Office
The meeting went well. Mukha namang hindi nakahalata ang boss ni Amara. Pero ganito pala ang boss niya. Laging galit, palautos, at masungit. Paano kaya niya natatagalan ang ganitong ugali ni Casiel Villavelez? Major turn off! Aanhin ko ang gwapong mukha kung ang ugali ay mas masahol pa sa mabahong isda?
OMG! Why am I so poetic? Hindi pa ako nagtatagal ng isang oras sa opisina ay naiinip na agad ako. Kinuha ko na lang ang phone ko at tinignan ang instagram account ko. Pinaikot-ikot ko ang swivel chair while scrolling on my ig feeds. Buti pa itong best friend kong si Bea. Travel goals ang posts sa ig. Matapos kasi ang blockbuster hit niyang movie ay naipalabas ito sa iba't-ibang bansa sa buong mundo. I typed a comment on her latest post. Kasama niya si Tita Lily sa picture at namahiga silang mag-ina sa snow. Gumagawa sila ng snow angel.
@_bnalvarez PASALUBONG KO LODI! DON'T FORGET. 💖💖💖
And then I clicked send. Dahil na rin sa friendship namin nito ni Bea dumami din ang followers ko at gustong mag fund sa exhibits ko. Marami ring gustong bumili sa mga artworks ko. Pero dahil I'm friends with a superstar nahihiya ako sa mukha ko. Kaya ang ig posts ko ay puro artworks ko at mga photography ko. Mostly mukha ni baby Ash at Aunt Kayla. May mga pictures din ako sa ig account ko pero hindi ko pinapakita ang mukha ko. Pa-mysterious effect ba.
"Make me some coffee." Nagulat ako at napatayo ng marinig ko ang boses ng boss ko. Napahinga ako ng maluwag ng maalala kong may intercom nga pala sa table ko.
"Right away, sir." I said back in the intercom. Ano bang gusto niya sa kape? OMG! What to do? What to do?
I immediately called my sister. Two minutes bago niya sagutin ang tawag ko kaya naman nakatikim siya sakin ng sigaw.
"BAKIT NGAYON MO LANG SINAGOT? MY GOD! NAGPAPAGAWA SIYA NG KAPE! ANONG GAGAWIN KO?" I paniced.
"Chill. Wag ka sumigaw. Hindi soundproof ang pantry." She said.
"Wala namang tao eh." I whispered. Tumingin ako sa loob ng pantry at nang makumoirma kong walang tao pinindot ko ang loudspeaker.
Kumuha ako ng cup at ang kapares nitong platito. I asked her what coffee does her boss like.
"Black coffee. 2 tablespoon of sugar." Sagot nito habang humikab.
"Warm, hot or cold?" Tanong ko.
"Warm. Baka mapaso ang dila ni Casiel." Sagit naman niya.
Mabuti na lang at hindi ako tanga sa pag gamit ng coffee maker. Mahilig rin kasi ako sa kape at may ganito sa bahay. Ang tapang naman ng kapeng iniinom niya. Ang boring siguro ng buhay niya.
"Hindi mo siya tinatawag na 'sir' ha?" Nagtatakang tanong ko sa kapatid ko.
"Nope." Sabi nito at humikab ulit. Mukhang naistorbo ko ang tulog niya kanina.
I raised my eyebrow. "Wala ka bang manners dito?"
I can sense that she's rolling her eyes at me now. "He doesn't want to be called 'Sir'. The last time I called him that he threatened to fire me."
What?! But I've been calling him that...
Holy shit!
"I-I've been calling him 'sir' kanina pa." I stutter.
"What?! Be sure to call him Casiel from now on." Kung kanina ay ang boses niya ay parang inaantok, ngayon na man ay mukhang alive na siya.
"Noted." I sighed.
We bid our goodbyes when I was done making Casiel's coffee. Kinuha ko ang cup nito at inilagay sa tray. Matapos non ay pumunta na ako sa office ni Sir- I mean ni Casiel. As I walked inside his office I saw him sitting on his chair. His eyes are glued to the screen of his laptop. Hindi niya man lang ako binigyan ng pansin dahil nakatutok siya sa laptop niya.
BINABASA MO ANG
Someday We'll Know
RomansAlena Katherine Hilario was asked to pretend to be her twin, Amara, just for a day. Amara is sick and she needed to attend a very important meeting with her boss, but unfortunately tinamaan siya ng malalang sakit. Trangkaso. Alena couldn't do anythi...