*Jihoon's*
Nagsimula na kaming kumain pagkadating ni Seokmin at ang hanep, nauna pa kumuha ng pagkain kesa dun sa mismong bumili
Galing galing
"Oy DK! Kamusta ka naman?"
"Oo nga. Balita ko di ka parin tumitigil sa pagkain ng damo ah?" sabi ni Seungkwan
raulo din eh
"Heh! Umayos ka nga dyan! Baka di kita bigyan ng pasalubong eh"
Bigla namang umayos ng upo si Kwan at niyakap ang kanyang bestfriend
"Juk laaang! Na miss lang kita kaya ako ganun~"
"Hmp! Oo na, oo na"
Di rin matiis si Seungkwan eh.
Napatingin naman ako dito sa katabi ko na kanina pa hindi nagsasalita.
At ang mokong, nakatitig lang kay Seokmin
"Huy! Ayos ka lang?"
"H-huh? Ah oo ayos lang ako"
Kumunot naman ang noo ko nung sinabi nya yon. Pano ba naman, naka titig parin kay Seokmin nung sinabi nya yon
"Ah oo nga pala Seok, si Soonyoung. Bago nating kaklase." sabi ko kay Seokmin na ngayon ay namumualan sa french fries
Lumunok muna si Seokmin bago tumingin kay Soons
"Oh hello! I'm Seokmin but you can call me DK" sabi nya sabay ngiti ng pagkatamis tamis
Okay? Bakit bigla syang nag english?
"A-ah hi!! I'm Soonyoung. You can call me Soonyoungie". saad ni Soonyoung sabay kindat
Aba! Soonyoungie?! Bakit hindi 10:10 o Hoshi yung sinabi nya? Tsaka bakit ako hindi nya kinindatan?
"Ahem! Wow bes, kapapasok mo lang ha"
"Bakit? Bawal bang kaibiganin ang isang magandang nilalang tulad nya?"
Wait. What?
Nanlalaking mata akong tumingin kay Soonyoung pagkatapos nyang sabihin yon
Ano nangyayari?
"Aba aba. Iba rin pala ang isang Kwon Soonyoung"
"Syempre naman hyung." parang basic lang na sabi ni Soonyoung
Nakita ko naman na pulang pula na si Seokmin dahil dito
"U-uh thank you" sabi nya sabay ngiti
"Ano? Feel na feel mo naman?"
Tumingin naman ng masama si DK kay Kwan
"Palibhasa kasi, wala pang nagsasabi sayo non!"
"Ay oo nga pala Kwan, asan si Hansol?"
Para bang natigilan si Seungkwan dahil dito. Hmm?
"H-hansol nugu?"
"Pfft. Don't us Kwaan. May pa nugu nugu ka pa dyan."
"Hyung naman! Wag kayong ganyan at baka umiyak si Kwan HAHAHAHA"
ibang klaseng bestfriend
"Abua! Ayos ka din Seok ah" natatawa kong sabi sakanya
Tumingin naman ng masama si Seungkwan sakanya at nang makita ito ni Seokmin ay ngumiti lang sya kay Seungkwan
"Ewan ko sayo! Sumbong kita kay Jisoo hyung eh"
"Jisoo?"
oh. nandito pa pala to
"Ahh, manliligaw ni Seokmin." sabi naman ni Jeonghan hyung sabay taas baba ng kilay nya kay Seoks
"May manliligaw ka na?"
'oo bes. kaya tama na landi psh'
"A-ah oo eh." nahihiyang saad nito
"Ow. Okay"
oh bakit bigla syang natahimik?
"Bakit bigla kang natahimik beh?" sabi naman ni Kwan
"A-ah wala wala. Hehe guys, hyung mauna muna ako. May kailangan pa kasi akong gawin"
"Ano gagawin mo?"
"Basta. Importante lang. Kita nalang tayo mamaya. Bye bye!"
"Okay?"
"Luh Jihoon. Ano problema nun?"
"Di ko din alam hyung"
"Halaaa baka dahil dun sa sinabi ko!!"
"Bakit naman? May gusto ba sya kay Seokmin?"
"Luh?"
"Anong luh luh? Namumula ka nga kanina nung kindatan ka nya eh!"
psh. kinindatan lang ibig sabihin may gusto na agad?
"Malay nyo naman may gagawin lang talaga na importante? Sige guys mauna na din ako." sabi ko nalang sabay tayo
"Ano problema ng mga tao ngayon?" rinig kong sabi ni Seokmin
ikaw. tss
________________
ANG GWAPO NI JIANG CHEN TSAKA NI LU YANG AT SYEMPRE SI WU. yun lang
