Chapter 17

909 21 0
                                    

Kristof's pov

Nandito ako sa hagdan papunta sa rooftop umiinom ng strawberry shake bakit siya nandito. nandito ba siya para sundan si sage?  Sa totoo lang isa siya sa nag kagusto kay sage bago pa maging kami hindi  pa ba niya   matanggap na ako ang pinili niya DATI

Bigla nalang bumukas ang pinto sa rooftop nakita ko siya bakit siya nandito tatayo na sana ako ng umupo siya sa tabi ko

"Nandito na pala siya" Alam na rin pala niya

Hindi nalang ako nag salita

"Wala na ba ko sayo?"

"Wala na ba talaga tayo?" Sunod sunod niyang tanong

" Diba ikaw mismo ang may gusto nito? Na lumayo ako sayo" Sabi ko sa kanya

" Ginawa ko yun para protektahan ka"

"Lintik! Naman sage kaya ko ang sarili ko kung hindi ka lang naging makasarili baka siguro tayo pa din hanggang ngayon ang problema sayo masyado kang malihim!!!"

" Ginagawa ko to para sayo para satin kaya sana maintindihan mo ko"

" Ipaintindi mo sakin sage kasi di ko na alam ang gagawin ko"

" Please wag ka munang bumitaw sakin aayusin ko to babalik ako sayo pero please bigyan mo ko ng oras na ayusin lahat to" Pinagdikit niya ang aming noo tsaka niya ko hinalikan

"Susubukan kong intindihin ka kahit wala akong alam sa nangyayari" Hindi ko alam pero yan ang biglang lumabas sa bibig ko

"Sage?" Tawag sa kanya ng babae na lagi niyang kasama

Tiningnan niya ko na parang sinasabi na " Hinahanap na niya ko look"

Tinangoan ko nalang siya ngumiti naman ito at hinalikan ako sa noo

'' please bare with me" Ngumiti nalang ako

" Sumugal ka nanaman kristof" Sabi ko sa sarili ko bago ako bumaba sana maganda ang desisyon ko

Brian's pov

Nandito ako nakaupo sa bench nang makita ko si jane na nag lalakad na parang may hinahanap anong ginagawa niya dito?

"Ah hi pwedeng mag tanong? " Sabi niya sakin tinuro ko ang sarili ko ma parang hindi sigurado tumango naman ako

''Saan dito ang principals office?"

" A-h k-kaliwa k-ka t-tapos k-kanan t-tsaka ka dumiretso" Bakit ka ba nauutal

Ngumiti naman ito na mag lalakad na sana

" Ah miss gusto mo samahan nalang kita?"

Mag dadalwang isip pa sana ito pero ngumiti siya tsaka tumango

" Btw ako nga pala si brian" Sabay lahad ng kamay

"Jane"

"Nice to meet you '' sabi ko sa kanya

" So tara na"
Habang nag lalakad kami  nagtanong ito sakin

"Mag kakilala ba tayo dati?"

"Ah ngayon palang kita nakita" Sabi ko kahit masakit

" Sorry ah Nag tataka lang kasi ako kung bakit parang ang gaan ng loob ko sayo"

Mag sasalita pa sana ako pero nandito na kami sa tapat ng principals office

" Naku salamat tsaka sorry sa abala hayaan mo pag nag kita tayo ulit lilibre kita"

"Aasahan ko yan ah paalam na magandang binibini hanggang sa muli nating pag kikita" Pabiro kong sabi tumawa lang eto at kumaway
Tsaka siya pumasok sa loob

I Love My Senior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon