Kabanata 1

8.7K 214 1
                                    



ROSE


"Rose,nandito na tayo " napatingin ako sa pinsan ko ng magsalita siya. Kanina pa kase ako nakatingin sa bintana kaya diko napansin na nandito na kami.

Tumango ako at bumaba na kami ng pinsan ko sa van. Nakatayo kami ngayon ng pinsan ko sa harap ng isang malaking gate. May nakasulat sa gate na “Angelita’s Dorm”

"Dito ba tayo titira habang nandito tayo ? " tanong ko sa pinsan ko

"Oo, buti nga at pumayag si Auntie na libre tayo dito sa dorm " sabi niya at hinatak na ako papasok

Malawak ang garden dito , tapos ang laki ng dorm. Nahahati ito sa dalawang bahay.

Sa kanan ay yung sa babae, at sa kaliwa ang Lalake.

"Oh nandito na pala ang mga pamangkin ko, halika kayo sa loob para makakain na kayo " si Auntie Angelita

Sumunod kami kay Auntie papasok ng dorm ng mga babae.  Madaming nandito sa labas, kunsabagay dorm nga eh.

Pero papasok palang ako ay may naramdaman akong nakatingin sa akin.

Naglinga linga ako hanggang sa makita ko ang lalakeng nakaitim na sando at puting short na nakatingin sakin.

Ang weird ng tingin niya.

"Hoy Rose , tara na sa loob " nagulat ako ng tawagin ako ng Pinsan ko kaya naalis ang tingin ko sa lalakeng nakatingin saken.

Pumasok na ako sa dorm at sumunod sa pinsan ko.


----

Lame, sana magvote parin kayo, Salamat ^_^

Im The Psycho's Obsession (JIMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon