ZHANIAH SCOTTNagising ako dahil sa malakas na pag ring ng alarm clock ko, tumayo nalang ako at pinatay iyon bago pumunta sa cr para maligo
Pagkatapos ay nag bihis na ako saka bumaba para kumain pero si yaya Linda lang ang naabutan ko, "Nasan po sila mommy?" Tanong ko habang inilalapag niya sa harap ko yung mga pagkain
"Ah, pinapasabi pala nila na umalis sila kaninang madaling araw, iniwan naman daw nila yung card nila doon sa may drawer, gamitin mo lang daw kung may kailangan ka dahil medyo matatagalan daw sila bago ulit maka balik" sabi ni Yaya, tumango nalang ako at nag simulang kumain
"Yaya aalis na po ako!" Sigaw ko at kinuha yung card nila mommy sa drawer bago lumabas at nag pahatid sa school kay Manong Raven
Ngumiti nalang ako kay Manong bago lumabas ng makarating na kami sa school, "Hoy!" Nagulat ako sa biglang paghila ng kung sino sa kamay ko, si Gabriela
Tinanggal ko yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko dahil nasasaktan na ako at namumula na sita sa sobrang higpit ng pagkahawak, "Ano nanaman ba, Gabriela?" Tanong ko habang hinahaplos yung kamay ko
"Ah wala, sorry nahila kita. Pwede bang mag tanong?" Natigilan ako sa biglang pag lambot ng boses niya, teka! Bakit ganito siya umasta saakin ngayon? Akala ko ba ayaw niya saakin?
"Ano yung tanong mo?" Tanong ko nalang sakaniya, "Pwede ba akong sumali sa grupo niyo? Ipakilala mo naman ako sakanila oh, please?" Sabi niya, napakunot naman ang noo ko dahil doon
"Gusto mong sumali sa grupo namin?" Naguguluhang tanong ko, its just weird, dati halos pag bantaan niya na ang buhay ko ngayon naman gusto niyang maging kaibigan rin ang mga kaibigan ko
I sighed, "Okay fine." Sagot ko, wala naman sigurong masamang mangyayari kung ipapakilala ko sita sakanila, kaya naman siguro nila siyang tanggapin, well I don't know for Max and Nate
As if on cue, dumaan sa may gilid namin sina Gio kaya tinawag ko sila, "Gio!" Tawag ko kaya lumingon sila saakin, nakita kong kasama na rin pala nila si Mariah na katabi si Nate, pero nung nakita nila ni Max na kasama ko si Gabriela ay agad nila akong hinila sa tabi nila kaya napatingin saamin yung iba
"It's okay." Bulong ko sa dalawa, "Guys, this is Gabriela, as you all know. My new friend, sana matanggap niyo rin siya" sabi ko habang pinapakilala si Gabriela sakanila, ngumiti naman agad sakaniya sina Ice, Gio, Shawn, at Harry, samantalang nakatulala lang sina Max, Nate, Adrianne at Mariah
"Okay! Let's go!" Sabi ko pang babasag ng sobrang awkward na atmosphere
Nauna ng umalis sina Gio kasama si Gabriela, tapos nakita ko ring katabi pala ni Shawn si Gab, it quite hurts but I just shrugged it off
"Yah! Nababaliw ka na ba?" Bulong sakin ni Max, "Huh? Hindi, bakit?" Inosenteng tanong ko, napa face palm naman si Nate bago huminga ng malalim
"Alam mo naman yung ginawa niya diba? Yung sinabi niya sayo? Then why are you befriending her?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nate, "Maybe, nagkamali lang tayo nag pagkakakilala sakaniya?"
They sighed in defeat, "Zhaniah!" Masiglang tawag sakin ni Mariah kaya nginitian ko siya tapos nauna na kaming nag lakad
"You know, payong kaibigan, I think that Gabriela has an evil plan" sabi niya na ipinagtaka ko, evil plan? Bakit naman siya mag paplano ng ganun? May sama ba siya ng loob saakin? Eh ngayon lang naman kami nag kita at nag kakilala paano siya mag kakaroon ng sama ng loob saakin?
"Evil plan? What kind of evil plan?" Tanong ko she shrugged her shoulders, "I don't know. Yet. But I'll be sure to find that out. Basta don't stat too close to her, baka saktan ka pa niya" napangiti ako dahil sa sinabi niya, Mariah surely cares for me
BINABASA MO ANG
I'm One Of The Boys
FanfictionSi Zhaniah Scott ay isang simpleng babae, may pito siyang kaibigan. Mga lalake. Some might say she's a flirt, but no she's not. She's a fragile girl. But what happens when her friends starts to have feelings towards her? Shit. Bakit ako? Bakiiiiiii...