Malaki ang bahay at parang kakasya na sa boung pamilya sa loob nito. Hindi siya nakakatakot o nakakaba man sa paningin May alikabok pero Hindi na masama sa dumi dahil sa mga nakikita ko rito malinis at responsable ang buhay rito. Hindi ko alam Kay Lola at bakit niya ibinigay sa 'kin nito.Akala ko kasing laki lang ng mga bahay na nakikita ko sa mga probinsya Hindi pala, inaasahan ko na Kahit maliit walang umaaligid na problema. Pero masyado siyang malaki para magiging akin Ito. Simula kasi ng nabubuhay siya, payo lang siya ng payo sa 'kin kapag dumating na ako dito. Kailangan kong pangangalagaan ang mga bagay na dapat talaga ay iningatan. Hindi niya sinasagot ang tanong ko Kung bakit niya ako binibigyan ng ganito, basta lagi kong tatandaan ay yung magiingat ako. Yan lang ang naalala ko.
Sa ngayon ay magpapahinga na rin sa wakas, nagpapasalamat ako sa kanya dahil Kahit doon ako tumira pwede naman pala dito. Ngayon ko lang naisipan 'to.
Ang iniisip ko na lang ay makapagtapos ng pag-aaral at maghanap ng trabaho.
Kakarating ko lang kasi nung nakaraang linggo. Muntikan pa nga ako maligaw kasi akala ko maliit lang at sariwa. Nagkakamali naman pala ako. Dahil ang bahay ni Lola ay malaki pa sa inakala ko kaya naman nagpapasalamat ako sa mamang napagtanungan ko. Mababait ang mga Tao rito at binabati ka.
Lahat ng mga bagay na naririto ay masyado talagang inalagaan. May malaking kwarto at banyo. Maliit na Mesa at dalawang upuan. May malaking tv malaking sofa at basta KUMPLETO. Masyosalan pala ang bahay na Ito.
Naglilinis ako pagkatapos Kung Tignan lahat sa loob.
Gaya ng inaasahan ko nagpahinga ako at doon ako natulog sa King size bed na nakahilata sa loob.
Ang pumasok nalang sa isip ko, gusto ko ng tahimik. Tulad dito walang Tao walang magpapanakit sa 'Kin.
Bukas na bukas naman ay pupunta ako sa universidad na nakita ko, medyo May kalayuan pero Keri pa rin.
Lahat kasi ng kagamitan ko mula sa bahay ay dinala ko na, pinagkasya ko sa loob at kasama na ang laptop ko. Lahat dinala ko. Walang kulang walang naiwan.
Nanonood na lang ako ng TV habang nakaupo, May pera naman ako kaya lang kulang. Kailangan ko na talagang magtrabaho Kahit magbebenta lang ng Kahit ano.
Gabi na ng May pumuntang delivery dito kanina, Takang taka ako kasi Wala akong ginawa kundi magluto sa dinala ko at nanonood lang.
Ang sabi nung delivery, pinadala ng Lola ko, ang creepy pero hinahayaan ko na. Baka siguro si lolo ang nag hatid at Lola niya ang nilagay. Isa yung box na malaki at nakabalot na kulay itim.
Kaagad kong binuksan at nagulat na Lang ako."Mga pera?" Takang tanong ko, napakamot pa ako sa sentido ko.
Ilan-ilang mga isang libo. Limang daan at isang daan. Madaming pera ang pinadala?
Nakabalot pa?
Hindi sa nakakatakot pero kinakabahan ako, pero hinahayaan ko na rin at nilagay ko sa kwarto saka doon ko tinago sa cabinet sa tapat ng magiging kwarto ko.
Ngumiti ako. "Salamat Lola, Hindi ako nagsising pumunta rito.." Wala na akong mapagisipan kundi tumira na lang dito habang buhay. Kaysa naman mabuhay doon mala - impyerno naman.
YOU ARE READING
Gentle With Care
VampireHindi ko na kaya, gusto ko ng paligayahin siya, gusto ko. Ako naman ang magpapaligaya ng araw niya. Yung May pag-iingat tulad ng ginawa niya. At May dahan-dahan kapag sinimulan na.