Uno

662 8 0
                                    


"Nagiisip naman ako pero kasi Ito na lang ang ginawa ko para Hindi na magiging demonyo ang buhay ko doon, Kung tutuusin pinagiisipan ko pang umalis o wag na lang pero nagdesisyon na ako. Hindi na ako babalik ron, kita mo naman na araw-araw napapahiya ako sa Harap mo nung gusto mong makilala ang mga magulang at kapatid ko." Tumayo ako papunta sa bintana at doon ako nagiisip ng mabuti na tama rin siguro ang ginawa ko. Nagulat ako sa pagtawag ng kaklase ko, ang Dami niyang tanong Kung bakit Hindi na ako pumapasok at Wala sa bahay. Kaya Hindi na ako nagatubling sagutin yon.

"Bakit kasi lumayas ka pa, pwede naman sa bahay ko, free na free ka ron kasi ako lang ang mag isa sa bahay saka magtatapos na tayo ng kolehiyo!"

"Nagsisimula pa wag kang ano, May university naman akong napagtanungan dito, malapit lang pala."

"Ano ba yan Sama kasi ng ugali ng pamilya mo e Kung ako siguro yon minura ko na."

"Hayaan mo na, sige paalam na aasikasuhin ko pa ang papeles ko para makapag-aral na sa Bagong papasukan ko."

"Hmph! Ngayon na nga lang tayo nakapagusap e! O sige bye na.."

*Toot* *toot* *toot*

Sa sobrang bait ko, pati pamilya ko Hindi ko napapansin Sinasaktan na pala nila ako. Gustong gusto ko ng kalimutan yon tama naman panigurado ang naging desisyon ko. Napapaisip nga ako Kung nag-aalala kaya sila nang Wala ako sa bahay o kaya mas ikasaya na nila ang buhay nila ron.

Hinahayaan ko na, tutal don din naman ang mangyayare sa 'kin. Nagpapanggap na walang naririnig at nagpapanggap na walang nangyare pagkatapos nila akong saktan.

Pagmamay-ari ng Lola kong namayapa ang bahay na Ito Laking probinsiya kasi siya at Hindi na niya naiisakaso dahil nakilala niya ang nobya niyang si lolo na lumawas na ng manila kaya nung May anak sila at nakapagasawa sa tamang edad ay ako ang unang ipinaganak ni mommy, nung UNA masaya naman sila ng lumabas ako hanggang sa dumating ang kapatid ko at siya na naman ang inalagaan tulad ng ginawa nila sa 'kin, syempre medyo May utak na kaya hinahayaan ko na. Hanggang sa dumating yong araw na lagi na nila akong sinasaktan pisikal pero kinakaya ko pa rin, sila yung Hindi magsasawang saktan ako araw-araw at binibigyan ng masasakit na salita, iniisip ko pa nga nun ampon lang kaya ako? May Malabo meron din imposible.

Dahil Kung oo, Sana oo na lang para Kung sa gayon Hindi ako kasing Sama nila at kasing walang hiya nila tulad ng trato nila sa 'kin.

May puso din ako nasasaktan.

Ito ang bahay na sigurado akong makakabago sa buhay ko. Naalala ko pa nung nabubuhay pa siya lagi niyang sinasabi sa 'kin na wag kong ipaalam sa kanila ang ibinigay niyang regalo sa 'kin pangpaswerte raw ang bagay na yon. Ginawa ko ang sinabi niya. Walang nakakaalam at ako lang ang May alam.

Kaya naman lumuwas ako dito para magbago ang pananaw sa buhay ko.

Nasiayos ko na ang mga kinakailangan ko sa bagong paaralan, bagong buhay.

Gentle With CareWhere stories live. Discover now