KINAUMAGAHAN nagising si Alsharief at natanaw niya ang karagatan, maraming puno, at nakahiga siya sa buhangin kasama ang mga kaibigan niya.
What the fvck did just happened?
"Hey, man. Goodmorning." bati sa kanya ni Aldren.
"Stop the gay sht dude." saad niya.
"You really love me that much, huh?" biro ni Aldren.
"Mag babangayan na naman ba kayo? Ang aga pa para diyan." saad ni Melvin.
"Mahal lang talaga namin ang isa't isa. Diba babe?" naka ngising saad ni Aldren.
"Ang laswa niyo. Hindi bagay para sa magandang umaga." reklamo ni Petrus.
"Selos ka lang eh. Halika mahal, gawa na tayo ng sarili nating baby." tukso ni Melvin.
"Gago. Tumayo na nga kayo diyan, bumalik na tayo sa hotel." saad ni Petrus at nauna ng umalis.
ABALA sa pagbibihis si Winter ng narinig niyang sumigaw si Spring mula sa labas ng silid niya.
"Girl, halika na. Bumaba na tayo sa breakfast hall. Gutom na kami eh." ani Spring.
Lumabas si Winter sa kanyang silid at naabutan niyang nanunuod ng tv sina Summer at Fhall samantalang abala naman si Spring sa cellphone nito. "Oh? Akala ko ba nagugutom na kayo?" tanong niya rito.
"Ang tagal mo kasi eh. Nakakabagot kaya maghintay." saad ni Fhall sabay pinatay ang tv at tumayo na.
"Kaya ka nasasaktan kasi hindi ka marunong maghintay." biro ni Summer.
"Nakakamatay yan girl." segunda naman ni Spring.
"Oh ano na? Magbabangayan na naman ba kayo? Tara na kaya." saway ni Winter sa mga ito.
NANG makarating sila sa breakfast hall, marami na ang mga kumakain at mahaba na rin ang pila.
"Anong oras na ba? Andami ng tao." saad ni Fhall.
"Dinadagsa ba talaga ang breakfast hall nila rito? May iba naman sigurong restaurant?" tanong ni Summer.
"9am na kaya. Malamang na dadagsa na talaga ang mga tao." sarkastikong saad ni Spring.
"Sorry naman kung ang bagal ko. Tara na nga pila nalang tayo." saad ni Winter.
MATAPOS ang ilang minutong pagpipila sa wakas ay nakakuha na rin sila ng makakain sapagkat may malaki pa silang problema.
"Paano nato? Tatayo nalang ba tayo habang kumakain?" nakangusong saad ni Fhall.
"Gusto lang naman natin kumain eh." ani Summer.
Nahagip ng mga mata ni Spring ang isang mahabang mesa na may apat na bakanteng upuan. "Hindi naman siguro tayo sobrang malas ngayon. Sumunod kayo sakin." saad nito.
MASAGANANG kumakain sina Alsharief ng bigla na lamang napatunganga sa kanyang kinauupuan si Melvin.
"Oh? Anyare sayo? Nakalunok ka ng buto?" tanong ni Petrus.
"Hampasin mo kaya sa likod baka matauhan." biro ni Aldren.
Natigilan silang lahat ng makarinig sila ng isang tikhim na pumukaw ng kanilang atensyon.
"Excuse me? Can we sit in? As far as I can see kasi walang nakaupo dito." saad ni Spring.
Natauhan si Melvin at tumikhim ito. "Nagtanong pa obvious namang walang nakaupo. Kami ba may ari ng upoan na yan?" sarkastikong bulong nito.
"Sungit. Kala mo naman kung sino." bulong naman ni Spring sa sarili.
"May sinasabi ka?" tanong niya rito.
"Ah, sabi ko thankyou at pumayag kang umupo kami rito katabi niyo." nakangiting saad nito.
Nabalot ng nakakabinging katahimikin ang mesa ng dalawang magbarkada hanggang sa natapos na silang lahat at wala pa ring umimik kahit isa.
NANG makarating sina Alsharief sa kwartong tinuluyan nila sa hotel ng resort ay nakabusangot parin ang mukha ni Melvin.
"Anong nangyari sa inyo ng babae dun kanina Mel?" tanong ni Petrus.
"Oo nga. Ang lalim nga ng mga titig niyo sa isa't isa eh." saad ni Alsharief sabay tingin kay Rustin.
"Eh kasi naman. Obvious na nga na walang nakaupo dun sa mga upoan na nasa mesa natin nagtatanong pa kung pwede bang umupo." inis na paliwanag ni Melvin.
"Normal lang naman kasi yun Mel. Malamang magtatanong siya kasi baka mamaya may nakaupo na pala doon tapos papaalisin sila. Nakakahiya naman yun diba?" depensa ni Aldren.
"Pakialam ko kung mapapahiya sila? Basta naiinis ako. Wag niyo akong kausapin. Magsama kayo ng mga babaeng yun." galit na saad ni Melvin saka nagtungo sa kwarto niya.
"Anyare dun? Biglang nagtampo? Ang showy masyado ni kuya." birong saad ni Aldren.
"Hindi kaya bakla si Melvin tapos lumadlad na siya tapos nainis siya dun sa babae kanina kasi ang gwapo at hot natin? Hindi kaya nagseselos siya?" inosenteng tanong ni Alsharief.
"Gago. Kausapin mo yang sarili mo. Naiinis na rin ako sayo." ani Petrus at nagtungo sa kwarto nito.
"Sorry dude. Alam kong mababaw at naguguluhan ka pero naiinis na rin ako sayo." At naiwang mag isa si Alsharief sa sala ng kanilang kwarto.
"Ano na ba ang nangyayari? Theory ko lang naman yun ah. Ang babaw talaga ng mga kaibigan ko." saad ni Alsharief na kinakausap ang sarili.
TAHIMIK na pumasok sina Winter sa kwartong tinuluyan nila at walang nangahas na bumasag ng katahimikan nang bigla nalang sumigaw si Spring.
"Aaargh! Nakakairita siya! Nakakairita!" inis na sigaw ni Spring.
"Girl, kung tungkol na naman yan sa nangyari kanina sa breakfast hall, pwede bang move on din paminsan minsan? Nakakamatay yan sige ka." birong saad ni Summer.
"At bakit ba parang big deal sayo yun? Type mo yung lalaki ano?" segundang biro naman ni Winter.
"Iww! Yuck! Ang laswa ng mga pinag iisip niyo. Naiinis lang ako dun. Oo, tama. Naiinis ako." depensa ni Spring.
"Eh bakit simula ng umalis tayo kanina hanggang ngayon ay bukambibig mo parin yung lalaking yun?" tukso ni Fhall.
"Naiinis nga kasi ako eh. Naiinis ako." nangagalaiting saad ni Spring.
"Okay lang yan girl. Mabuti pa at mamasyal nalang tayo para mawala yang inis mo." suhestiyon ni Winter.
"So kayo lang? Ganun?" nagtatampong saad ni Summer.
"Hindi pwede yan. Dapat one for all, all for one. Let's go!" ani Fhall at naunang lumabas sa kanilang apat.
At tuluyan ng umalis ang magkaibigan upang mamasyal at makapagrelax na rin.
World war ang unang pag uusap nina Melvin at Spring. Magbabago pa kaya ito sa mga magdadaang araw?
End of Chapter 1
A/N : Alam kong naguluhan kayo sa set up ng hotel room ng mga bida. Ganito kasi yan, kung sa labas titingnan ay katulad lamang ito ng mga 5-star hotel na makikita natin sa totoong buhay at talagang nagkabuhol-buhol ang imahinasyon ko kaya nag iba ang resulta pagdating sa loob. Katulad parin ng mga totoong hotel ang loob nito kagaya ng set up ng mga rooms. Ang kaibahan lang ng sakin ay kada rooms ng hotel ay kasing laki nito ang isang bahay at kasing katulad rin ng isang bahay ang mga nasa loob ng mga rooms. Magulo parin ba? Pasensya na. Kayo nalang bahala mag imagine xoxo!
YOU ARE READING
Twisted Fate
RandomAlsharief and his gang dreamed of a happily ever after. They are a number one fan of so called 'Forever'. One day, the happily ever after that they thought end up in a unexpected way. Their fate has been twisted. Would they still fight for it?