Pagdating sa bahay ay nagkulong ako sa kwarto paulit ulit na nagreregister sa utak ko kung totoo lahat ng sinasabi nya o sadyang palabas nya lang yun. Buti nalang ng dumating ako dito ay wala si mommy kaya wala saking magtatanong.
Aaminin ko may part sa puso ko na masayang masaya dahil sa pagtatapat nya pero kasi may part din sa puso ko na natatakot sa maaari pang mangyari kung ipapagpatuloy pa namin iyon.
Nakatulog nako sa kakaisip sa lahat ng nangyari.
-------
Kinabukasan imbis na pumasok ay nanatili nalang ako sa bahay. tinanong pako ni mommy kung bakit ayaw kong pumasok sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko.Kaya naman ang ginawa ko lang ay nagkulong sa kwarto at kapag kakain naman ay hinahatidan nalang ako
Mga bandang 3:00 ng tumawag sila jazz at tinanong kung anong nangyari at hindi daw kami pumasok ni Ash. kaya ang sinabi ko ay masama ang pakiramdam ko at di ko alam kung anong nangyari kay Ash.
Siguro naman ay masama rin ang pakiramdam kaya di rin nakapasok.
Pagka kinabukasan pumasok nako dahil hindi ko na kaya na hindi pumasok. Pagdating ko sa Campus dumiretso ako sa Cafeteria dahil andun daw sila.
Weyow guys-bati ko sa kanila
Umupo kana dito-sabi ni faith at iminwestra ang upuan sa tabi nya
Hoy ikaw babaita ka may alam kaba kung bakit hanggang ngayon di parin pumapasok si Ash?-tanong ni Sam
Di parin sya pumapasok? Pero bakit ? dahil parin ba dun sa nangyari?
E-ewan ko bat di nyo nalang pinuntahan sa bahay nila?-tanong ko
Yun na nga eh wala sa bahay nila at sabi ni tita nasa Condo daw at ayaw tumanggap ng bisita -sabi ni Bryce
Krish magtapat ka nga sa min-biglang sabi ni sam
Napabaling naman ako sa kanya
Magtapat ng ano?-tanong ko kahit may hint nako kung anong tinutukoy nya
Nagaway ba kayo ni Ash?-tanong ni sam
Lahat naman sila ay nakatingin sakin.feeling ko tuloy para akong nasa hotseat at pinapaamin sa kasalanang di ko ginawa.
H-ha? Nagaway ? bakit naman kami magaaway??-tanong ko kahit kinakabahan nako
Krish please kahit ngayon lang umamin kana nung isang araw pa namin gusto tanungin to sa inyo kasi pansin na namin na nagaway kayo-sabi naman ni jazz
Hayss ok payn sasabihin ko na-sabi ko
At ayun kinwento ko sa kanila lahat lahat
Seriously? nagtapat sayo si Ash?-sabi ni Faith na may ngiti sa mga labi
Yah-sabi ko
Eh bakit nireject mo parin si Ash kung ganun?-Tanong naman ni Jhace na mababakas ang lungkot
Hindi ko alam basta ang alam ko lang natatakot ako sa mga posibleng mangyari kung magpapatuloy pa yung ginagawa namin-sabi ko
Alam mo krish sa pagibig lahat sumusugal kasi kung hindi ka magsusugal sa huli magsisisi ka.-sabi ni jazz
Oo totoo yun-sang ayon naman ni Sam
Mali nga ba ang naging desisyon ko?
-----------
Nasa bahay ako ngayon at kasalukuyang nakaharap sa mga libro ko hindi parin nawawala sa isip ko yung mga sinabi nila na kung bakit daw itinigil ko na yung relasyon namin ni Ash kahit daw di yun totoo eh minahal daw ako ni Ash.
Aaminin ko sa bawat pagsasama namin Ash ay nakakaramdam rin ako ng katulad sa iba na yung may butterfly sa tyan yun bayun? basta yung ganun,tapos yung lumalakas yung tibok ng puso mo kapag malapit sya sayo,lahat yun nararanasan ko kaya naman nagulat talaga ako ng magtapat sakin si Ash kaya ang ginawa ko ay tumakbo.
Kahit naman sinong tao kung nasa ganung sitwasyon its either makakarecover sya sa kaganapang yun o kaya ay tatakbuhan nya nalang ang sitwasyong yun at sa kaso ko ang pinili ko ay takbuhan ito.
Sadyang nadala lang talaga ako sa nararamdaman ko kaya tumakbo ako pero kasi sobrang seloso nya na hindi nya muna alamin yung pangyayari bago sya sumugod.
Nakakainis lang kasi pati yung taong walang kaalam alam eh nadadamay sa galit at selos nya.Pagkatapos kong magreview ay nakatulog nako.
---------
Pagpasok ko sa School kinabukasan ay dumiretso agad ako kila Jazz na kasama na naman sila bryce,jhace,and Javis.
Tumabi ako kay Jazz.Ano na guys pumasok naba si Ash?-bungad kong tanong sa kanila ng makaupo ako
Andun na sa Student Council tinatapos yung naiwang trabaho nung isang araw-sagot naman ni Jhace sa tanong ko
Ah ganun ba sige punta narin ako dun papagpatuloy ko na rin yung trabaho ko baka pagalitan na naman ako nun-sabi ko sa kanila at diretso alis.
YOU ARE READING
To be his Own
Dla nastolatkówHindi ko alam na sa bawat pagsasama namin ay unti unti na plang mahuhulog ang loob ko sa kanya. Natatakot akong magtapat dahil baka sa bandang huli ako lang rin ang umasa at lokohin Si krisha Maureen Hartford ay isang President ng klase nila at isan...