Chapter 1 - Home for Good

16 0 0
                                    

Midnight 8:30 pm

Yes, finally after 12345678910 years nakaalis nadin sa kulungan, I mean our school agent sa ibang dimension. Sadyang mukang kulungan kase yung school namin eh. Hi, Im Ashel nga pala.

So btw nasa van kami kasama si Ate Conie (scientist na maganda, mas maganda pa sa gf mong mukang tae) at si Kuya Darwin (mechanical engineer na gwapong gwapo), sila ang mga kaibigan ko na para na ding magulang ko. Sila kase ang nag alaga sakin nung nawala ang aking pamilya dahil daw sa isang aksidente.

Alam nyo ba? Half robot ako. Nakakashook ba?

At dahil half robot ako, ipinadala ako sa isang dimension ng mga agents na itinuturing kong kulungan. Sabi nila, malalakas daw at madiskarte ang mga half robots, well totoo yun hehe.

Di ko alam kung bakit ako half robot, pero aalamin ko din yun. Anyway, napakasaya ko dahil makikita ko na ang bahay namin na malapit sa mga tao, gusto ko na silang makila-

"Itigil mo na nga yang pag susulat mo sa notebook" sabi ni Brent.

"Problema mo ba?" pasigaw kong sinabi.

"Wala lang"

Oo nga pala, kasama namin si Brent partner kong naka poker face. Ang daming problema at reklamo sa buhay. Kunting bagay pinapalaki, kaya lagi kaming magkaaway ih.
Ayokong makapartner sya pero pinilit kami nila. Sapilitang pagpapartner ganern...

Anyway, meron akong diary. Dito ko nilalagay ang mga nangyayari sakin, at mga di ko nasasabi sa kanila. Isa ito sa best friend ko since nung binili ko sya sa Dimension namin. Dito ko din nilalagay ang mga katanungan ko, minsan may nga drawings akong nilalagay.

"Ok guys, malapit na tayo" sabi ng driver samin.

Tumingin ako sa bintana at nakakita ako ng mga buildings at mga tao, may mga halaman at hayop din.

Nang tumagal ay bigla bigla na itong nawawala, at ang nakita ko nalang ay isang malaking gate na itim. Sabay hinto ng van.

So ang bahay namin ay nasa madilim na lugar? Tapos walang kapitbahay?

"We're here" sabi ni Kuya Darwin sabay lumingon sa amin.

"Bakit parang haunted house to?" tanong ko.

"Muka mo haunted house" bulong ni Brent.

"Epal ka talaga no? Walang kalaro? Walang magawa"

Humarap si Ate Conie sa amin. "Agents, kunin nyo na ang mga gamit natin."

Kinausap ko nalang sarili ko habang naglalakad.

So bat ganun? Malumbay na nga sa Dimension ng Agents tapos hanggang dito malumbay pa din? Walang ka kulay kulay yung bahay namin huhu. Epal kase yung rule...

May rule kase sila, ang the "Happy Rule"

Kung saan once in a month lang kami mag sasaya mga 8 hours lang. Bawal mag ka crush, bawal mag ka inspiration, bawal lovelife, bawal friends, at bawal ang pag sasaya dahil sagabal daw ito sa aming mga misyon.

Nag simula ito kay Agent KN (Kathry Navarro) Mahilig sya sa parties at kahit ano pang kasiyahan.

One time, napabayaan nya ang Breeding ng White Dragon sa California, bigla nalang sumabog ang lupa sa Park at lumabas ang mga dragon, hinahanap na nila ang mga anak nila na matatagpuan sa Park dito.

Pero ang unpair parin ih....

...GUSTO KONG MAG SAYA!

Nakarating na kami sa bahay namin.
Biglang may lumabas sa pintuan.

Weird WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon