chapter 12

1K 31 0
                                    

Sage's pov

Nandito kami ngayon sa gathering
hall dahil pinatawag agad kami ng seniors para sa new task na kailangan naming gawin nang biglang nag salita si kristof sa gitna

" Simula ngayon kada buwan mag kakaroon tayo ng team building bilang dagdag sa mga activities natin"

Tumaas naman ang kamay ng isa naming kasama

" edi ibig sabihin madadagdagan ang mga pinipagawa niyo samin?"

"Ganun na nga"

Nag react naman lahat ng estudyante tiningnan naman ako ni christine na parang hindi niya alam ang nangyayari mamaya ko nalang siguro ipapaliwanag sa kanya

" mag kakaroon tayo ng open forum sa isat isa o kaya naman mag rereveal ka sa isa sa mga naging past mo like sa love life" sabi naman ni brian na nakakaloko isa siya sa mga kasama ni kristof

"ohhhhhhhh" sabi naman ng mga estudyante

" ginagawa natin ito para maslalo pa nating makilala ang isat isa hindi para mag lokohan maliwanag ba!!? " sabi naman ni kristof KJ!!! talaga

"OPO!! " sigaw naman namin

" simulan na natin" sabi ni krist habang nakatingin sakin

Habang isa isa nang nag sasalita ang mga estudyante nakatin lang sakin si kristof nginitian ko naman siya ng nakakaloko bigla nalang umasim ang mukha niya at tumingin nalang siya sa iba

malapit ng matapos mag salita yung katabi ni john naku malapit na kami kasi naman mag kakatabi kami nang matapos siya tumayo naman si john

"Mag oopen nalang ako tungkol sa past life ko dati kasi nung bata pa ko lagi akong binubully kasi nga maliit ako noon pero dumating si sage para iligtas ako siya lang kasi ang kumakausap sakin siya dina ang nagturo na lumaban sa tamang paraan kaya bro salamat ah" sabi naman ni john sakin habang nakangiti nag bro fist nalang kami at tinanguan ko siya sumunod naman si oliver

" ako naman mag oopen forum ako kay tom bawas bawasan mo naman ang pamamatok sakin yan tuloy lagi akong bagsak sa subject ko!!!" nag tawanan naman ang kami pumunta naman sa kanya si tom at binatukan siya

"Ako pa sinisi mo e ikaw lang naman ang ayaw mag aral! Ako na nga susunod"

"Mag oopen ako about sa past life ko mayroon ako noong naging kaibigan first love ko siya actualy pero nung balak ko sana na ipagtapat ang nararamdaman ko kailangan naman niya umalis papunta sa ibang lugar at hanggang ngayon mahal ko pa din siya kahit na iniwan niya ko siya pa din kasi ang pinipili nito" sabay turo sa puso niya nag palakpakan naman ang mga tao

"ok lang yan bro nandito naman ako ihh" sabi ni oliver na yayakapin niya sana kaso binatukan naman siya ni tom

Si christine naman ang susunod

" ahh hi pala sa mga hindi pa nakakakilala sakin my name is christine tuazon ako ang kaibigan dati ni sage nung high school days" sabi niya ng nakangiti

"ok sisimulan ko na i was a nerdy,boring student hindi ko pa kilala si sage kasi nung mag transfer ako sa school nila ganito na yung itsura ko nag mahal ako dati ng maling tao ginagawa ko lahat ng sabihin niya, it's our monthsary i planned to surprise him pero ako yata ang nasurprise dahil nalaman ko na bet lang pala ang lahat yung mga ipinakita niya sakin hindi naman pala totoo that's why i tranfer sa school ni sage " ginulo ko lang ang buhok niya ako naman nasa huli tapos susunod na ang mga seniors.

"High school ako nung nakilala ko siya nagka bungguan kami dahil dun sa mga libro na hawak ko dahil dun naging matalik kaming mag kaibigan pero hindi ko naman inaasahan na mahuhulog kami sa isat isa naging kami ng patago hindi dahil sa kinakahiya ko siya o yung relasyon namin natatakot ako na pag nalaman nang lahat ayokong na masira ang pag tingin sakanya ng mga tao dahil lang sa akin pero kailangan ko siyang pakawalan hindi dahil sa ayoko na kanya ayoko lang na mapahamak siya dahil lang sakin."

I Love My Senior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon