Chapter 1

16 4 0
                                    

Enjoy reading!

Chapter 1:Imperial Family


Joyce P.O.V.

"Ate Myka!!!"malakas kong tawag sa ate kong nasa baba.

"Ano yun???"sigaw naman niya sakin pabalik.

"Nakita mo ba yung plantsa natin,hindi ko kasi mahanap e!"pasigaw kong tanong sa kaniya,hindi niya kasi ako maririnig kung hindi ako sisigaw,ang layo ko kaya.

"Hiniram ni ate Gaga,ayan napapala mo hindi kasi kumikilos ng maaga.Kung plinantsa mo na yang uniforme mo kagabi edi sana isusuot mo na lang tapos ngayon sisigaw-sigaw ka diyan.Kunin mo dun kay ate Gaga!"pangaral niya sakinate.Tingnan mo to nagtanong lang,ang dami agad sinasabi.

Bumaba na agad ako pagkasabi ni ate,maaga kasi ang pasok ni ate Gaga sa trabaho niya kaya naman kailangan kunin ko agad yun lalo na't mag-isa lang siya sa bahay tapos nilolock pa niya yung bahay niya bago umalis kaya pano ko makukuha yun diba?

Oo nga pala,baka nagtataka kayo kung bakit Gaga yung tawag namin sa kaniya.Ang totoo kasi niyan Elga talaga yung pangalan niya kaso nga lang pang matanda daw yun kaya sinabi niya samin Gaga na lang daw.18 pa lang yun si ate Gaga at working student siya sa isang coffee shop.

Pagkababa ko nakita ko kaagad yung ate ko na nagluluto ng itlog at hotdog napansin niya ata ako kaya tumingin siya sakin.

"Oh ano pang ginagawa mo diyan,Kunin mo na kay ate Gaga yung plantsa ng makapagbihis kana."sigaw sakin ni ate.Ganyan talaga si ate magsalita kaya sanay na kami diyan.

"Myka,hinaan mo yang boses mo may natutulog pa oh"saway ni kuya Mike kay ate pero inirapan lang sya ni ate Myka sabay tingin sakin.

"Oh!ano pa hinihintay mo?!punta na dun"masungit na sabi ni ate Myka sakin.

"Oo na."sabi ko sabay lakad palabas.

Kami lang magkakapatid ang nandito sa bahay kasi yung mama namin nagtatrabaho siya sa ibang bansa at yung papa naman namin ay stay in sa trabaho niya pero okay lang naman samin kasi kaya naman na namin na kami lang pero syempre hindi naman namin maiiwasang hindi malungkot minsan pero masaya kami na kinakaya namin yung mga oras na yun.

"Ate Gaga!!"sigaw ko nang makarating ako sa tapat ng gate ng bahay niya.

"Sino yan?Saglit lang ha!"sigaw niya sakin pabalik.

"Ok lang po,take your time.Wala naman pong nag-aantay e"rinig ko yung pagtawa ni ate Gaga sa sinabi ko kaya napatawa na rin ako.

Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin si ate Gaga na may hawak na sandok.

"Oh,ikaw pala yan Joyce.Anong kailangan mo?Sorry kung nag antay ka ha nilipat ko pa kasi yung niluluto ko."sabi niya sakin.

"Okay lang po,Ate Gaga ginagamit niyo pa po ba yung plantsa?"

"Ahh.yung plantsa ba?Oo,tapos ko nang gamitin.Sorry nga pala nasira kasi yung plantsa ko eh."

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon