Chapter 13: Reunited Not

424 10 0
                                    


ZHANIAH SCOTT

Of course, after what happened yesterday, pinauwi nila ako agad nung sinabi ng nurse na pwede na akong umuwi, hinatid pa nga ako ni Adrianne.

I tried asking him na rin kung ano yung ibig niyang sabihin sa sinabi niya saakin last month like dude, one month na at ilang beses ko na rin siyang natanong pero ang lagi niyang sagot ay 'Basta'.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa cr para maligo, tumapar muna ako sa may salamin para tignan ang sarili ko, ang payat payat ko, ang pale ko rin. Kumakain naman ako lagi ng marami pero ang payat ko pa rin dahil ba ito doon? Aish, ewan.

Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako at nag breakfast, though cereal lang talaga ang kinain ko. Pagkatapos ay nag pahatid na rin ako kay Manong Raven papunta sa school, "Mauna na po ako Manong," sabi ko at ngumiti.

"Sige Young Miss, mag iingat ka."

Habang nag lalakad sa hallway ay isinuot ko muna ang headset ko at nakinig sa EXO, this can calm me at least for a while, I thought.

Nagulat nalang ako ng may biglang humila sa headset na nasa right ear ko, "Pa share ah," masayang tugon ni Ten, wait close ba kami? Inirapan ko lang siya at binawi ang headset ko.

"Wait! Zhaniah sandali!" Mas malakas pa yata sa volume ng phone ko ang boses niya kaya't narinig ko parin siya, napatigil ako sa pag lalakad at hinarap siya, "Bakit ba?," halata sa tono ng boses ko ang pagkaasar pero hindi pa rin yata niya iyon napansin dahil nga manhid siya.

Napabuntong hininga siya bago nag salita, "Please, let me just explain. Gusto ko lang ng closure. Pagkatapos titigilan na kita," sabi ni Ten habang parehas kaming nag kakaroon ng staring contest.

Wala akong nagawa, I sighed and then nodded. "After school, sa may malapit na Starbucks sa Light Subdivision." Sagot ko, kita naman sa mukha niya ang napakalaking ngiti bago nag pasalamat at umalis.

If he just wants closure, then so be it. Para matapos na ang lahat ng 'to.

Mag lalakad na sana ako ulit ng bigla kong makita sa harap ko si Gio, long time no see, or should I say no time no talk?

Pareho lang kaming nakatayo doon at kapwa nakatitig sa isa't isa, I just found myself looking away then started walking pass him, hindi niya rin naman ako papansinin, so bakit pa.

Pagpasok ko naman sa room ay naabutan kong magkatabi sina Shawn at Gabriela, hindi naman nila ako napansin dahil hindi naman ganoon kalakas ang pagbukas ko sa pintuan at hindi pa naman ako tuluyang nakakapasok.

Umatras ako palabas at sumandal sa dingding habang hawak hawak ang dibdib ko, shit ano ba 'tong nararamdaman ko? Nag kakagusto na yata talaga ako sakaniya, for the past month, hindi ko pa rin na coconfirm kung gusto ko ba talaga si Shawn, pero ano 'tong epal na feeling na 'to? Nakakainis naman. 

"In love kana 'no?," napa tingin ako sa may left side ko at nakita ko si Mariah, shit. Bakit siya andito? Oh yeah, classroom niya rin pala ito, mag kaklase na nga pala kami, tanga mo talaga Zhaniah.

"In love? Anong in love ang pinag sasasabi mo diyan, Mariah? Magtigil ka nga!" Suway ko sakaniya, ngumiti lang naman siya ng nakakaloko bago kami tuluyang pumasok sa classroom. Hindi ko nalang nilingon si Shawn dahil pakiramdam ko ay nakatingin siya saakin, that would be awkward.

"Zhaniah!"

Narinig ko ang pagtawag saakin ni Nate at nag taas pa ng kamay, andito na kami ngayon sa cafeteria dahil break na namin, ngumiti naman ako sakaniya bago nag simulang mag lakad papunta doon.

Habang kumakain kami ay nagulat kami sa taong nasa harap namin na bigla nalang nag salita, "Pwede bang makiupo?," halos mabilaukan na kami ng makita namin kung sino ang mga iyon.

"Sige, Gio maupo na kayo," sabi ni Mariah, pero ang mas lalo pa naming ikinagulat ay ang biglang pagtawag ni Ice kay Gabriela.

"Saan ako uupo?," pa inosenteng tanong ni Gab, wala ng bakanteng upuan sa side nila Gio at saamin meron pa, at sa kamalas malasan ay sa tabi ko pa at ni Adrianne.

"Sa tabi ni Adrianne," sagot naman ni Ice, uupo na sana siya pero hinila ako ni Adrianne palaput sakaniya, "Sa tabi ko uupo si Zhaniah, diyan ka nalang," walang buhay na sabi ni Adrianne, so in the end naging katabi ko pa rin si Gab, naku ayaw lang yata niyang katabi si Gab kaya niya ako hinila, hmp.

Ang awkward ng atmosphere, sobra. No one dared to talk. Halos lahat ay nag papakabusy sa sarili nilang buhay, akala ko pa naman mag kakaayos na kami, meron pa rin pala si Gab.

Kasalanan ko talaga 'to. Dapat una palang hindi na ako pumayag na ipakilala siya sakanila. It may sound selfish, pero selfish na kung selfish as long as I keep my friends.

Sa sobrang tahimik ng table namin at halos ibang studyante lang ang naririnig namin, nagulat kami sa biglang pag ring ng cellphone ko.

Calling Doc Gonzales...

Napatingin muna ako kay Adrianne na nakatingin din sa caller ID, bago ko sinagot. Sa harap nila.

"[Hello, ija?]" sabi ni Doc. "Yes po, bakit po kayo napatawag?," tanong ko ng hindi masyadong malakas ang boses.

"[Oh nothing. Just wanted to remind you about the—]" hindi ko na pinatapos si Doc dahil alam ko naman ang sasabihin niya, "Opo, alam ko po," sagot ko.

Ilang segundo pa ay nag paalam na rin siya at binalik ko na sa bag ko ang cellphone ko, "Mauna muna ako, may kailangan lang akong gawin," paalam ko sakanila, kusa namang tumayo si Gab at pinadaan ako.

Pagdating ko sa locker ay kinuha ko na ang maliit na bottle, at isang bottled water. Inilagay ko iyon sa bibig ko bago uminom ng tubig.

"Zhaniah, ano yan? Bakit ka may gamot?"

"Shit. Harry... No, hindi ito gamot, vitamins lang," pagpapalusot ko at agad na ibinalik iyon sa locker pero naagaw niya agad saakin yung bottle na nag lalaman ng capsule.

"Vitamins? Zhaniah, I know this medicine. My cousin suffers from leukemia. Zhaniah, may sakit kaba?"

"No, Harry. Wala akong sakit. That's not mine. Nahanap ko lang yan dito," palusot ko ulit, hindi niya naman siguro nakitang ininom ko iyon diba?

"Nakita kong ininom mo ito. Why are you lying! Ngayon sagutin mo ang tanong ko, may sakit ka ba?," tanong ulit niya. And I knew this time I had to tell the truth.

"Yes, Harry. May Leukemia ako."

~•~•~•~•

A/n Hello everyone! To those who are reading. Para walang misunderstanding, may sakit po si Zhaniah, Leukemia po, the med she's taking is something her doctor prescribed for her. Don't worry, I'll explain it on the next next chapters para walang lituhan.

Sorry for the crappy story.

Marami talagang sakit si Zhaniah hehe, pagbigyan niyo si Author. Astraphobic siya(Fear of Thunder and Lightning) Phonophobic rin(Fear of loud noises, gaya ng nasisigawan) at may Asthma rin siya. Tapos ngayon na diagnosed siya ng Leukemia.💔

I'm One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon