Chapter 1

14 5 0
                                    

Chapter 1: THE CRAZYAAHH ENCOUNTER

"Gisingin mo na kasi!"

"Ayoko nga! Baka ano pa gawin nito sa'kin!"

"Gisingin mo na nang makaalis na tayo!"

"Eh kung ikaw na kaya? Ikaw nakaisip eh? Baka lapain pa ako ng buwayang to! Swerte mo lang?!"

Halos mapunit na ang tenga ko sa ingay ng dalawang minions na kanina pa nag bubulungan. Kanina ko pa sila naririnig mula dito sa banyo. Halos pasado alas 3 na nang hapon ako nagising. Medyo mahaba haba rin ang tulog ko at hindi man lang ako nakapag agahan at lunch.

" Ikaw na! Gisingin mo na nga yang bruhang yan!" Rinig kong sabi ni Gil

Agad kong ibinagsak ang toothbrush ko at sinilip sila galing sa loob ng banyo. They were standing there malapit sa bedside table ko at parang mga timang na nagtutulakan pa.  Halos mapunit pa nga ang tshirt ni Gil dahil kay Hejane na kanina pa siya itinutulak papalapit sa higaan ko para bang pain na alay sa kung ano mang halimaw na kakain nito. Tsk! These kids. Napasapo nalang ako sa aking ulo at agad na lumabas ng banyo matapos kong ayusin ang sarili ko.

Ni hindi man lang nila napansin na nasa likod na nila ako at patuloy parin na nag tutulakan. My poor baby junhoe mukhang maiistorbo pa nang dalawang bubwit nato.

"Anong ginagawa niyo dito mga bubwit?"

Halos mapatalon pa silang dalawa dahil sa gulat. They gave me a deathly glare yung tipong may nasabi pa akong masama.

"Wag mo nga akong tawaging bubwit! Kung itong si Hejane ang sabihan mo nang ganyan matatanggap ko pa wag lang ako!"
Reklamo naman ni Gil. His ears are turning red at alam kong naiinis na ito.
Natawa naman ako sa reaksyon niya, thats why I love to tease him pikon masyado.

"Hoy! Anong ako? Kung sakalin kaya kita diyan?"
Bulyaw naman ni Hejane. She's Gil's bestfriend or should I say ang naiisang kaaway niya simula nang fetus pa sila dalawa.  Gil is my younger brother, he's 15 years old at ganun din si Hejane. Hejane is our neighbor at walang araw na hindi ko siya nakikitang wala dito sa mansion.

"Yah! Awat na!Ano ba kasing ginagawa niyo dito?"
Pagaawat ko sa kanila dahil halos magbugbogan na sila sa harapan ko. God! What am I going to do with this kids

"We need you as our chaperone"
Walang prenong sabi ni Gil sabay napangiti naman nang malapad si Hejane at napapacute pa. Napataas naman ang kilay ko nang marinig kong sinabi niya.

"What? So gagawin niyo akong third wheel sa love story niyo? No thanks lumayas na kayo"
Sagot ko at nilampasan sila. I walked towards my closet ni hindi man lang nilingon sila at parang wala man lang naririnig.

"Yucks! Lovestory? Kahit kailan diko magugustuhan ang mukhang paang to no?"
Sigaw ni Hejane na tila diring diri pa.

"Lalo na ako no?! You're not my type! At isa pa I hate those girls na hindi man lang makapag ayos ng buhok niya! Tingnan mo buhok mo parang liliparin ka na dahil sa mga kuto mo! Hahaha"
Sagot naman ni Gil na kahit kailan hindi man lang marunong mag filter sa mga salitang lalabas sa bibig niya. If I were Hejane baka matagal ko nang napatay si Gil.

"Aysh! Tumahimik nga kayo! Kung nandito lang kayo para mag away, mawalang galang na lumayas kayo"
Bulyaw ko sa kanila sabay turo sa direksyon kung san nandon ang pintuan. Kailan pa ba magtitino ang dalawang to? Agad akong umupo sa higaan ko at kinarga si junhoe. Nagugutom na ako I need to fill my stomach lalo akong nahihilo sa dalawang to.

"Its an order Reign, I already talked to grandpa na may lakad kami at sabi niya papayagan niya kaming umalis  kung isasama ka namin"
Agad akong napatingin sa kapatid ko na seryosong nakatingin sa akin ngayon. So kasalanan ko pa ngayon na hindi sila makakaalis pag di ako chaperone?. Agad ko siyang tinaasan ng kilay.

Me, You how about Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon