Little Fight

103 5 5
                                    

—————————————————————

Chapter 9: Little Fight

—————————————————————

Arthur's POV

"Arthur? Ano ginagawa mo dito?"—Kylie Matanlang. Kilala niya ako? Well hindi naman yun nakakagulat since madaming nakakakilala sa'min.

"Kilala mo ba'yan Kylie?"—isa sa kasamahan niya.

May lumabas na lalaki. "Anong nangyayari dito?".

"Liam?!"—kaya pala familiar ang boses eh!

"Oh leader!"—tinapon niya yung sigarilyo at lumapit sa'kin at dinampian ang balikat ko. "Mukhang na bisto mo kami ah."—ngisi niya sa'kin.

Tinanggal ko yung kamay niya, naisip ko lang na hindi bagay ang pangalan niya para sa kanya.

Pansin ko na may limang babae, the exact number of the girls we are looking for. Sila kaya yun? Kaso sabi ni matanda new students sila sa school, eh wala naman kaming nakita na limang babae na magkasama at bago sa school. 

"Hoy nakikining ka ba?"—pagkasabi ni Liam tinangka niya akong suntukin pero umiwas ako.

Gangster ata itong mga'to? Limang babae at dalawang lalaki. 

"Sorry leader, pero mukhang ako ang magiging leader muna bukas?"—akala mo naman bagay ang pagngisi mo!

Sinubukan niya akong sipain pero hinarangan ko. Magaling nga siya sa Taekwondo pero...

"Liam kung Blue belt ka, Black belt naman ako."—at ako naman ang ngumisi sabay talon at sipa sa mukha niya.

Gasgas ang mukha niya tuloy. 

Tinignan ako ni Liam ng masama, ako naman nagkibit balikat lang. "Lagi ka na lang panira Arthur!"—lumapit ulit siya sa'kin para suntukin. "Ikaw na ang leader, ikaw na ang palaging nasusunod, pati yung babaeng gusto ko kinuha mo na rin! Lagi na lang ikaw!"

"Wooh hindi ko alam na may galit ka pala sa'kin."—tsaka teka nga, syempre ako masusunod, leader nga diba? Isa pa hindi ko kasalanan na mas guwapo ako sa'yo.

Siuntok ko siya sa tiyan niya at napaubo siya. Yung isang lalaki na kasama nila tumakbo, mukhang natakot ata, pero itong limang babae nandito pa rin. Biglang sumugod sa'kin si Kylie.

"Magaling ka pala makipaglaban."—sabi ko kay Kylie.

"Paano ka napunta dito Arthur?"—sumali na rin yung iba pang kasamahan niya. 

Sila kaya ang hinahanap namin? Lahat sila marunong makipaglaban at nahihirapan na'ko. Lima sila isa lang ako. Kung kelan kailangan ko sila Luke tsaka naman wala sila.

"You're not just a simple fighter."—isa sa babae nagsalita. "Mae nga pala"

Isa-isa nila akong sinusubukan suntukin o sipain.

"Paty, hindi mo siguro ako kilala since bago ako sa school niyo." 

Bago sa school? 

"Jitry"—sabay sipa sa'kin.

"At ako naman si Trina, diba ikaw si Arthur? Asaan ang iba mo pang mga kasama?"—may bigla siyang nilabas na baril. 

Napatigil ako. 

"And we are–"

"Mysterious Princesses?"—pagputol ko sa sasabihin nila. 

Bigla silang nagkatinginan at nagbulungan ata. 

Kings Gangsters VS Mysterious PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon