Chapter three: Roleplay

22 1 1
                                    

"Ateee!!!"

Naputol ang panaginip ko nang tawagin ako ni Yza, siya ang epal kong kapatid na lagi nalang ginagambala ang tulog ko. Napatingin ako sa orasan na nakasabit "2:30pm? Ano nanaman kaya ang problema nito".

"Oh ano nanaman ang sarap sarap ng tulog ko eh". Inaantok na sambit ko

"Pwede ba akong tumabi sayo ate?". Naguluhan ako sa ekpresyon ng kanyang mukha na tila natatakot.

"Nanaginip kase ako ng nakakatakot eh, it was really scary ate". Dag-dag pa nya. Bahagyang napangiti ako dahil para siyang 3 years old kung matakot

"Really? But it was just a dream Yza". Natatawang sabi ko sakanya "You're already 5, that should not scare you". Dag-dag ko pa

"I still wanna sleep with you ate"

Napatango nalang ako. Mabilis siyang umakyat sa aking kama upang humiga

"Thanks ate!". Sambit niya habang humihikab

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Iminulat ko ang aking mata mula sa pagkakatulog "ahhhh, ang sarap matulog, inaantok parin ako". Tila nawala ang natitirang antok sa'kin at napalitan ng kaba nang makita ang tirik na araw, napatingin ako sa aking cellphone at tinignan ang oras. "Patay!!!!!!!! 9:15?? Eh ang pasok namin ay 8:30".

Mabilis na kinuha ko ang aking towel at pumasok sa cr. Hindi ko na nagawang initin ang tubig dahil sa pagmamadali, mabilis naman na kumuha ako ng damit na maisusuot. Pumara ako ng trike at mabilis na sumakay doon. Napatingin ako sa aking orasan "hindi ko na ata dapat pang magmadali dahil di na rin naman ako makakaabot aa first subject namin".  Napatingin ako sa aking cellphone nang magvibrate ito nakita ko ang pangalan ni Bea sa screen. "Beshiwapss di ka papasok? Ngayon sasabihin ni Miss Fabian ang mga magpartners for our student's week roleplay.

Nagreply ako "Nalate lang ako ng gising besh haha". Pagkatapos nun ay umilaw ulit ito

"Sige ingat ka!". Reply niya

Pagkarating ko roon ay wala nang mga estudyanteng pakalat kalat malamang ay nasa kanilang mga room na ito.

Mabilis na pumasok ako sa Science class namin. Naabutan kong nagtuturo si Ms. Javier kaya nagdalawang isip pa ako kung hihintayin ko nalang ba sya matapos. Nahagip ng aking mata ang kaway ni Bea kaya napatingin ang aming mga kaklase kung sino ba ang kanyang kinakawayan. Kaya napatingin sila sakin pati na rin si Ms. Javier "ang bibo talaga nitong babaeng 'to". Wala akong choice kundi ang pumasok sa pinto

Sinalubong ko ang malalim na titig ni Ms. Javier sakin, kaya napayuko ako. "Ms. Alcantara". Pagtawag niya kaya iniangat ko ulit ang aking tingin.

"Yes Ms. Javier?"

"Parang ang aga mo ata?". May diing sabi niya

"Po?". Naguhuluhang sabi ko

"Ang aga mo para sa susunod na subject". "Go in". May diing sambit niya

"Sorry po". Mahinahong pagsagot ko

Natapos ang klase ng wala akong naintindihan dahil busy nanaman ako sa tula na aking ginagawa.

"Hoy ano yan?". Narinig ko ang mapanuyang tanong ng katabi ko

"Wala na---". Natigilan ako sa pagsasalita nang magsalita si Ms. Fabian.

"Goodmorning class, i will now announce the students for our roleplay"

"The topic assigned for your class is love. But you can decide the specific topic you want related to love just like how a guy left the girl...your choice"

Hindi ako gaanong interesado sa mga ganito kaya bumalin nalang ang tingin ko kay Lance habang sinasabi ang mga mag partners. Mukhang interesado siya sa mangyayare. "Kung mabibigyan ako ng chance na maging kapartner si Lance..itotodo ko na ang skills ko sa pag gagawa ng tula". Natigilan ako sa pag iisip nang tawagin ni ms. Fabian ang pangalan ko

"Denise Alcantara and------"

"Lorddd please mahal na mahal kita...sana si Lance ,Lord"


Forbidden loveWhere stories live. Discover now