PROLOGUE

199 22 16
                                    

This is dedicated to meylkeo , hi kuya! Thank you po ulit sa book cover! Senpai ka talaga😍. Sa susunod na mga story ko po ulit! (Kung meron man) hahaha😂

Third person's POV

"Ganda! Anong ginagawa mo dito ng dis oras ng gabi?"
Tanong ng isang lalaki. Halatang lasing ito dahil sa pamumula ng mukha at sa tono ng boses niya.

"Wala kabang matutuluyan, Miss? Gusto mong sumama samin?"
Tanong naman ng isa pang kasama ng lalaki.

"Masaya kami kasama miss! Siguradong hindi ka magsisisi!"
Dugtong pa ng isa sabay tawanan nilang tatlo.

"Shut your smelly mouth and get lost."
Madiing sagot ng babae habang nakayuko.
Nakasalampak ito sa sahig sa gitna ng Eskinita. May mga Street light sa eskinita kaya Kitang-kita siya ng mga ito.

"Aba! Umi-English si ganda"
Natatawang sabi ng lalaking unang nagsalita.

"Oo nga pre! Mukhang mayaman"
Sagot ding ng pangalawa.

"Pero mataray!"
Dugtong naman ng pangatlo at muli silang nagtawanan.

"Ganda, sumama kana samin. Wag kang mag alala, tutulungan ka namin! Diba mga pre?"
Nagsitanguan naman ang dalawa habang malawak ang ngiti.

Lumapit ang isang lalaki at hinawakan sa balikat ang babae.

"Dali na ganda, tara na"
Sabi pa nito at halos mapangiti ito ng dahan-dahang tumayo ang babae.

"Ganyan nga. Masunurin naman pala 'to mga pre eh hahaha"
Sabay tingin nito sa dalawang kasama na nakangiti rin. Pero nagtaka siya ng unti-unting mawala ang ngiti ng dalawa. Nakatingin ito sa babae kaya agad din siyang napalingon dahilan para magsalubong ang mga mata niya at matalim na mga mata ng babae.

"Anong karapatan mong hawakan ako?"
Halos manindig ang balahibo ng lalaki sa lamig ng boses ng babae. Akma na niyang aalisin ang kamay niya ng mabilis itong hawakan ng babae at pilipitin papunta sa kanyang likuran, kaya ngayon ay nakaharap na siya sa dalawang kasamahan na gulat na gulat.

"Don't mess with me weak mortals. Kahit wala akong kapangyarihan, kaya ko kayong patayin ngayon mismo"
Dugtong pa nito dahilan para mas manginig sa takot ang lalaki at ramdam na ramdam iyon ng babae kaya hindi nito mapigilang mapangiti.

"B-bitawan mo ako!"
Pinilit niyang kumawala sa babae pero mas lalo lang humigpit ang pagkakapilipit nito sa braso niya kaya mas lalo siyang napasigaw.

"Ahhh! Kayong dalawa! Anong tinutunga-tunganga niyo diyan? Tulungan niyo ako dito!"
Sigaw nito sa dalawang kasama dahilan para matauhan ang mga ito.

Mabilis na sinugod ng isa ang babae at inambahan ito ng suntok ng gumalaw ang babae at ipinang harang ang lalaking hawak niya dahilan para ito ang masuntok ng lalaki sa mukha.

"T*ng*n* mo!"
Galit na sigaw ng lalaki sa kaibigan na nagulat dahil sa nangyari.

"H-hindi ko sinasadya"

"Ang b*b* mong hay*p ka! Yari ka sakin pag nakawala ako dito!"
Pagwawala pa ng lalaki kaya binitawan na siya ng babae.

Dahil sa nangyari, nawala ang atensyon ng dalawa sa babae at sila ng dalawa ang nag away.

"Hoy babae! Nandito pa ako!"
Agad namang napalingon ang babae sa isang lalaki.

Akma na siyang susugudin nito ng may biglang sumuntok dito dahilan para mawalan ito ng malay.

Napatingin naman siya sa lalaking nanuntok at napatingin din ito sa kanya.

"Ayos kalang miss?"
Tanong nito sa kanya na halata ang pag aalala. Pero sa halip na sagutin ay tumalikod na ito at naglakad palayo.

"Tsk! Tinulungan na, isnabera pa"
Nakanguso nitong sambit sa sarili.

Tinignan niya yung dalawang lalaki na patuloy na nagsusuntukan tapos yung lalaki na tulog ngayon sa sahig dahil sa sapak niya.

__________

"I don't need anyone's help. I need my power. Babawiin ko ang crown, babawiin ko lahat ng dapat ay akin."

__________ VOTE & COMMENT :)))

The Powerless Master  (Fantaseries#2) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now