ROSE
Nandito kami ngayon ni Ranti sa school na papasukan namin, nageenroll kami, 1 week late lang kami kaya pwede pa naman daw kami mag enroll.
"Ranti, anong section mo ? " tanong ko sa kanya
"Section F ako eh, ikaw ba ? " lahh, di kami magkaklase
"Section C ako eh, sayang " sabi ko
"Ang talino mo naman kase, alam mo.naman na medyo mapurol ang utak ko " sabi niya
"Hayst wala yan sa talino, nasa sipag yan. Hayaan mo na kahit di tayo magkaklase lagi padin naman tayo sabay sa pagkain at paguwi " sabi ko at ngumiti sa pinsan ko
Ngumiti lang din siya, bukas kami magsstart ng pagpasok, medyo may kaunting hahabulin na kaming mga lesson, pero ayos lang. Madali lang naman humabol sa lesson eh.
Niyakag ko si Ranti naumuwi na kase wala na naman kaming pupuntahan pa.
Pagkadating namin sa dorm ay pumasok na kami sa kwarto namin.
Kasama namin si Auntie sa kwarto, bantay daw siya namin.Habang nag aayos ako ng gamit ko ay may kumatok sa kwarto namin. Binuksan yon ni Ranti.
"Ano yon ? " tanong ni Ranti, babae siyang matangkad na maitim , pero maganda .
"Si Rose ba dito ang kwarto niya ? " tanong niya
"Oo bakit ? " ako ang sumagot.
"Ahh may nagpapabigay kase sayo neto, galing dun sa mga lalake sa kabilang dorm " sabi niya at inabot saken ang mga bulaklak
"Rica, kanino yan galing ? " singit ni Auntie, nasa likod siya ni Rica
"Ah Auntie, dun po sa mga lalake sa kabilang dorm pinaabot lang po " sagot niya
"Nako nako, samahan mo ako mamaya sa dorm ng mga yan at sabihin mo saken kung sinong nagpabigay . Aba bawal ligawan ang pamangkin ko at nagaaral pa siya " sabi ni Auntie
"Sige po Auntie " sagot nung babae at umalis na
"Rose, akin na yang mga bulaklak, di ka pwedeng tumanggap ng mga ganyan. Baka ako ang mapagalitan ng papa mo pag hinayaan kong may manligaw sayo , at ikaw Ranti bawal ka din magpaligaw " sabi ni Auntie
"Opo " sagot nalang namin ni Ranti kay Auntie at bumalik sa mga ginagawa namin.
Umalis si Auntie dito sa kwarto at tinawag si Rica, ibabalik niya ata yung mga bulaklak .
Sino kaya nagpabigay nun ?
----
Vote , comment po kayo, Sana nagustuhan ninyo, Thanks for Reading ^_^
![](https://img.wattpad.com/cover/146380258-288-k799675.jpg)
BINABASA MO ANG
Im The Psycho's Obsession (JIMIN)
General Fiction"Unang kita ko palang sayo, pagmamay ari na kita. Papatay ako kung kinakailangan mapasakin kalang " ~ Park Jimin Obsession Series #1 © 2018 by Ryelhynx Rank: #1 - parkjimin BC By : ohsedumb