THV5

89 1 0
                                    

Christina

"Good night, Laine." napangite ako at sabay isinarado ang pinto. I waved goodbye. At pumasok sa gate ng Villa. Dito lang ako nag pahatid dahil baka malaman nya na isa akong Morgan pag nakita nya ang Mansion nila papa. Nang makita ko na wala na ang kanyang sasakyan ay nag lakad na ako. Walking distance nalang naman na. Malapit na at naroon na ako sa mansion.

Tinignan ko kung anong oras na. Nakita ko na alas y nueve na ng gabi. Napasarap ang pag lilibang namin ni Mahal. I mean, kael. Hays. Masaya na nakakapagod na nakakakilig. Dahil nag sama uli kami. Na kahit mag kaibigan lang ay okay lang.sisiguraduhin ko naman na maiinlove din sya sakin.

"Good morning, Laine." nakangiteng bumungad sa'kin si kael.   Nagulat ako dahil kapapasok ko palamang sa Gate ng paaralan ay sya agad ang bumungad sa'kin.

"G-Good morning din." utal-utal na sabi ko sa kanya. Puso, easy ka lang jan. Baka mapaano tayong dalawa.

"Hatid na kita sa Classroom mo." nabigla ako ng kinuha nya ang bag ko. Bakit parang ang sweet nya? Atsaka bakit ganto? Bakit sya ang gumagawa ng paraan para mas lalo akong mahulog? Hindi ba't dapat ay ako ang gumagawa ng paraan para sya ang mahulog sa'kin?

Matagal ka ng hulog sa'kanya.

Ayy. Oo nga pala. Pero iba to eh. Baka di ko kayanin kung mahuhulog uli ako sa'kanya. Pano kung iwanan nya ako? Pero baka hindi rin. Sana nga.

"Kamusta ang tulog mo?" ngiteng tanong nito, habang nag lalakad kami paakyat. Tinitigan ko sya at nginitian ko. Puso. Umayos ka ah. Wag kang pintig ng pintig jan.

"Maayos naman. Ikaw? Nga pala, napasaya mo ko kagabi." nginitian ko naman sya. Yung tipong abot hanggang tenga na.

"Hala. Narinig mo sabi ni nerd? Napasaya. Omg."

"Tsk. What a whore."

"Nasa loob nga ang kulo. Yak."

Rinig kong sabi ng mga tao. Napatingin ako sa nag salita. Babae to, maputi sya. Ang isa naman ay morena. Pero mga mukang clone. Dahil sa kapal ng make-up nito.

"Tangina. Hahaha. Wala na atang pumapatol sa nerd na yan eh. Kaya pati si Mikael, binayaran. Tsk Tsk."

Mas lalo akong napayuko ng marinig ko yun. Nais kong mawala ng mga oras na yun. Ganun naba talaga ang tingin nila sa'kin porke't nerd lang ako? Tumingin ako kay Mikael. Napansin kong naka ngisi ito.

Bakit sya nakangisi? Para saan ang ngising iyon? Ng tumingin sya sakin ay nag bawi ako agad ng tingin. Napayuko ako. Habang nag lalakad kami patungo sa classroom ay nalibot ko ang mga mata ko at nakita kong nag bubulungan ang mga tao. At nakikita ko ang pandidiri nila. Ang OA naman nila. Ang gri-green minded nila. Tsaka sa hagdan ko sinabi yun. At nakarating na agad yun dito? Sa 3rd floor? Grabeng pagka chismosa naman yan.

"Dito kana. Ayos naman ang tulog ko. Ako rin NAPASAYA mo KAGABI. So, Sa uulitin?" ngiteng ngite nitong sabi. Mas lalong nag lakasan ang bulungan dahil sa sinabi nyang 'sa uulitin' bat feeling ko mas lalo lang nyang pinadumi ang nasa isip ng mga tao? Sinuklian ko nalang ito ng isang tango at ngumite.

"Sige. Ingat." sabi ko nalang sakanya at papasok na san ako ng hilahin nya ang braso ko.

"Sabay tayo mag lunch, later."  Nginitian nya ako. At sa ngiteng yun parang nawala ang mga bulungan at nag pukos ako sa mga ngite nya. Kahit alam kong pilit ang ngiteng yun. Ay di ko maiwasang titigan. Napaka gwapo nya kahit na ganun. Kahit na alam kong ayaw nya talaga ang ginagawa nyang pag aaya sa'kin. Bakit mo ba ako nilalapitan? Kung ayaw mo naman pala? May gusto ka nanaman bang makuha, mikael?

Take her VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon