawin ko yun nagsabi nako kila mommy na hinding hindi ako sasali sa mga ganyan na hindi nila ako mapipilit pero mukhang nabali ko yata yung pangako ko.kaya nga nung nalaman nila na sasali ako dito tuwang tuwa sila samantalang ako halos magbigti na
And now candidate number 16!
Oh my! Ako na pano nayan nahihiya talaga ako...kumalma ka krisha kaya mo yan isipin mo lang yung sinabi sayo ni mommy na isipin mo lang na kunwari walang tao whoo!! I can do this!!...
Pagkatawag sakin lumabas na ko at rumampa chin up breast out (kahit wala)at ngumiti.well masasabi kong effective naman yung sinabi ni mommy malaking tulong wala akong nakikitang ibang tao kundi ako lang.And success nagawa ko nakarampa ako ng maayos..!!thanks to mommy ..Pagkatapos ko rumampa dumiretso ako sa backstage at uminom ng tubig nakita ko naman dun yung ibang candidates na nagpapahinga rin..lahat ng sasali dito ay total of 20 candidates...Maya maya ay natapos din pumunta na dito sa backstage yung mga lalaki lasi sila na ang susunod.ang tatanghaling Mr. And Ms.President dito ay ibig sabihin sila ang pinaka namumuno sa lahat ng estudyante dito sa buong campus at magiging parte sila ng council at araw araw ,oras oras silang magkasama yun ang mangyayari pag may nanalo na.Hmm.kung ako kaya ang mananalo sino ang magiging
Partner ko??
YOU ARE READING
To be his Own
Teen FictionHindi ko alam na sa bawat pagsasama namin ay unti unti na plang mahuhulog ang loob ko sa kanya. Natatakot akong magtapat dahil baka sa bandang huli ako lang rin ang umasa at lokohin Si krisha Maureen Hartford ay isang President ng klase nila at isan...