Chapter 8: Student's week

23 1 0
                                    

Unang araw ngayon ng student's week. Malamang ay nag mememorize na ang mga kaklase ko sa gaganaping roleplay. Kinakabahan na rin ako dahil on the spot ang mangyayare. "Kaya ko ito".

Pagkapasok ko sa aming silid ay bumungad kaagad sa aking mata si Nicko. Halatang kabado siya base sa ekspresyon ng kanyang mukha.

"Den...wag mo masyado palalimin ang mga words mo mamaya ah, baka wala akong maisagot". Kinakabahang sambit niya. Bahagyang napangiti ako dahil ang cute cute niya tignan sa mukha niyang ganyan.

"Oo naman, basta para sa'yo Nicko". Pinakilig ko siya ng kaunti upang kahit papano ay maibsan ang kaba na nararamdaman niya. Pansin ko ang pagpula ng mukha niya at ang kanyang pag ngiti

Dumating na ang oras ng aming kamatayan....este ng aming roleplay

Natapos ang unang pair at kami na ang susunod "f*ck omgg". Hindi ko napigilang magmura sa aking isipan. Nangangatog man ang aking tuhod ay pinilit kong maglakad sa harap saglit na pinasadahan ko ng tingin si Lance para naman maibsan ang aking kaba. Nagkatinginan kami ni Nicko sa harap.

"Goodluck". Bulong ko sa kanya

"Ikaw din". Bulong niya rin kasabay ng pagguhit ng isang mapait na ngiti mula sa kanyang labi.

"Start..". Sabi ni Ms. Fabian. "Wooh kaya ko tohh!"

"Nicko...anong ginawa ko sa'yo para iwan mo 'ko? Binigay ko naman sa'yo lahat, lahat lahat pero bakit?". Pinilit kong maluha para madagdagan ng ekspresyon ang aking malungkot na mukha

"Mali ang iniisip mo...kailanman ay hindi ko kayang iwan ka". Napangisi ako sa kanyang sagot habang umiiling, upang ipakita ang pagtutol ko sakanya

"Tsss....Ganyan naman kayong mga lalaki diba?? Mga sinungaling!". Rinig ko ang malakas na sigaw ng aming mga kaklase. Bahagyang natatawa na rin ako ngunit pinipigilan ko ito.

"Oo na kami na ang sinungaling para sainyo pero kahit ano man ang mangyare ay babalik at babalikan parin kita, dahil mahal kita!"

"Nicko....hindi lahat ng bumabalik ay may binabalikan". Hinawakan ko saglit ang kanyang pisngi para mas maging feel na feel ng mga audience ang aming nararamdaman.

"Den...wala na nga ba?". Maluha luha niyang tanong "wow marunong pala to um-acting lodii"

"Nicko....". "Hindi mo kase alam eh..hindi mo alam yung feeling na iwan ka ng mahal mo, ung feeling na iwan ka ng taong tinuturing mong mundo, ung tanging buhay mo.. hindi mo alam 'yon kase hindi naman ikaw yung iniwan, ikaw yung nangiwan, yung nagpakasaya...samantalang ako dito, wala ka nag iisa". Pumatak na rin ang luha na kanina pa nagbabadya umagos. Para talaga kaming nasa teleserye.

"Hindi mo 'ko naiintindihan Den eh..pinalaya kita, pinasaya kita at----"

"Saya??". Ngumisi ako. "Ano yun?? Kase simula nung umalis ka, hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang saya. Kase alam ko sa sarili ko na ikaw lang ang happiness ko Nicko... pero pati 'yon pinagkait mo parin. But don't worry, days have passed and i've finally learned how to be happy even without you by my side".

Ramdan ko ang pag dausdos ng mga luha sa aking mata na tila'y nag uunahan.

Tumunog ang maliit na bell na hawak ni Ms. Fabian upang maging hudyat para kami'y tumigil at mag bigay daan sa susunod na grupo

"Awwww". Rinig kong sabi ng aming mga kaklase. Sabay kaming bumaba ni Nicko at pinunasan ang aming mga luha. Binulungan niya ako

"Galing mo, wala akong nasagot haha". Ani niya

"Natin...ang galing natin"







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden loveWhere stories live. Discover now