OBOL 3: Birthday Girls

9 2 0
                                    

Pagkatapos maligo ni Alexandra ay nagbihis na sya ng kanilang uniform. Ang kanilang uniform ay sailor type, knee sack ,black shoes , at kanilang blouse ay kulay white, at maikling palda na kulay.

"Our uniform really suits to you friend"pagsasabi ng totoo ni Daniela.

"Oo nga friend"sabat ni Angeline.

"Well".

"Kailan ba tayo aalis friend?".

"Just wait, I'm gonna put some lipstick on my kissable lips".

"Ang ganda ha!"

"Ano kaba lipstick lang to".

Alexandra looked at the mirror and then she saw a beautiful girl with lipstick. She also put earings , necklace and make ups. And now she really looks like a bad a girl.

"Let's go girls!"

"Nakakatakot Ka naman friend, diba Daniela?".

"Oo nga, kaya walang nangbubully sa'yo e".

"Subukan lang nilang kalabanin ako". "Tara na nga dami nyo Alam e"

Pagbukas nila ng pinto nagulat sila ng may nakita silang payat na matandang babae at namumutla at ito ay si Aling Gloria.

"Tita ano pong ginagawa nyo dyan?"tanong ni Angeline.

"Hinihintay ko lang si Alexandra na lumabas may sasabihin lang ako sa kanya"sagot ni Aling Gloria

"O bakit?"walang galang na tanong ni Alexandra.

"Pasok po muna kayo Tita!"

"Wag na papapasukin pa e, may sasabihin lang naman yan. Ano ba Yung sasabihin mo?"tanong ni Alexandra.

"Anak ito 500 o ipambayad mo sa tuition mo" sabay abot ni Aling Gloria ng pera. "Yan lang muna ha maibibigay ko sa iyo"

"Asan allowance ko?"

"Ay oo nga pala anak may kinita ako sa aking paglalaba,o ito o" sabay bigay ng 300 Kay Alexandra.

"Itong 500 at 300 na lang ang allowance ko para 800, maglaba Ka na lang uli para sa pang tuition ko".

" Ay sige anak, pakabait Ka ha".

"Oo na, Tara na girls".

"Sige po Tita mauuna na po kami" pagpapaalam ni Angeline at Daniela Kay Aling Gloria.

"At tsaka anak" sabi ni Aling Gloria pero hindi na nya naabutan ang mga ito dahil malayo na sila. "Happy Birthday!,mahal na mahal kita" bulong niya.

***

"Alexandra bakit ganun ka sa mama mo?,di ka ba naaawa?".tanong ni Daniela sa kanya habang nakasakay sila sa jeep.

"Hayaan mo sya,kasalanan naman nya kung wala akong utang na loob sa kanya e".

"Walang kasalanan si Aling Gloria Alexandra, alam mo yan!"sabat ni Angeline.

"Anong wala?!, Hindi nya ako binibigyan ng magandang buhay at kinabukasan!".

"Alam mo namang yun lang ang trabaho ni Aling Gloria!"

"Yes I knew it,and can we please don't talk about her. I don't want to talk about her anymore".

Then they stop talking and just sit while riding the Jeep. Until Alexandra remember about her mom.

***

Pagkatapos maipark ni Joylene ang kanyang kotse sa parking lot ng school ay pumasok na sila ni Rose sa kanilang room at nagulat sila ng..

"Happy Birthday to you!(2x)
Happy Birthday Dear Ate Rose!
Happy Birthday to you!"

"Bakit may pasurprise?haha!"tanong nya sa mga ito at nandoon rin ang kanyang Mommy and Daddy.

"Ganun talaga babe,Happy 16th Birthday!"then she kissed by her mother.

"Happy 16th Birthday honey"her father also greet her then hug her.

"Thank you Mom and Dad, and thank you for gaving me a birth!.

Nagkatinginan si Mrs. Amor at Mr. Antonio at parang naging awkward sa kanila ang pangyayaring iyon.

"Blow your candle na babe and wish".

"Okay mom".

So Rose started to wish and blew the candle.

"Sana magkaroon ako ng sister!".

***

"Para po dito na po kami"sigaw ni Alexandra sa driver at bumaba na sila.

Pagbaba ni Alexandra sa jeep ay nakita na nya agad ang pangalan ng kanyang school na University of Cavite.

Pagkapasok pa lang nila Alexandra sa loob ng school,dumeretso agad siya sa CR ng Girls.
Pagkapasok nya dito pumasok agad sya sa isang cubicle ng walang paalam, nakita nya kaagad si Maricris at agad nya itong sinampal ng napakalas at sinabunutan, kinaladkad niya ito papunta sa labas ng cubicle at pinagsasabunutan ng walang patid.

"Bakit mo ba laging inaapi kaibigan ko?!,ano ba ginagawa nya sa'yo?ha!?"gigil na tanong ni Alexandra habang gigil rin sa pagsabunot sa buhok nito at pagsampal sa mukha nito.

"E sa ayoko sa kanya e!"habang lumalaban hanggang sa mahawakan na rin nya ang buhok ni Alexandra at sinabunutan nya rin ito. Kaya nagsasabunutan na sila lang dalawa ng walang patid.

"E kung ayaw mo sa kanya bakit kailangan mo pang saktan yung tao?".sigaw na patanong ni Alexandra. Hanggang sa marami ng dumadating na tao sa loob ng CR at may mga ilan na rin ang nagvivideo. Ngunit wala silang pakialam doon dahil galit na galit sila. Hanggang sa dumating rin ang mga kaibigan ni Alexandra.

"Alexandra tama na yan!"pag awat ni Daniela kay Alexandra. Inawat na rin ng mga kaibigan ni Maricris ang dalawa.

"Tumigil na nga kayo"awat ng isa sa kaibigan ni Maricris.

"Alexandra ano kaba? Nananahimik dito si Maricris e pinagsasabunutan mo!"sigaw ni Franzy isa sa kaibigan ni Maricris.

"Binubully nya kaibigan ko, kaya may rason ako para gawin yan sa kanya!"

"Kaibigan?,kaibigan mo yang mga yan?"sabay turo ni Nicole na isa ring kaibigan ni Maricris sa dalawang kaibigan ni Alexandra. "Look at you Alexandra, ang ganda mo tapos sumasama ka sa mga katulad nila?".

Medyo natameme si Alexandra sa sinabing yun ni Nicole.

"If I were you sa amin ka sumasama hindi sa mga katulad nilang..ayoko nang sabihin baka matawa pa ako"pang aasar ni Nicole.

Naoffend si Angeline sa sinabi ni Nicole at hindi nya napigilan ang sumali sa away.

"Anong sabi mo?ano kami ha?"sigaw ni Angeline

"Oops,wala pa akong sinasabi!"mapangasar na sabi ni Nicole.

Lalong nag-init si Angeline kaya sinugod nya si Nicole at sasampalin nya sana ito ng hawakan ni Nicole ang kamay na sasampal sa kanya.

"Once na dumampi yang kamay mo sa pisngi ko,kakaladkarin din kita katulad ng ginawa ni Alexandra kay Maricris!".pagbabanta ni Nicole. "Diba friend?"sabay tingin kay Alexandra".

"Itigil mo na yan Angeline, hayaan mo na sila"walang emosyong awat ni Alexandra kay Angeline at bigla itong umalis at iniwan ang mga kaibigan.

Nagtaka si Daniela sa inasal ni Alexandra dahil hindi sila basta- basta iniiwan nito lalo na sa ganitong scenario.

Agad na binitawan ni Nicole ang kamay ni Angeline at nagsi alisan na ang magkakaibigan.

"Tara na girls" pag -aaya ni Nicole sa kanyang kaibigan.

Naiwan si Angeline ng natulala sa mga nangyare.

"Bakit?bakit kami iniwan ni Alexandra ng basta-basta?"tanong nito sa kanyang sarili.

One Blood,One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon