Chapter 2: idol!

92 16 14
                                    

Third person's POV

"L-lia, kailangan ba talaga nilang gawin yan? Tayo yung j-janitress dito h-hindi sila."
Sabi ni Mea na nakatayo sa tabi ni Evelia na kanina pa tahimik habang pinagmamasdan yung dalawa na todo sa paglilinis ng buong garden.

"M-mayayaman ang mga yan, hindi sanay sa gawain, baka kung mapano sila. L-lia, baka malagot tayo. Sabihin nalang natin kay Mrs.Serona"
Pangungulit pa nito kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni, Lia.

"Why are you still here? Pinauwi ko na ang lahat. Dapat sumama kana sa kanila"
Sagot nito at muling binalik sa dalawa ang atensyon.

"R-roommate tayo kaya hindi kita dapat iwan dito ng mag-isa at isa pa"
Huminga muna ito ng malalim bago ulit nagsalita.
"Gusto kong mag sorry, alam kong mali na sinigawan kita pero nag aalala lang naman talaga ako sayo. Halos 4 years na tayong magkasama kaya para sakin, kapatid na ang turing ko sayo."
Bigla namang natigilan si Evelia dahil sa narinig.
"Nakakatuwa pa nga dahil pareho tayong kumakayod para sa sarili natin dahil wala na tayong ibang malalapitan, wala na tayong ibang pamilya."
Dugtong pa nito sabay tingin kay evelia na ngayon ay tila napakalalim ng iniisip.

"Hindi tayo magkapareho"
Halos pabulong na nitong sagot pero rinig na rinig niya parin. Sinundan niya ito ng tingin ng maglakad ito palapit sa dalawa.

"Bumalik na kayo sa dorm ninyo"
Natigilan naman ang dalawa at nagkatinginan. Hindi pa kasi sila tapos maglinis. Naglakad na ulit paalis si Evelia kaya agad na nilapitan ni Mea ang dalawa.

"Sige na, umuwi na kayo. Ako ng bahala dito"

"S-salamat po"
Sagot ng dalawa at agad namang umalis.
Sinundan sila ni mea ng tingin hanggang sa makalayo sila. Hinanap naman agad ng paningin ni Mea si Evelia pero hindi niya na ito makita kaya pinagpatuloy nalang niya ang paglilinis.

Siya nalang mag isa doon dahil pinauwi na ni Evelia kanina ang lahat ng staff dahil nga sa dalawang estudyante na iyon niya ipapagawa ang paglilinis.

___________

Pagkarating ni Evelia sa apartment na tinutuluyan nila ay agad siyang humilata.

'Halos 4 years na tayong magkasama kaya para sakin, kapatid na ang turing ko sayo'

'Nakakatuwa pa nga dahil pareho tayong kumakayod para sa sarili natin dahil wala na tayong ibang malalapitan, wala na tayong ibang pamilya'

Muli nanaman niyang naalala ang sinabi ni Mea kanina. Paulit-ulit iyon sa isip niya hanggang sa makatulog na siya.

Ilang oras din ang lumipas ng maalimpungatan siya. Umupo siya at tinignan ang relo sa kamay niya.

1:30 AM

Agad siyang napatingin sa katabing kama. Napakunot pa ang noo niya ng walang Mea na nakahiga doon.

"Hindi pa rin siya nakakauwi?"
Tanong niya sa sarili.
"Tsk! Ano bang pakialam ko sa kanya."
Humiga siya ulit at ipinikit ang mga mata.

Kalahating oras na ang lumipas pero hindi parin siya makatulog, at hindi parin nakakauwi si Mea. Walking distance lang naman ang apartment nila sa university kaya bakit hindi parin ito nakakauwi? At sa pagkakatanda niya ay konti nalang at matatapos na ang lilinisin nung dalawa kaya kahit mag isa siyang maglinis doon ay hindi na siya aabutin ng 30 minutes.

Napabuntong hininga siya at inis na tumayo at lumabas ng kwarto nila.

___________

"P-pwede naba akong umuwi ngayon?"
Tanong ni Mea sa tatlong lalaki na kasama niya. Lasing na lasing na ang mga ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Powerless Master  (Fantaseries#2) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now