Chapter 1: Rules is rules!

124 18 10
                                    

This chapter is dedicated to DakilangPaasaWP , hi! Haha sorry ngayon lang. Anyway, Congratulation sa last game😉. Ang galing mo!

Evelia's POV

"Lia, pinapapunta ka ni Mrs.Serona sa office niya."
Nag angat ako ng tingin kay, Vera.

"Okay, susunod ako"
Sagot ko kaya agad naman siyang umalis.
Inayos ko muna ang mga gamit sa paligid bago umalis.

It's been 17 years simula ng mapadpad ulit ako dito sa mundo ng mga mortal at simula non hindi na ako nakabalik pa ng Crown.
At sa loob ng 17 years, mag isa kong tinaguyod ang sarili ko. MAHIRAP pero KAILANGAN. Marami akong pinag daanang hirap pero lahat yun kinaya ko dahil sa kagustuhan kong muling mabawi ang aking kapangyarihan at ang Crown na binuo ko.

Naging Waitress at Dishwasher ako sa mga restaurants at Fast food chains and now Janitress dito sa Ainst University. At first ayokong pasukin ang trabahong ito dahil duh! Isang Master? Magiging Janitress? Tsk! But i don't have a choice dahil bukod sa Sagot ng University ang matutuluyan namin ay Free pa ang mga gastusin sa bahay. At sa loob din naman ng 3 years na pagsisilbi ay tumaas ang rango ko, ako na ngayon ang namumuno sa lahat ng trabahador dito.

"Pinatawag mo daw po ako?"
Tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng office niya.

"Yes, Ms.Lia. Pinatawag kita dahil gusto kong malaman mo na may mga parating tayong Important Visitors tomorrow. VERY IMPORTANT, kaya make sure na nasa maayos ang lahat sa university."
Sagot niya kaya napatango nalang ako.

"And! i want you to prepare a simple but elegant party, ONLY for them. Students are not allowed. Understand?"
Dugtong pa niya.

"Yes Mrs.Serona"
Sagot ko at lumabas na ng office niya.

"Lia!!!"
Halos mapatakip ako sa tenga ko sa lakas ng sigaw niya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong tahiin ko yan!"
Singhal ko sa kanya dahilan para matigilan siya.

"Hmmp! Yan nalang lagi ang panakot mo sakin. Wala nabang bago?"
Pilosopo niyang sagot kaya mas lalong nag init ang ulo ko.

"Shut up! Ang sakit mo sa tenga."
Sagot ko nalamang at iniwan na siya.

"Hoy teka! Lagi mo nalang akong iniiwan! Wala kana bang bagong style?"
Sigaw pa niya at hinabol ako.

She's Mea, my roommate. Halos isumpa ko ang  landlady dahil sa dinamidami ng pwede kong maging roommate, ang babaeng 'to pa! Nakakarindi ang boses niya.

_______

Kinabukasan, maaga palang ay nasa university na ang lahat para mag umpisa sa paghahanda. Half day lang ang pasok ngayon ng mga Students dahil may gaganapin ngang party para sa mga importanteng bisita.

"Ngayong alam niyo na kung saan kayo naka assign, magsikilos na kayo!"
Sigaw ko sa kanila matapos kong ipaliwanag sa kanila ang kanilang mga gagawin at kung saan sila naka assign.

Nagsiwatak-watak naman sila at sinimulan na ang pag aayos. Palakad-lakad ako para i-check ang mga ginagawa nila. I have to make sure na maayos ang lahat dahil sakin pinagkatiwala ni Mrs.Serona ang party na ito.

"Tsk, na promote lang yumabang na"

"True!"

"Ano ba kayo? Kahit noong hindi pa siya napo-promote mayabang na siya no!"

"Bagong salta pa nga lang niya dito, makaasta na siya akala mo isang reyna"

"Yes i am. And you know what? I am the worst and most brutal queen in the world."
Halos mapatalon sa gulat ang apat ng bigla akong magsalita sa likod nila.

The Powerless Master  (Fantaseries#2) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now