Chapter 56

59 4 0
                                    

Chapter 56

Alliah's POV

Debut ngayon ng pinsan nila Yoonie, ewan ko ba di ko yun as in kaclose eh.

"Ayy Salamat nakarating kayo, tara dun table natin oh." sambit ni Yoongi-oppa ng makasalubong kami, syempre dahil business related si Mama nakabukod kami sa kanya.

Nang papalapit kami sa table may napansin agad ako.

Mukhang may arrangement na ganap ah? At ito pa, bakit mukhang itatabi nila ako kay Jimin?

Nauna ng umupo si Taehyung at syempre ang natitirang upuan na naandon na tanging bakante ay sa tabi ni Jimin.

I feel so betrayed.

Nagsimula na yung program ng debut. Nananahimik lang ako dito habang titig na nakabaling ang atensyon sa program.

...

"Tara na guys, kuha na tayong pagkain." sambit ni Yoongi -oppa. "Iya, ako na kukuha nung sa atin, sige na, chill ka lang diyan." sambit ng kakambal ko at kumindat pa. Hmp.

Nananahimik lang ako sa table namin, habang pinagmamasdan ang paisa-isa nilang pag-alis. Hanggang ngayon nadarama ko pa rin yung kaba.

Bakit ba kasi ako kinakabahan?

Biglang dumating si Seokjin at Namjoon-oppa.

"Iya, kung ako sayo umaamin ka na din." sambit ni Seokjin-oppa ng makaupo ito, bigla naman itong sinita ni Namjoon-oppa. "Ano ka ba hyung, prinepressure mo naman si Iya, tsaka Iya, umamin ka kapag sigurado ka ha? Wag kang maniwala dito sa dakilang haliparot sa grupo namin." sambit ni Namjoon-oppa at binatukan to bigla.

"Kim Namjoon ha? Haliparot talaga?!" At eto na naman po, welcome sa episode na kung saan tinatalo pa ng dalawang to ang mag-asawa.

"Hoy, kung umasta kayo diyan parang mag-asawa kayo ha." sabi ni Hobi-oppa sa dalawa kaya ngayon ang nag-aasaran ay silang tatlo.

.

.

.

Summary pagkatapos naming kumain.

"Jimin, kunan mo ng tubig or maiinom si Iya."

"Jimin, tulungan mo."

"Jimin, samahan mo pagkuha ng tubig."

"Jimin, alalayan mong umupo."

"Jimin, isayaw mo."

In short, puro Jimin ang maririnig mo. Isa pa, todo sila kung paglapitin kami like, anong ginagawa niyo?

At ito pa, ngayon ay paisa-isa na naman silang umaaralis. Ano bang trip ng mga to? Kami ngayon ni Jimin ang naiwan sa table na to.

Umaakyat na naman po ang kaba sa dibdib ko. Bat ang awkward? Bat– Paano ba to?

"Ahm, Iya." sambit niya. Haharap ba ako o hindi? Bat ang OA ko sis? "Hmm?" sambit ko naman at nagdadalawang isip pa rin kung haharap o hindi.

"Pasensya na kina hyung ha? Medyo ganon talaga sila tsaka–"

"Di okay lang, sanay naman na din ako sa kanila." sambit ko at nakangiti pa. Pangiti-ngiti lang ako pero kabadong-kabado na po ako.

Tumawa naman siya. "Grabe sila noh? Kung makapush. Tapos si Yoongi at Namjoon-hyung naman grabe kung makasita." sambit niya.

May collaboration ata na nagaganap at nadadama ko yon.

~**~

Jimin's POV

Bakit grabe to sina hyung kung makapush?

"Jimin-hyung, alam mo kasi, dapat kinakausap mo si noona." pagbri-bright side ni Jungkook ngayong kumukuha kami ng pagkain.

"Ewan ko sayo, Jungkook." sabi ko. "Tsaka alam kong may crush na iba noona mo so–"

"Hyung! For once unahin mo rin feelings mo." sambit nito sa akin. "Syempre magkaiba tayo Guk, si Yoons nahahalata mo, si Iya, medyo malabo." sambit ko at natawa naman siya.

"Hyung, pati ikaw malabo." sambit niya at tumawa-tawa. Malabo? "Hyung, gusto mo lalo na't papalapit na rin ang pasko, papacheck-upan ko mata mo para maging malinaw sayo." sambit niya at tumawa ulit.

"Ayy ewan ko sayo Jeon Jungkook." sambit ko at ngayon ay nakatingin sakin. "Ayuu, full name, parehas sila ni noona na ganon ang gamit." sambit nito at ngayon ay biglang dumaan si Yoonie.

"Bat ganyan ka makatingin hyung?" sabi niya bigla. "Bakit? Masama ba?" sambit ko naman. "Ewan ko sayo hyung." sambit niya at umalis na rin papunta sa table.

Ngayon inaasar na naman ako nina hyung kay Iya, minsan nakakainis na rin sila eh. Hay nako.

Nagsi-alisan na sila kaya ngayon kami nina Iya ang naiwan, dapat kasama namin sina Yoonie na matitira sa table na to kaso nagkukuha sila ng desserts.

Hyung, for once unahin mo naman feelings mo.

Hay nako Jeon Jungkook.

"Ahm Iya." sambit ko. "Hmm?" bat parang nagdadalawang isip to kung haharap o hindi? Cute. HAHAHAHA.

"Pasensya na kina hyung–"

"Di okay lang, sanay mana din ako." sambit nito at ngayon ay kinakain ulit kami ng katahimikan.

"Nahihiya ako." mahinang sambit ko na narinig niya. "Hoy Park Jimin, ako nga dapat mahiya eh." sambit nito na nagpatawa sakin ng slight. "Bakit naman?" tanong ko. Oo nga, bat naman siya ang mahihiya? "Ewan ko ba." sambit niya at dali-daling uminom ng tubig.

"Grabe sila hyung noh, todo kung makapush eh, tapos sina Namjoon at Yoongi-hyung todo kung makasita." sambit ko na nagpatawa sa amin. "Ayy true ka diyan sis, kakatawa nga sila eh." sabi niya. "Alam mo ba, nakakatawa rin kagabi kasi kwento nina hyung na namali daw si Hobi-hyung ng pagkarinig sa pinapagawa ng teacher nila." sambit ko habang tumatawa-tawa.  "Ha? Paanong–"

"Nagbilang si Hobi-hyung ng wires ng bahay nila kulang na nga lang daw lumabas na siya ng bahay nila." sabi ko at tumawa naman siya. Ang cute talaga,

Paano po pigilan na ma-fall lalo sa taong to?

Ang dami pa naming pinag-usapan na kung ano ano, and napapansin kong di siya nakakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Kinabukasan

Uwian na namin ngayon, medyo mga antok pa ako, actually lahat naman kami, dahil sa debut kagabi.

"Iya!" sigaw ko at lumingon naman siya. "Bakit?" tanong niya. "Di ba sabi ko pwede namang ikaw na lang–"

"Hoy ang ingay ha! Tumigil ka ngani." sabi niya at naiirita siya sa tuwing binabanggit ko yun. "Pero sabay na tayo." pangungulit ko. Alam kong di ako hihindian nito.

"Oo na, no choice ako tsaka ang kulit kulit mo naman eh." sabi nito. Sabay kaming naglalakad ngayon at di ko maiwasang mapatingin sa kanya.

Tuluyan na ata talaga akong nahulog sa taong to.

3rd Person's POV

Nakatingin ito sa bintana ng bahay nila, tinititigan nito ang dalawang naglalakad.

"At sa wakas nakita na muli kita." sambit nito.

"Boss, ano pong–"

"Manahimik ka, naghahanap lang ako ng tamang tiyempo, basta nakita ko na ito."

"Nakita po ang alin?"

"Nakita ko na ang alas, ang magiging susi sa ating kompanya."

"Paanong–"

"Manahimik ka!"

"Sa susunod na pagkikita muli natin."

__________

Author's Note:

Hi, Stream 대취타!

~mochilex4🌙

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon