Chapter Two

29 0 0
                                    

Don't

Sina tatay at nanay ay isa lamang sa mga trabahador ng Pamilya Del Vergara, si tatay ay ang namumuno sa mga trabahador dito sa Goods and Crops Production, Si Nanay naman ay ang tiga luto sa mansyon ng mga Del Vergara. Master Chef kunbaga. Dito kami nakatira sa loob ng Hacienda, mga piling tao lang ang pinahihintulutang manirahan dito sa loob at ang ibang trabahador ay galing sa labas ng Hacienda.

"Sunny, anak!"

"Oh, nay! Ba't bumalik kayo?"

"Sumama ka sakin sa mansyon at tulungan mo ako." Nagtataka ko namang tiningnan si nanay, humihingi ng karugtong sa sasabihin.

"Hay! Nakasalubong ko si Pepe ang sabi niya, pumunta raw si Tintin sa ospital dahil manganganak na raw ang anak niya. Kaya wala akong katulong sa pagluluto." Paliwang niya.

"Nasaan na ba ang tatay mo?"

"Nasa sakahan na po, kasama si Zoren at Nisha."

"Aba'y halika na. Malayo pa ang lalakarin natin papuntang mansyon."

Sumunod naman ako kay nanay.

"Nay, meron pong shuttle car." Turo ko sa sasakyan.

"Sige, sumakay na tayo."

"Magandang umaga po, Kuya Roy!" Bati ko sa driver.

"Mukhang kailangan na kayo sa mansyon, Aling Esther."

"Oo nga, Roy. Gising na ba sila?" Tanong ni nanay, nakikinig lang ako sa usapan nila habang ako nagmumuni muni sa lawak at ganda ng Hacienda.

"Hindi pa po, napuyat yata ang mga bisita. Dahil nung dumating kaninang madaling araw ay nag kwentuhan pa. "

"Ah, ganoon ba?  Sa palagay ko darating tayo sa mansyon ng tamang oras para makapagluto ng agahan. "

"Opo, Aling Esther. "

Sa pagmumuni ko ay napansin kong may taong nangangabayo sa bandang kanan ko ngunit sobrang layo pa neto,  kaya hindi ko mamukhaan. Papalapit kami at mas lalo kong nakikita ang lalaking sakay ng kabayo.

"Gising na pala si senyorito Aristotle." Puna ni Kuya Roy sa lalaking na ngangabayo sa di kalayuan.

"Siya na ba ang anak nina Sir Antonio at Ma'am Margaret, Roy?" Tanong ni nanay.

"Ah, opo Aling Esther."

"Matagal tagal na rin bago ko siya nakita ah."

"Diko nga po alam kung paano siya napapayag na muling bumisita dito sa Hacienda."

"Oo nga ano, matagal nang di siya napaparito. Ang alala ko, walong taon palang nu'n si Sunshine at si senyorito ay labing dalawa naman."

"Ganyan po siguro talaga, eh mas maganda at maraming napapasyalan sa maynila at ang alam ko sa Amerika siya nag kolehiyo." Kwento ni Kuya Roy.

"Kaya naman pala." Pagtatapos ni nanay sa kwentuhan.

"Ano kaya ang tinapos niya?"

"Architecture, Sunny."

Nagulat ako sa sagot ni Kuya Roy, napalakas yata ang boses ko. Akala ko ay sa utak ko lamang naitanong iyon. Nakita ata ni Kuya Roy at nanay ang gulat kong ekspresyon kaya tinukso nila ako.

"Bakit, Sunny? Gusto mo ba siya? Na love at first sight kaba?" Tumawa si Nanay at Kuya Roy.

"Hindi po kuya, wala pa yan sa isip ko." Pagdepensa ko.

"Talaga lang huh? Ay. Senyorito Aris, Good Morning po."

Hindi ko man lang namalayan na huminto pala ang shuttle at narito na sa harap namin ang isa sa mga apo ni Don Gabriel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hacienda Del Vergara: Sunshine SiascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon