Christina
Pumasok ako ng matamlay ngayong araw na'to. Hindi ko alam kung bakit pero ang sakit ng sinabi ni kael na isa akong pokpok kahit alam ko naman na hindi.
Napatingin ako sa salamin ng CR namin. Gusto ko maiyak. Ang bigat kasi. Bakit sya ganyan? Hindi nya panaman kilala ang isang tulad ko pero sinabi nya agad na pokpok ako.
Kilala ka nya.
Kilala bilang si morgan. Bilang isang laruan na kahit ano man ang kanyang gustuhin ay ibibigay. Laruan lang na kapag pinagsawaan na nya. Ay iiwan nalang ng walang pasabi. At kalilimutan. Pag nanabik, babalikan. Pero mabilis rin na pag sasawaan.
"Don't be sad, girl. Playboy will always be a playboy." napatingin ako sa babaeng nag salita. Nag lalagay sya ng lipstick nya. At nakatingin ito sa salamin. Ng matapos sya ng pag lalagay nya ay nilagay nya ito sa bag nyang maliit.
Maganda sya. May matangos na ilong, mahabang buhok na aabot sa kanyang pang-upo. May kulay ang kanyang buhok na ginto na kinabagay naman nun sa kanya. Ang ganda ng mata nya. Nakakabighaning titigan. Blue eyes. At halatang hindi ito contact lense.
"I'm Queen Alfiya El Defruente. Nice to meet you. See you when i see you again, bitch." nginitian nya ako ng pagkatamis tamis at umalis na. Hindi ko alam pero parang napangite nya ako. Walang halong pang aasar o pangugutya ang pag ka sabi nya ng 'Bitch' hindi ko malaman kung saan ako natutuwa, kung sa pag tawag nya ng bitch o sa sinabi nya. Queen Alfiya. Sana nga mag kita pa tayo. Nais kong makilala ang iyong personalidad.
"Where did you go?" Tanong sakin ng isang estangherong babae. Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Teka. Sino ba'to? Atsaka ba't sya naka-upo sa upuan ni Angel?
"Sino ka po ba?" magalang na tanong ko. Napa-ngisi naman ito, na tila ba'y pinipigilan nya ang pag halakhak.
"Guess." Napakunot naman ako ng noo. Tinitigan ko sya. Ang maikli nyang buhok na aabot hanggang balikat nya ay bumagay sa kanya. At mayroon din itong kulay na light brown. May bangs sya sa side. Matangos na ilong at ang kanyang labi na hindi manlang nilagyan ng lip tint o kahit ano. Ngunit mag ka ganun man ay halata mo rito na medyo mapula. Tinitigan ko ang chokolate nyang mga mata. Kilala ko na kung sino!
"Angel?" Ngumite naman sya. Iyong ngite na bibihira lamang nya mailabas. Lumabas rito ang mga dimple nya. Meron sa right at left chicks nya. At sa gilid ng kanyang labi. Meron din sa left and right.
"Tangina, pre! Ang ganda pala ni Angel pag ngumite!"
"Wooh!"
"Sinayang lang sya ni Dimitri. Tsk."
Napatingin ako sa nag salitang lalaki. Titig na titig ito kay angel. Tinignan ko naman si angel at back to normal nanaman ito na poker face. Nginitian ko nalang sya. Pero i wonder. Who is Dimitri? Yung kaibigan ni Kael?
"Uhmm, Angel."
"yes?"
"Si--" itatanong ko sana kung sinong dimitri ngunit ng bigla nalamang bumakas ang pinto dahil sa pag sipa ng kung sino ay naputol ang itatanong ko. Pumasok doon si kael. Lumapit sya sa desk ko.
"Come with me." natutulala ako. Come with him? Why? Nakita ko na parang nainis sya. Kaya tumayo ako at tinignan ko si angel na parang nag papaalam. Nag kibit balikat lang ito na parang walang pake. Ganern?! Kaibigan ko ba talaga to?
"Uhm.. Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya ng makalabas kami sa classroom at andito na kami sa hallway na palakad sa kung saan man..
Tinitigan ko lang ang matipunong likod nito. Kahit na hindi nya sabihin, ramdam ko na naiiinis sya. Pero saan? Saakin ba?
Tinitigan ko ang place kung saan nya ako dinala. Nasa tambayan kami ni angel. At maayos ang lahat. May mga upuan at table. May pagkain na rin nakahain. Para saan naman to?
"Seat." utos nya. At dahil mahal kita, kael. Susundin kita kahit na ikapahamak ko pa man yan.
Pinag urong nya ako ng upuan. Whoa. Ang gentleman naman nito ngayon. Umupo naman ako. Umupo na rin sya. Kaya mag kaharap kami ngayon.
"It's already 9 am. Mag almusal muna tayo." tinitigan ko sya. Magulo parin ang buhok nya. Halatang hindi man lang sya nag ayos. Pero noong si Wendy ang kasama nya.. Ayos na ayos na akala'y mo ay pinag handaan nya talaga.
Mahal nya si Wendy, eh ikaw? Mahal kaba?
Ba't ko ba pinag kokompara? Oo nga naman. Mahal nya noon pa si Wendy kahit na ilang beses na sya niloloko. Bakit ganun? Kung sino yung seryoso, ginawang laro ang lahat. Ngunit kung sino pa ang Gago, sineseryoso. What a life.
"I'm Sorry." napatingin ako sakanya. Tumigil ito sa pagkain. At tumingin sa'akin. Nabigla ako dahil sa nag Sorry ito. Eh nung time nga na pinahiya nya ako, hindi man lang sya nag sorry eh
"Para saan?" tanong ko. Malay mo, nag sosorry sya sa noon dahil sa pag papahiya nya sa'akin.
Morgan ka noon. Hindi ka nya makikilala. Nerd ka ngayon
Napayuko ako ng maisip yun. Nerd nga pala ako ngayon. Kaya malabong mag sorry sya sa pamamahiya nya noon.
"Sa sinabi ko. Pwede bang makipag kaibigan sa'yo?" ngumite ito. Tinitigan ko sya. Kaibigan nga lang ba talaga, kael?
"I'm Mikael Angelo El Castro." nag lahad sya ng kamay. Tinanggap ko naman iyon. Kahit na naramdaman ko ang kuryenteng dumadaloy at ang pintig ng puso ko ay hinayaan ko. Kaibigan? Wala naman masama kung makikipag kaibigan uli. Malay mo, sa pag-giging mag kaibigan namin ay ma-inlove sya ng hindi inaasahan. Napangite ako sa naisip ko. Sana nga. Mang yari yun. Sana ma-inlove sya. Hindi bilang isang Christina Laine Morgan, kundi bilang Christian Laine Sandoval. Sana ang noon ay di na mang yari.
"Christina. Christina Laine Mor--Sandoval." ngumite ako at shi-nake ko ang kanyang mga kamay.
Mikael
Humanda kana, Christina. Masasaktan ka lang. Sa'akin muli ang wagi. Excited na akong manakit uli ng isang babaeng madaling maloko. Mga babae nga naman. Tsk.
---❤
A/N:
Lame update lol
BINABASA MO ANG
Take her Virginity
Humor"How can you take my virginity? if it's already taken by you?"